“ Oh, tapos? Hahahaha ”
“ Kinurot nya ako sa singit teh! Binatukan pa!! Huhuhu! ”
“ PFFFFTTT! WAHAHAHAHAHA! Ikaw na teh! Ikaw na! ” tawa pa nung dalawa habang kinukwento ko ung nangyari sa bahay nung nakaraan.
“ Hindi lang ‘yun! Pagkababa ko kasi sa kusina, nakita ko si Mama minumurder ung manok! Huhuhu! Akala nya ata, ako ‘yun ihh! ”“ WAHAHAHAHA! ” at un nga po nabaliw na silang dalawa.
“ Grabe makatawa mga teh! Kung kayo nasa posisyon ko, di kayo makakatawa nang ganyan. ”“ ‘Yun nga ihh! HINDI KAMI IKAW!! HAHAHAHA! ” sabay pa na turan nila bago sila nagtawanan ulit.
Napakamot ako sa ulo.
Tamo ‘tong dalawang ‘to! Hindi man lang naawa sa akin. Talagang pinagtawanan pa ako!
Kaya lang, dahil sa katatawa nila parehas silang nahulog.
“ Pffffttt!! Wahahahahaha! Ang bilis nang karma mga teh! Hahaha! ” tawa ko pa kaya lang napansin kong nakatingin lang sila sa akin kaya napatigil ako.
Nagtitigan kaming tatlo tapos sabay sabay na tumawa.
“ HAHAHAHAHA! ” lakas ng trip namin noh? Hahaha! Ganyan talaga pag baliw. Hahaha!
“ Smile now. Cry later! ” napataas ang kilay ko at tumingin sa nagsalita.Ano daw? Smile?
Nagkatinginan kami nila Maxine at sabay sabay ulit tumawa.
“ Hahaha! Laughtrip mga teh! Smile daw? Kitang tumatawa tayo ihh! Hahaha! ”
“ Pa english english pa kasi mali naman! Hahahaha! ”“ Wag na kasing pilitin teh! Hahaha! ”
“ Hmph! Wala kayo pake! Basta ikaw! ” tapos tinuro nya pa ako. “ Sa akin lang si Daryl! ” napatigil ako sa pagtawa sa tinuran nya.
Tumayo ako at nilapitan sya.“ Don’t you dare claim what’s mine, frog! Baka nakakalimutan mong di ka pa bayad sa pagsabunot sa akin nung nakaraan. ”
“ Wala akong pake! Basta sa akin lang si Daryl! ” pinupuno ata ako nang bruhang ‘to ah.
“ Talaga? Hinalikan ka na ba nya?! Hinalikan mo na ba sya?! ” tukso ko pa dito kasi alam ko namang hindi pa. Tignan mo, natahimik tuloy sya. Hahaha!
“ Mahahalikan ko rin sya!! ” saad nito at nag walk out.
Dali-dali ko naman syang sinundan.
Naghahanap talaga ‘to ng away mga beshie! Pag ako nabaliw, sya una kong papatayin, makikita nya!!!
Napalaki mga mata ko nang makita kong makakasalubong ni bruha si Kuya Pogi.
“ Hoy! Wag kang magkakamali bruha! Ingungudngod kita sa inidoro tignan mo! ” sigaw ko sa kanya pero umirap lang sya at dali-daling lumapit kay Kuya Pogi na nakakunot-noong nakatingin sa akin.Waaaaahhhh!
Kita kong hinawakan nya sa batok si Kuya Pogi at dali-daling hinalikan.
Huhuhuhu! Mga beshie!! Wala na! Papatayin ko na talaga ‘tong bruhang ‘to!! Wag nyo akong pipigilan!!
Dali-dali akong lumapit sa kanila at sasampalin na sana si bruha pero nagulat ako sa nakita ko.
“ Pfffttt!! HAHAHAHAHAHA!! ” napahawak ako sa aking tiyan dahil sa katatawa. Hahaha! Paano ba naman kasi! Hahahaha! Ung kamay ni Kuya Pogi nakatakip sa labi nya! Hahahaha! Kaya ang nahalikan tuloy ni bruha ay ung likod ng palad ni Kuya Pogi! Hahahaha!
“ Hahaha! Pahiya ka bruha noh! Hahaha! Wag ka na mangarap! ” lumayo si Kuya Pogi sa kanya at si bruha naman di makapaniwala. Hahaha! Ang taas kasi ng pangarap mga beshie! Sa akin lang naman si Kuya Pogi! Hahahaha!
“ FROG! ” tawag ko sa kanya at napatingin naman sya sa akin. “ Watch! ” saad ko at dali-daling hinalikan si Kuya Pogi.
Aalisin ko na sana nang hinawakan nya ako sa batok upang mas lalo pang lumalim ang aming halikan.
Napalunok ako mga beshie..
Ito na ba ang tinatawag na f-french kiss?? Waaaaahhh! Hindi ako handa! Pero go with the flow! Ang sarap ihh! Hahahaha!
“ B-bakit?! Bakit di ka umiwas sa kanya?!” di makapaniwalang tanong ni bruha.
Haler! Di ba halata? Dahil un sa ganda ko noh!!
Inirapan ko nga! Akala mo kasi maganda! Bruha nga ihh! Wala pa sa kalingkingan ko! Psh!Tumingin sa akin si Kuya Pogi kaya napatingin tuloy ako sa kanya.
“ It's because it's her! ” diretso sa matang saad nito kaya di ko maiwasang pamulahan ng mukha.
Kyaahh! Kinikilig ako! Hahaha! Isa pa ngang halik!At ‘yun nga hinalikan ko ulit sya! Hahaha!
Di ako adik sa halik mga beshie ha! Adik ako sa lips nya! Ang sarap ihh! Hahahaha!

BINABASA MO ANG
Dessert Series: Halu-Halo
Romance" I don't care if you tease. I don't mind if you want me to suffer. Kahit pa punong puno ka ng kalokohan, willing akong sakyan lahat ng trip mo, Z! I will never get mad at you! Please remember that! " - Franz...