" Kuya Pogi.. " mahinang tawag ko sa kanya.
Kasalukuyan na kaming nandito ngayon sa sala habang nanonood ng kung anu-ano. Nakapatong ang aking ulo sa kanyang balikat habang nakayakap naman sa aking baywang ang isa nyang kamay habang ang isa nama'y nilalaro ang aking kamay.
" Hmmm? " rinig kong sagot nya.
Huminga ako ng malalim.
" Kailan mo ba balak magtanong? " diretsa kong tanong sa kanya.
" Magtanong? " kumunot ang noo nya. " Ask what? "
Napalunok ako.. Bakit parang kinabahan ako bigla?
" A-alam mo na... to be my b-bo... " Napahilamos ako sa aking mukha..
Waaaahh! Ang hirap pala 'to! Huhuhu! Akala ko madali lang!!
Nakita kong kumunot lalo noo nya habang matamang nakatingin sa akin. Kaya naman huminga ako ng malalim at inipon lahat ng lakas ko.
" Kailan mo balak magtanong? To be my boyfriend?! " pikit mata kong sigaw..
" Silly! I never intend to ask that question. " napamulat ako at gulat na tumingin sa kanya habang sya naman ay nakangiti lang ng malawak.
A-ano daw mga beshie? H-he never intend to ask that question?! Wala syang plano?! Tapos nakangiti pa talaga sya ha!!
" SH*T!! ZIA!! " ayun sa inis sinabunutan ko!
" Nakakainis ka! Bakit wala kang planong magtanong, ha?! Aish! Nakakainis ka talaga!! " patuloy lang ako sa pagsabunot sa kanya nang maalala kong sumakit pala ulo nya kanina kaya itinigil ko na.
Tumayo na lang ako at tinalikuran sya.
" Wag kang tatabi sa amin ng anak mo!! "
Eh?!
Waaaaahhh! Anong anak pinagsasabi ko?!
Napatampal ako sa aking noo nang makita kong ngumisi sya sa akin habang nakahawak pa rin sa kanyang buhok kaya binawi ko agad.
" HINDI ANAK HA! SI BABY LIAM! SI BABY LIAM 'UN! KAYA WAG KANG NGUMISI JAN! " tinalikuran ko sya at naglakad papasok sa kwarto.
Sinarado ko ung pinto bago ako umupo sa sahig at naghalumbaba sa bed.
Hindi ako iiyak mga beshie... Katatapos ko lang umiyak noh kaya wala akong balak umiyak ngayon kasi wala namang kaiya-iyak sa sinabi nya.
Kung wala syang balak, edi ako magtatanong! Problema ba 'yun?! Wag tayong susuko mga teh!
Ang problema, kung papaano?!
Aish! Nagulo ko na lang ang aking buhok sa inis.
Tulungan nyo ako mga beshie! Kung wala akong maisip bahala kayo! Walang magiging ninang sa inyo! Hahahaha!

BINABASA MO ANG
Dessert Series: Halu-Halo
Romance" I don't care if you tease. I don't mind if you want me to suffer. Kahit pa punong puno ka ng kalokohan, willing akong sakyan lahat ng trip mo, Z! I will never get mad at you! Please remember that! " - Franz...