CHAPTER 21

5 1 0
                                    

Unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata nang maramdaman kong may pumipisil sa aking kanang kamay.

Napakunot noo ako nang bumungad sa akin si Mama na nakapikit habang patuloy na lumalandas ang masaganang luha sa kanyang pisngi. Mahigpit nya ring hawak hawak ang aking kamay at maya’t maya itong pinipisil.

 
“ M-Ma? ” tawag pansin ko sa kanya ngunit wala man lang lumabas na tinig mula sa akin.

 
Bakit ganito?? Anong nangyayari mga beshie?

 
“ M-Ma? ” Nanghihina kong pinisil pabalik ang kanyang kamay.

 
Unti-unti naman syang lumingon sa akin at mas lalong bumuhos ang kanyang luha ng makita ako.

 
“ ZIA! ANAK!! JUSKO! GISING KA NA RIN SA WAKAS!! ” saad ni Mama na mas lalong nagpagulo sa aking isipan.

 
Marahan nya akong niyakap at ramdam ko ang pagpatak ng luha sa aking balikat.

 
B-bakit ganito ang reaksyion ni Mama? M-may nangyari bang hindi maganda sa akin?

 
“ Zia, anak! Ayos ka na ba? Wala bang masakit sa’yo?! ” sinipat sipat ni Mama ang buong katawan ko. Tinitignan kung may mali ba dito.

 
“ Saglit lang anak ha! Tatawag lang ako ng doctor! ” natatarantang saad ni Mama bago sya lumabas.

 
Doctor??

 
Hindi ko maintindihan si Mama kaya inilibot ko ang aking paningin sa apat na sulok ng kwartong ito. Puting kisame, puting pintura at pati kurtina puti?

 
Napapikit ako.

 
Isang lugar lang naman ang mayroong ganito…

I’m currently here, lying in the hospital bed with a dextrose in my hand.

Pero ang tanong, b-bakit ako nandito?

 
Pinilit kong umupo ngunit bigla na lang sumakit ang aking ulo kaya bigla akong napahawak dito..

 
B-benda?

 
A-ayoko nang nangyayari mga beshie…

 
B-bakit may benda ako sa ulo? Bakit hindi ko maalala kung bakit ako napunta dito? B-bakit paggising ko wala sa tabi ko si Kuya Pogi??

 
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito.

 
“ M-ma… Si K-kuya Pogi, n-nasaan?! ” may namumuong luha na tanong ko pagpasok nya.

 
Napakunot noo lang sya bago sya nagtatakang tumingin sa kasama nyang doctor..

 
Napailing ako kasabay ng pagtulo ng mumunting luha sa aking mukha.

 
“ Ma! P-please!! S-sabihin nyo sa aking totoo sya… Sabihin nyo sa aking lumabas lang sya.. Please tell me na babalik sya… Nagmamakaawa ako sayo, Ma! Please… ”

 
Parang awa nyo na….!!!!

 
Unti-unting nagbagsakan ang luha ni Mama habang nakatingin sa akin dahilan ng pagbuhos lalo ng luha sa aking mga mata.

 
“ NO!! He’s real, Ma!! Totoo sya! He even proposed to me! See?! ” sabay taas ng kanang kamay ko para ipakita ung singsing ngunit natigilan ako nang walang nakalagay dito…

T-this can’t be…. N-no… He’s real…

“ Zia… Anak.. ” lapit sa akin ni Mama  ngunit umiling iling ako.

 
Dali-dali kong tinanggal ang dextrose sa aking kamay at tumakbo palabas.

“ ZIA!! ”

 
Pinunasan ko ang aking luha at pilit hinanap si Kuya Pogi sa mga taong nadadaanan ko.

 
H-hindi ito maari mga beshie!! I can’t accept this.. Totoo sya!! Di ba mga beshie, totoo sya?!

 
“ KUYA POGI?! NASAAN KA?! ” sigaw ko sa pasilyo. “ M-magpakita ka na please… ” unti-unting bumagal ang aking takbo at dahan dahan akong napaluhod sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

 
Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kirot na nanggagaling dito.

 
K-kuya Pogi….

 
Naramdaman kong may humawak sa aking kamay.

 
“ Kuya Pogi?! ” lingon ko dito ngunit bumagsak din ang aking balikat nang makita kong mga nurses ‘to.

“ BITAWAN NYO AKO! HAHANAPIN KO PA SI KUYA POGI!! ” pagpupumiglas ko sa hawak nila..

 
Nagulat ako nang may naglabas ng injection..

 
“ NO!! LUMAYO KAYO SA AKIN! ”  pilit kong binabawi ang aking mga kamay sa mahigpit na pagkakahawak nila nang makita ko si Mama na umiiyak sa gilid..

 
“ M-ma! P-please! H-hahanapin ko lang si Kuya Pogi… ” pagmamakaawa ko sa kanya ngunit umiwas lang sya ng tingin sa akin bago ko naramdaman ang pagturok ng karayom sa aking balat.

Unti-unting nanghina ang aking katawan..

“ K-kuya… P-pogi…. ”  huling saad ko bago ako mawalan ng malay.

Dessert Series: Halu-HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon