“ Teh! Ok ka lang ba talaga? ” tanong ni Maxine sa akin nang di na naman maipinta ang aking mukha habang nakaupo dito sa cafeteria.
Hindi ko nasagot ang tanong nya dahil namimilipit na naman sa sakit ang aking puson sabayan pa ng sakit ng aking ulo.
“ Tinatanong pa ba yan teh? Tignan mo nga oh namumutla na nga sa sakit! Hay naku! Naiistress ang beauty ko mga teh! “ rinig kong lintanya ni Bryan o mas kilala sa pangalang Brianna. Gwapo sana sya kaya lang gwapo rin kasi ang hanap nya.Blockmates ko sila at dahil nga may pagkabaliw din sila tulad ko, agad agad kaming nagkasundo. Nagkasundo sa kabaliwan. Hahaha! Pati ung tungkol kay Kuya Pogi, alam nila.
“ Wag ka nga makisawsaw, bakla! Hindi ikaw ang tinatanong ko. ” irap ni Maxine.
“ Nakikita mo na nga kasi, tinatanong mo pa! ” at umirap din si Brianna kaya bago pa lumala, patitigilin ko sana sila nang may biglang humablot sa aking buhok at sinabunutan ako.
Aray ha! Ngayon pa talaga? Of all days? Grabeng pang-aapi na ‘to mga beshie!“Ikaw na babae ka! Bakit mo inaagaw sa akin si Daryl ha?! Ang kapal kapal ng mukha mo para landiin sya! Hindi ka na nahiya!! ” ramdam ko ang sakit sa higpit ng pagkakasabunot nya sa akin.
Dali-dali naman akong dinaluhan nina Maxine at pilit tinatanggal ang pagkakasabunot sa akin nung babaeng di ko naman kilala.
Gusto kong umapila kaya lang nahihilo na ako sa halo-halong sakit na nararamdaman ko ngayon. Nagsisimula na rin akong pagpawisan ng malamig.
“ Hoy, echoserang palaka! Wag ka nga assuming jan! Hindi mo pagmamay-ari si Kuya Pogi kaya wala kang karapatang pagsabihan ng kung anu ano ang kaibigan ko! ”
“ Aray ko namang bakla ka! Wag mo akong sabunutan! ”
“ Bagay lang sa ‘yo yan! Assumerang palaka! ”
Naramdaman ko namang parang lumuluwag ang pagkakasabunot nya at maya maya pa’y natanggal na rin ni Maxine ang kamay nung babae.Nahihilo kong tinignan si Brianna na nakikipagsabunutan na ngayon sa babae. Lumapit si Maxine at sinabunutan rin ang naturang babae.
Mas lalo akong nahilo sa nakikita ko sabayan pa ng ingay mula sa ibang estudyante rito na mukhang nag-eenjoy pa sa panonood.
Dahan dahan akong tumayo para sana pigilan sila nang biglang umikot ang paningin ko.“ ZIA!! ” rinig kong sigaw ni Maxine bago ako mawalan ng malay sa bisig ng kung sino.
****
“ Hoy, Daryl! Halikan mo na nga si Zia! Sleeping beauty lang ang peg nyan kaya di pa nagigising! ”
“ True bakla! Halikan mo na, Daryl! Tignan mo magigising yan! ”
“ Tsk! ”
Unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata dahil sa ingay na naririnig ko.
0_0
Napakurap-kurap ako.
Paano ba naman kasi mga beshie! Kagigising ko lang, si Kuya Pogi na agad bumungad sa akin. Kyaaahhh!! Tapos ang lapit lapit pa ng mukha nya, na tipong hahalikan nya ako!!
Kaya naman agad agad akong pumikit at hinintay ang halik nya. Subalit wala akong naramdamang halik kundi tawanan ang narinig ko. Tawanan nila Maxine at Brianna. -_-
Nagmulat ako ng mata at inirapan silang dalawa pero kalaunan rin ay nakipagtawanan na rin sa kanila. Hahahaha!
Tamo! Baliw din sila! Hahahaha! Kaya kami naging magkakaibigan ihh! Pare-parehas na baliw! Hahahaha!
“ O’sya! Mukhang ayos ka na teh kaya mauna na kami ha! ” saad ni Maxine habang tinutulak tulak palabas si Brianna.Nginitian ko lang sila at sinundan ng halik! Waaaahhh! Hindi halik! Tingin kasi mga teh! Ano bang pinagsasabi ko? Hindi ko iniisip ung halik ha! Maniwala kayo! Hindi talaga!
Ibinaling ko kay Kuya Pogi ang tingin ko para mawala sa isip ko ung halik pero napatigil din nang makitang mataman nya akong tinitignan. Napalunok tuloy ako at nakaramdam ng hiya.
Waaaaahhh! First time ‘to! First time kong makaramdam ng hiya sa kanya! Huhuhu! Ang dyosa nyo! Nakaramdam ng hiya ngayon!! Anong gagawin ko?!
Dahil sa hindi ko alam, umakto tuloy akong sumakit ulit ang puson ko.
“ Hey! Does it still hurt? ” nag-aalala nyang tanong bago sya lumapit sa akin. He place his hand on my stomach before he gently massage it.Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya.. Wala na mga beshie! Hulog na hulog na ako!
I am overwhelm with happiness right now, seeing how he gently massage my stomach just to ease the pain.Napaiyak ako.
Hindi ko alam na may ganitong side pala sya. Nakakataba ng puso.. Sa simpleng gesture nya, napasaya nya ako..
Pinunasan ko ang aking luha.“ Masyadong bang masakit? Do you want me to buy heating pads? ” umiling iling lang naman ako habang pinupunasan ko pa rin ang aking mga luhang patuloy na nagbabagsakan.
Naramdaman kong tumayo sya kaya napatingin ako sa kanya. Yumuko sya at hinalikan ako sa aking noo na naging dahilan nang mas lalo kong pag-iyak.
A kiss on the forehead is a sign of respect.
Laging sinasabi sa akin ni Mama na kapag ang lalaki hinalikan ka sa noo, wag mo nang pakawalan dahil ang kilos na ito ang nagpapatunay na mas nirerespeto ka pa nya kaysa sa kanyang sarili.
Tumayo ako sa clinic bed at nagpabuhat sa kanya. Nakayakap ang aking mga kamay sa kanyang leeg at ang aking mga paa naman sa kanyang beywang. Umiyak ako sa balikat nya habang marahan nya akong tinatapik sa likuran na tipong pinapatahan.
Gusto kong magkaroon ng kami mga beshie! Gustong gusto ko….

BINABASA MO ANG
Dessert Series: Halu-Halo
Romance" I don't care if you tease. I don't mind if you want me to suffer. Kahit pa punong puno ka ng kalokohan, willing akong sakyan lahat ng trip mo, Z! I will never get mad at you! Please remember that! " - Franz...