Naglalakad na ako ngayon sa kalsada. Sinusundan si Kuya Pogi.
Well, Kuya Pogi pa rin kasi gusto kong itawag sa kanya.
Paano ba naman, ang perfect kasi ng mukha nya mga beshie! Ang kinis! Nahiya atang dumapo ung mga tigyawat sa mukha nya ihh. Pati blackheads o whiteheads wala man lang! Tapos ung matangos nyang ilong na matagal ko nang pangarap.. Ung mahaba nyang pilik mata.. His kissable pinkish lips na nakakatakam tikman ng paulit-ulit kapag tumititig ka at ang mga mata nyang pag tinitignan mo para kang nahuhulog sa isang malalim na butas.
Napalunok ako sa aking isipan at wala sa sariling hinawakan ang aking labi..
Di talaga ako makapaniwala na nahalikan ko na mga labi nya.. Kyaaaahhhh! Mahahalikan ko ulit sya mga beshie! Magtiwala lang tayo! Hahahaha!
“ Eh? ” lumingon lingon ako sa paligid.
Hala! Nasaan na si Kuya Pogi?! Nandun lang sya sa harapan ko kanina ha! San un nagpunta?Hahakbang na sana ako nang may marinig akong tunog na nakapagpakaba sa akin ng bonggang bonga.
“ Grrrrr! Arf! Arf! ”
Napapalunok akong lumingon at parang naitulos sa aking kinatatayuan nang makita ko ang isang asong masama ang tingin sa akin.
Huhuhuhu! Mga beshie, tulungan nyo ako!!! Mahina ako pagdating sa aso!!!
“ ARF! ARF! ARF! ” tahol pa nito kaya napatakbo ako ng wala sa oras dahilan ng paghabol nito sa akin.
“ Waaaaahhhh!! Mga Ate! Mga Kuya! Tulungan nyo ako!! ” Saad ko sa mga nadadaanan ko pero wala teh! Hindi ako pinansin!! At ang masaklap pa, pinagtatawanan nila ako!!
Waaaaahhh! Grabe sila! Mamamatay na ako dito oh!! Huhuhu!
Tinanggal ko ang sapatos ko at binato sa aso pero mukhang wrong move dahil parang mas nagalit ito at handa na akong kagatin!
Waaaaahhh!! Mukhang hanggang dito na lang ako mga teh! Pakisabi na lang kay Kuya Pogi na mahal na mahal ko sya at halikan ako bago ako ilibing! Huhuhu! Paala--
“ FRANZ DARYL ALCANTARA!!! ” malakas na sigaw ko nang makita ko sya. Nakita kong nagulat sya pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin.
Tumakbo ako palapit at walang pag-aalinlangang naglambitin sa kanya. Sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang leeg tsaka ko pinulupot ang aking mga paa sa kanyang bewang.“ Huhuhuhu! Tumakbo ka! Bilisan mo! May aso! ” paiyak ko nang saad pero hindi man lang sya gumalaw.
“ Waaahh! Anong ginagawa mo?! ” tanong ko nang umupo sya kaya ayun nasama ako! Nakalambitin nga ako sa kanya di ba? Kikiligin na rin sana ako kaya lang nasa harap namin ung aso!! Hinahawakan nya sa ulo!!
“ Ano ba! Tumayo ka nga! Kitang nandyan ung aso oh! ”
“ He’s harmless. Wag ka mag-alala. ” pero tumayo din naman sya at hinawakan ako sa bewang bago sya nagsimulang maglakad. Ung aso naman, umalis na rin.Harmless daw? Muntik na nga akong makagat ihh! Pero dahil sya ang dahilan kung bakit ako nakayakap kay Kuya Pogi ngayon, pinapatawad ko na sya! Hahahaha!
“ Wala ka bang balak bumaba? ” Syempre wala na mga beshie! Buhat na nga nya ako ihh dapat sulitin ko na! Hihihihi!
“ Pakiss muna! ” tsaka ako ngumuso sa harap nya. Akala ko di nya ako hahalikan pero nagulat ako nang hinalikan nya talaga ako at tumagal pa ‘to ng 5 seconds.“ Nag-iba na pala isip ko. Ibabalik ko na ung halik! Di na ako bababa! ” at ako naman ang humalik sa kanya.
Yieh! Hahaha! Ako na talaga! Dalawang halik tapos nakayakap pa ako sa kanya! Hooohhh! Jackpot mga beshie! Pahabol na rin kayo sa mga aso! Hahahaha!
BINABASA MO ANG
Dessert Series: Halu-Halo
Romance" I don't care if you tease. I don't mind if you want me to suffer. Kahit pa punong puno ka ng kalokohan, willing akong sakyan lahat ng trip mo, Z! I will never get mad at you! Please remember that! " - Franz...