Nandito ako ngayon sa kusina. Nakahalumbaba lang sa mesa habang nagluluto naman si Mama.
“ Ma! Paano kaya kung ako na lang manligaw kay Kuya Pogi? ” kunot-noong tanong ko habang nag-iisip pa rin ng malalim.
Kagabi ko pa kasi iniisip mga beshie! Ang tagal kasi ni Kuya Pogi ihh. Di pa lang ako ligawan, sasagutin ko naman sya agad. Ano pa bang hinihintay nya? Isang ‘will you be my girlfriend?’ lang naman ihh. Ang dali-dali! Tapos yes agad sagot ko. Hahahaha! Oh di ba? Wala pang isang minuto mga beshie! Anong mahirap dun?!
*poink*
“ Aray naman, Ma! Huhuhu! ” grabe binatukan na naman ako mga beshie! Kaya ako nagiging baliw ihh! Batok ng batok si Mama sa akin! Mamaya masobrahan, baka idiretso pa ako sa mental! Huhuhu!
“ Ano na namang kabaliwan ang nasa isip mo ha?! Kung anu-anong pinagsasabi mo! ” nakapamaywang sa gilid ko si Mama habang hawak ang sandok. “ Nakalimutan mo na ba ang turo ko sa’yo ha? ”
“ Hindi, Ma! Ang turo nyo dapat ang mga babae katulad ni Maria Clara. Maganda, mahinhin at kaakit-akit na babae. Kaya lang, Ma! Hindi ako mahinhin! Nakailang halik na nga ako kay Kuya Pogi ihh! ” mahabang lintanya ko bago ako naghalumbaba ulit sa mesa. Kaya lang, bigla akong pinanindigan ng balahibo kaya napalingon ako kay Mama na may hawak nang kutsilyo ngayon.
“ Waaaaahhh!! Mama, ibaba mo yan! ” takbo mga beshie!! Huhuhu! Nakakatakot itsura ni Mama ngayon!
“ Anong halik pinagsasabi mo, ha? Sagutin mo ako! Nakailan kang halik?! ” habol sa akin ni Mama. Nandun sya sa kabilang side ng mesa habang nasa kabila naman ako.“ Ma! Wait lang kasi! Huhuhu! Ibaba mo muna yan! ”
“ Aba’y hindi! Lumapit ka dito at puputulin ko ‘yang labi mo! ”
“ Hindi pwede, Ma! Paano ako makakahalik ulit kay Kuya Pogi kung puputulin nyo! Waaaaahhh! ”
“ Sagutin mo ako! Nakailan kang halik?” napapagod na ako kakaikot sa mesa mga beshie! Tumigil si Mama kaya tumigil din ako.
“ Mga 23 siguro, Ma. ” hingal ko ngunit nakita kong nagsalubong ang kilay ni Mama at hinabol na naman ako. Huhuhuhu!“ Juskong bata ka! Bakit andami ha?! Halika nga dito nang makurot ko yang singit mo! ”
“ Mama naman! 19 sa panaginip! Apat sa personal! ”“ At talagang nanaginip ka pa ha! Lumapit ka dito! Wag kang tumakbo! ”
“ Mama naman! Paano ako di tatakbo, kung di lang kutsilyo ang hawak mo?! ” Paano ba naman kasi mga beshie! Nakahawak na rin ng itak si Mama!! San nya ba nakuha ‘yun? Huhuhu!
Lesson learned mga beshie! Wag na wag nyong sasabihin sa mga magulang nyo kung ilang beses na kayo nahalikan!!! Lalo nya sa Mama nyo!! Huhuhu!
Mamamatay ata ako ng maaga dito! Waaaahh!!
BINABASA MO ANG
Dessert Series: Halu-Halo
Romance" I don't care if you tease. I don't mind if you want me to suffer. Kahit pa punong puno ka ng kalokohan, willing akong sakyan lahat ng trip mo, Z! I will never get mad at you! Please remember that! " - Franz...