DENISE
"Tara, balik na tayo?" tanong ni Luisa noong maubos namin ang shot namin.
"Tara na. Baka sumunod pa si Van dito." pag aaya ko at nauna ng tumayo.
"Denise!" napahinto kami sa paglalakad noong humarang sa aming dadaanan si Louie. "It's really good to see you here." ngiting ngiti niyang sabi.
"Excuse me. We have to go." sabi ni Mia at hinawakan pa ako sa braso.
"Wait, Miss. I know her. You can go first. We'll just talk." pigil ni Louie sa amin. "I need to tell you something." nawala na ang kaniyang ngiti at seryoso ng nakatingin sa akin.
Huminga ako ng malalim at nginitian sila Luisa at Mia.
"Mauna na kayo. Pakisabi kay Van na lumabas lang ako saglit at babalik din agad."
"Pero.." tinignan ni Mia si Louie at pinasadahan ng tingin. "Safe ba ang isang yan? Samahan ka kaya namin?" alok niya.
"It's fine. Babalik din ako agad. Wag mo na lang banggitin kay Van na mag uusap kami."
"Okay. Ikaw ang bahala."
Pinanood kong umalis ang dalawa bago ko itinuon ang atensyon kay Louie.
"Now talk. Five minutes lang ang kaya kong ibigay sayo."
"Denise.. I'm sorry." panimula niya na ikinatigil ko. "I know I was a jerk. It's been years since we broke up pero hindi pa din ako nakapagsorry sayo sa ginawa ko. I do really loved you. God knows how much I loved you, pero nagpadala ako sa tukso. Nasaktan kita. Sinira ko yung tiwalang binigay mo. I just wanted to say sorry for everything I've done during our relationship."
"It's okay. Napatawad na kita." sabi ko at nginitian siya. "But still, thank you for saying that you're sorry."
"I hope you'll find your happiness now. You deserved it." nakangiting sabi niya. "And sorry too about what happened earlier. Medyo nakainom lang talaga ako kanina."
"Okay lang."
"So, goodbye?" sabi niya at inilahad pa sa akin ang kamay.
Ngumiti ako at hinawakan iyon bilang pasasalamat dahil nagsorry siya at bilang closure na din siguro namin. Noong nakipagbreak kasi ako ay through text lang at talagang ngayon na lang kami nakapag usap ng maayos and it feels so good. Masasabi kong kapag nagkita kaming muli sa susunod ay wala ng ilangan o kung ano pa man dahil okay na kami pareho.
Noong umalis na si Louie ay nagstay muna ako sa counter at umorder pa ng isang shot ng margarita. Napangiti ako dahil pakiramdam ko ay gumaan ang aking loob. Iinumin ko na sana ang inorder ko pero nagulat ako noong may ibang kumuha at uminom noon.
"Van!" gulat kong sambit noong umupo siya sa aking tabi. "Kanina ka pa ba?"
"Yup. I heard everything. Susuntukin ko na sana kanina pero tumigil ako noong marinig na nagsorry siya." tumingin siya sa akin at pinag aralan ang aking mukha. "You're okay?"
"Oo naman." nakangiting sagot ko. "It feels so good na magsorry sayo yung taong nakasakit sa damdamin mo." tinignan ko siya noong hawakan niya ang kamay ko.
"I hope I'm still the one you love kahit nagsorry na siya sayo." sabi niya na ikinatawa ko.
"Sira! Oo naman no!" natatawang sabi ko. "By the way, thank you for letting us talked."
"No worries. Nakabantay naman ako kaya oras na may ginawa siyang masama walang mangyayari sayo." napangiti ako at niyakap siya.
"I love you, Van. Please, don't break me."
"I love you too. I won't do anything na makakasira sa ating dalawa."
-------------
Napapikit ako habang hinahaplos haplos ni Van ang aking buhok. Nakabalik na kami sa aming hotel room at ngayon ay nakahiga na sa kama.
"Do you want to get married at this age?" tanong niya na ikinadilat ko.
Bahagya akong lumayo sa kaniya at tinignan siya.
"Why? Magpopropose ka na ba?" natatawang tanong ko. "Ilang linggo pa nga lang simula noong maging tayo."
"But I like you since college. Nalate lang maging tayo dahil kung sinu sino ang inientertain mo noon." muli niya akong hinila palapit sa kaniya at niyakap ako ng mahigpit. "I want us to get married because I see you as my future." napangiti ako at parang hinaplos ang aking puso dahil sa mga naririnig. "Did you know na sinadya kong doon magcheck in sa hotel para makita ka?" nanlaki ang aking mga mata at muling lumayo para makita ang kaniyang mukha.
"Really?" gulat kong tanong.
"Yup." ngumiti siya na parang may naalala. "I stalked you on instagram. Noong nakita kong doon ka nagtatrabaho ay gusto ko agad pumunta doon para magpapansin sayo pero humanap muna ako ng magandang tyempo."
"Wow. I didn't know that. Akala ko talaga nagkataon lang na doon ka nagcheck in." ngumiti siya at hinawakan ang aking mukha.
"Are you scared because I stalked you?" nag aalala niyang tanong.
"Hindi naman. Magkakilala naman tayo. Minsan chinecheck ko din naman ang account mo." nahihiyang pag amin ko na ikinangiti niya.
"That's good to know." natawa na lang ako at nanatili kaming nakatingin sa isa't isa.