CHAPTER 19

4 1 0
                                    

“ Stay here, Z! Babalik ako! ” napasimangot ako at hinigpitan ang kapit sa kanya. 

 
“ Ayoko! Sabi mo you’re not going anywhere! So bakit mo ako iiwan? ” mahigpit na yakap ko sa kanyang leeg.

 
Nakayakap na ako ihh! Papakawalan ko pa ba mga beshie? Syempre hindi na! Hahaha!

 
“ Pffft! Do you just want to cuddle all day? I promise, I’ll be back! ” hinarap ko sya at tinignan ng mabuti.

 
Halata sa kanyang pinipigilan nyang tumawa kaya naman naningkit ang aking mga mata.

 
“ Ayaw mong nakayakap ako sa’yo, Kuya Pogi? ” salubong ang kilay na tanong ko sa kanya.

 
“ I didn’t mean that, Z! I just need you to stay here and wait for me! ” bumaba ako sa pagkakayapos sa kanya.

 
Tinitigan ko sya at maya-maya’y tumalikod ako at nagsimulang maglakad.

 
“ Sama na lang ako! ” turan ko pero hinawakan nya ang aking kamay at hinila palapit sa kanya kaya napasandal tuloy ako sa matitipuno nyang dibdib! Kyaaaahhh!

 
Kinikilig kong isinandal ang aking ulo sa kanyang dibdib at iniyakap ang aking mga kamay sa kanyang baywang.

 
Nakapikit kong dinamdam ang tibok ng kanyang puso na tila lumilikha ng isang musika sa bilis nito.

“ You’re ruining my plan, Z! ” mahina akong natawa sa sinabi nya.

“ Am I? ” pilyo kong tanong na nagpailing lang sa kanya. Yumuko sya at hinalikan ako sa ilong.

 
“ Be a good girl, Z and stay put! I’ll be back in a while! ” nawala ang ngiti ko nang iniupo nya ako sa upuan at naglakad palayo kaya wala akong magawa kundi sundan lang sya ng tingin.

 
Napalabi ako nang tuluyan na syang makalabas. Pero syempre, ako ay ako! Hahaha!

 
Dali-dali akong tumayo at naglakad papunta sa pinto. Hihihi! Syempre susundan ko sya mga beshie! Ayokong maiwan dito noh!

 
Malapit na sana ako sa likuan bago ang pinto nang mamatay lahat ng ilaw kaya napatigil ako sa paglalakad.

 
-_-

 
Ano naman!! Ano ba kasing trip nila?? Bakit kailangan pang patayin lahat ng ilaw?! Naiistress ang dyosang ako mga beshie ha! Kanina pa talaga sila!!

 
Kunot noo kong inalala kung gaano ba ako kalayo sa pinto… Limang hakbang?? Aish! Bahala na nga!

 
Naglakad ako ng limang hakbang paharap bago ako dali-daling lumiko..

 
“ Waaaaahhhh!! Ang sakit!!! ” napatalon talon ako nang tumama ang tuhod ko sa upuan. Huhuhu!

 
Kanina pa ako nasasaktan ha!  Grabe ka na author! Di ka man lang maawa sa dyosang ako!! Hmp!

 
[ Kasalanan ko bang sumunod ka? Di ba hindi? Kaya wag kang manisi jan! Umupo ka na lang kasi at maghintay! Tsk! ]  

 
Oo na! Kasalanan ko na! Eto na nga oh! Uupo na po!!

 
Umupo na lang ako at kinapa-kapa ang parteng natamaan sa tuhod ko. Ang sakit ha!

 
Nasa ganun akong posisyon ng biglang umilaw ang screen kaya napalingon ako dito. Napakunot noo ko nang makita ko ang mukha ni Kuya Pogi habang nakaupo.

 
“ Do I really need to do this? ” kausap nya sa kung sino.

 
“ Hay naku Daryl, sumunod ka na lang kung ayaw mong mabatukan! ”  saad ni Brianna?!

 
“ Just tell her what you want! Binibigyan ka na naming ng chance ha! ” kumunot lalo ang noo ko nang marinig ko rin si Maxine…

 
“ Fine! ” huminga ng malalim si Kuya Pogi bago sya seryosong tumingin ng diretso sa camera.

 
Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong kinabahan….

 
“ I love you, Z! ” nahigit ko ang hininga ko nang marinig ko mula sa kanya ang mga salitang iyon..

 
Apat na salita lang mga beshie pero heto ako unti-unti nagbabagsakan ang aking mga luha..

 
Never naming sinabi ang mga salitang iyon sa isa’t isa.. First time kong marinig ito mula sa kanya kaya ganito ung nararamdaman ko.

Narinig kong tumawa sila Maxine sa background kaya di ko maiwasang makisabay sa tawa nila habang pinupunasan ang aking mga luha.

 
“ Hahaha! Akala ko pa naman magdradrama ka, Daryl! Ready na ung tissue ko oh! Tapos un lang sasabihin mo! Hahaha! ”  

 
“ Hahaha! Sure kang wala ka nang idadagdag? Naiimagine ko na reaction ni Zia, ihh! Hahaha! ”

 
Napatampal ako sa aking noo. Hanggang dun talaga, mga baliw pa rin sila! Hahahaha!

 
“ I can’t think straight, ok? I’m freaking nervous here! ” namumulang saad ni Kuya Pogi kaya mas lalo akong napangiti.

 
“ Waaaahhh! Look Zia oh! Namumula ang Kuya Pogi mo! Hahaha! ” tawa ni Maxine habang nilalapit ang camera kay Kuya Pogi habang si Kuya Pogi naman, iniiwas ang tingin sa camera.

 
I can’t find the right words to say! Halo-halo ung nararamdaman ko ngayon pero mas nangingibabaw ang saya ko sa mga oras na ito!

 
“ Stop recording! ” rinig ko pang saad ni Kuya Pogi bago namatay ang screen.  

 
Hindi na ako makapaghintay mga beshie! I can’t wait to tell him, I also love him! With all my heart! With all my soul! The very first person and also the last one whom I’ll fall in love with! Mahal na mahal ko sya mga beshie! And I want him to know that….

Dessert Series: Halu-HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon