PROLOGUE

19 1 0
                                    

“ Hay! Grabe ang init! ” saad ko habang pinapaypayan ang aking sarili gamit ang aking mga kamay.

Tagaktak ang pawis ko kaya pabagsak akong umupo sa sofa at tinutok ang electric fan sa akin.

“ Halo-halo! Halo-halo kayo jan! ”  rinig kong sigaw ng kung sino sa labas kaya napatingin tuloy ako.

 
Nakita ko si Aling Marta na nagkukuskos ng yelo sa harap ng bahay nila.

 
Napalunok ako! Nakakatakam naman!

Dali-dali kong tinignan ang laman ng aking bulsa pero napasimangot din agad nang makitang wala itong kalaman laman.

 
Lumabas na lang ako at tumabay sa harap ng bahay. Bubusugin ko na lang ang aking mga mata..  Walang basagan ng trip! Hahahaha!

 
Habang nagpapantasya ako sa halo-halo ay nakita kong lumabas ung poging kapit bahay namin kaya sinundan ko ito ng tingin.

 
Lumapit sya kay Aling Marta at mukhang bibili. Dahil sa inggit napasigaw ako.

“ Kuya Pogi! ” di lumingon pre!

 
“ Kuyang naka-Gray! ” tawag ko ulit. Lumingon naman sya kaya kumaway ako.

“ Palibre kuya! Kapalit isang halik! Hahaha! ” tawa ko pa. Akala ko kasi uubra mga teh! Pero tumalikod lang si Kuya Pogi kaya napakamot ako sa ulo.

 
“ Ano naman akala ko makakalusot na! Huhuhu! Goodbye, halo-halo! Di talaga tayo meant to be! ” madramang saad ko habang nakatingin sa kalsada.

 
Maya-maya may naglahad ng halo-halo sa aking harapan kaya nagningning ang aking mga mata.

 
Inangat ko ang aking ulo subalit nahigit ko ang aking hininga nang halik ang sumalubong sa akin.

 
“ Ayan! Bayad ka na! ”

 
Napalunok ako.

 
Kinikilig ang lola nyo mga beshie! Nakahalik ako sa isang gwapo may libre pang halo-halo! Ako na talaga! Ako na talaga ang dyosa! Mwahahaha!

 
*poink*

 
“ Aray ko naman! ” napalingon ako sa bumatok sa akin. Si Mama lang pala.

“ Anong tinawa-tawa mo jan ha? Mukha ka nang baliw! ”

 
“ Wala, Ma! Hihihi! ” saad ko at nagsimulang kainan ang halo-halo.

 
“ Kumakain ka naman na pala. Bibili pa lang sana ako. ” napatigil ako sa sinabi ni Mama.

 
“ Dali, Ma! Bili ka pa ng isa! Utang lang ‘to. Kailangan kong bayaran! ” turan ko at dali dali syang hinila kina Aling Marta.

 
Pagkagawa ng halo-halo ay tumakbo ako sa bahay nila Kuya Pogi. Kumatok ako sa pinto at dali-daling inilahad ang hawak ko nang bumukas ito.

Kita kong napakunot noo ito kaya dali dali kong nilakbay ang pagitan ng aming mga labi at hinalikan sya.

“ Ayan! Bayad ka na rin! ” tsaka ako tumakbo palayo.

Success!

Dalawang halik! Hahahaha!

Dessert Series: Halu-HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon