“ Here! ” saad nya sabay abot nung kabibili nyang cotton candy sa akin.
Kinuha ko naman ito habang nakahawak pa rin ang isa kong kamay sa aking dibdib.“ Maayos na ba pakiramdam mo? ” umiling-iling ako kasi hanggang ngayon ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko at ramdam kong nanginginig pa rin ang mga tuhod ko.
Umupo sya sa tabi ko bago nya ako dahan-dahang isinandal sa kanyang dibdib. Ung tipong nakayakap ang isa nyang kamay sa akin.
“ You should have told me you’re scared.. Hindi na sana tayo sumakay dun. ” halata ang pag-aalala sa tinig nya kaya napangiti ako. Naramdaman kong hinalikan nya ako sa aking ulo kaya napapikit ako.
Kinikilig ako mga beshie pero nanghihina pa rin kasi ako ngayon kaya iniyakap ko na lang ang aking mga kamay sa kanya.
Katatapos lang naming sumakay sa Anchor’s Away kaya ganito ang lola nyo. Nainggit kasi ako kanina kaya niyaya ko syang sumakay pero di ko naman akalain na ganun pala pakiramdam kapag nandun ka na. Ung parang naiiwan sa ere ung kaluluwa mo! Ganun ang pakiramdam mga teh! Di ko inaasahan kaya ganito ako ngayon. Huhuhu!
Pero kung ganito naman ka-sweet si Kuya Pogi, sulit na rin! Hahahaha!
Nasa ganun lang kaming posisyon ng halos isang oras ng maramdaman kong bumubuti na ang pakiramdam ko kaya niyaya ko na syang maglibot-lobot.
Kasalukuyan na kaming naglalakad ngayon. Sya lang pala mga teh kasi nakapasan ako sa kanya habang maya’t maya syang sinusubuan ng cotton candy.
Hihihi! Sweet noh? Wag na kayong maiingit. Hahahaha! Bili kayo ng cotton candy sa tindahan mga teh tapos tawagin nyo kapatid nyo at magpasubo kayo! Tignan ko lang kung di kayo hambalusin nun ng kung ano! Hahahaha!
“ Why are you laughing? ” lingon sa akin ni Kuya Pogi kaya napatigil ako sa paghagikgik at napakamot sa batok.
“ Wala. Hehehe! ” awkward kong saad tsaka ko sya sinubuan ulit ng cotton candy.
“ Crazy. ” komento pa nya pero di ko pinansin kasi totoo naman mga teh! Ikakaila ko pa ba? Hahaha!
“ Waaaahhh! Sakay tayo carousel!! ” excited na saad ko nang makita ko ito.
“ Pffft! You’re so cute! ”
“ Syempre ako pa! ” proud na proud kong saad. Hahaha!
Nagsimula na syang maglakad kaya lang napatigil din kami ng may tumawag sa akin.“ ZIYANG!! ”
Napakamot ako sa ulo! Huhuhu! Di maganda pakiramdam ko dito mga teh!
Dahan-dahang lumingon si Kuya Pogi kaya napalingon din ako.
Palapit sa amin ung anak ni Aling Marta, ung nagtitinda ng halo-halo sa tapat namin kung naaalala nyo pa. Kasama nya ung asawa nya at ung mag-two 2 years old nilang anak na lalaki.Bumaba naman ako kay Kuya Pogi at hinarap sila.
“ Ate Cathy! Nandit--- eh? ” paano ba naman mga teh! Binigay ba naman sa akin ung anak nila. Huhuhu! Anong ibig sabihin nito?!
Napatingin ako sa asawa nya nang inabot nito ang gamit nung baby kay Kuya Pogi.
“ Zia! Kayo na muna bahala kay Baby Liam, ha! Magd-date lang kami nitong hubby ko! Hihihi! ”
Napanganga ako sa sinabi nya.
A-ano daw?! Kami muna mag-aalaga sa bata?!
Waaaaaahh! Bakit ba lapitin ako ng mga bata ngayon? Huhuhuhu! Sign na ba ‘to?!
BINABASA MO ANG
Dessert Series: Halu-Halo
Romance" I don't care if you tease. I don't mind if you want me to suffer. Kahit pa punong puno ka ng kalokohan, willing akong sakyan lahat ng trip mo, Z! I will never get mad at you! Please remember that! " - Franz...