CHAPTER 2

4 1 0
                                    

“ Hihihihi. ” bungisngis ko pagkatapos akong halikan ulit ni Kuya Pogi!

Kyaaahhh!! Ang swerte ko talaga! 19 na halik! Huhuhu! Isa pa nga para maging bente.

 
Unti-unti akong lumapit sa kanya at hahalikan na sana sya nang mapansin kong parang nalulunod ako.

Hala sya? Anong nangyayari?! Bumabagyo ba dito sa bahay namin?! At tsaka bat parang lumilindol na?! Waaaaaahhh!! Mamamatay na ba ako? Pero di pa ako nakakabenteng halik! Wag muna!!!

 
*Slap* *Slap* *Slap*

 
“ ZIANDRA!! GUMISING KA NGA! JUSKONG BATANG ‘TO! KUNG ANU-ANONG GINAGAWA!! ” napamulat ako ng mata sa sakit at pupungas-pungas na tumingin sa paligid ngunit dahil yinuyugyog ako ni Mama ay parang umiikot ang paningin ko.  

 
“ Wait lang, Ma! Grabe naman makayugyog! Teym pers muna! ” nahihilo na ako mga teh! Ikaw ba naman yugyugin habang wala ka pa sa tamang wisyo, tignan ko lang kung anong kahihinatnan nyo! Kung curious kayo, try nyo! Hahahaha!

 
Huminto naman si Mama pero binatukan naman nya ako.. Aray ha! Umagang umaga, makabatok naman si Ma---ma…? 

 
W-wait….

 
U-umaga? What’s happening people?! Tumingin ako sa paligid. Hala? Asan si Kuya Pogi?!  Bakit nandito ako ngayon sa bahay, nakaupo sa aking kwarto, basang-basa at nasa harap ko si Mama?!!!

 
“ Ikaw na bata ka! Anong napanaginipan mo at kung makabungisngis ka jan, wala nang bukas ha? Kanina pa kita ginigising hindi ka man lang magising ha? Tapos panguso nguso ka pa jan na parang sira! Hala sige! Dalian mo at may pasok ka pa! ” Mahabang lintanya ni Mama bago sya nameywang sa aking harapan.

 
P-panaginip?

 
Nagflashback sa akin lahat.

 
Ung pagtawag sa akin ni Mama ng Ziyang. Ung pagbaba ko sa hagdan. Ung hinalikan ako ni Kuya Pogi ng labing lima. Ung paghalik ko pabalik. Ung ‘will you marry me?’ nya. At ung tatlong halik ko na ang ibig sabihin ay ‘yes’….

 
Don’t tell me, panaginip lahat ng ‘yon? Waaaaahhh!! Hindi pwede!!

 
Humiga ulit ako at pumikit. Malay nyo ito pala ang panaginip. Hahaha! Baka naman nagising ako sa panaginip ko kaya ako nandito ngayon. Di ba! Di ba? Nasobrahan siguro ako ng saya kaya hanggang ngayon natutulog pa ako. Oo! Tama tama! Ito ang panagi---

“ Aray, Ma! Huhuhu! ” napabalikwas ako ng bangon dahil sa pingot ni Mama sa aking tenga. “Ma! Masakit! Bitaw na! Waaahh! ”

 
“ Humiga ka pa talaga ha! Dalian mo may pasok ka pa! ”  pingot pingot ni Mama ang aking tenga habang papunta sa banyo.

Ang precious ear ko! Huhuhuhu! Hindi nga ‘to panaginip! Reality na ‘to mga beshie! Sa sakit ng pingot ni Mama, tignan lang natin sinong di magigising sa katotohanan. Waaaahhh! Ang saklap!

 
Laglag balikat at nakasimangot akong bumaba at umupo sa hapag-kainan. Walang gana kong tinignan ang mga pagkain sa aking harapan at napabuntong hininga.

“ Oh! Bat nakasimangot ka jan? Ano na namang drama mo ha? ” tumingin ako kay Mama at napabuntong hininga na naman.

“ Paano ba naman, Ma! Akala ko magiging asawa ko na ung Pogi jan sa kabilang bahay! Panaginip lang pala! Huhuhuhu! ”

 
“ Gaga! 18 years old ka pa lang! Anong asawa pinagsasabi mo jan? Tsaka di mo nga alam pangalan, asawa agad? Malala ka na talaga anak! ” umiling iling pa ito kaya napakamot ako sa ulo.

 
“ Sige nga Ma! Anong pangalan nya? ” hamon ko sa kanya.

 
“ Franz Daryl Alcantara.. Ang alam ko parehas kayo ng school na papasukan. Kaya wag ka nang magmukmok jan. ” nagningning ang aking mga mata.

 
Mwhahaha! Franz Daryl pala ah! Maghanda-handa ka na! At darating na ang dyosang si ako! Hahahaha!

Dessert Series: Halu-HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon