Chapter 11

41 3 0
                                    

DENISE

Kanina pa tinatanong ni Rowena kung bakit tahimik ako pero nginingitian ko lang siya. Hindi ko pa binubuksan ang cellphone ko simula noong inoff ko iyon noong isang gabi. Wala namang ibang tumatawag sa akin na kamag anak kaya naman hinayaan ko na lang naka off iyon. Ayaw ko pa kasing makausap si Van. Hindi naman sa umaasa akong magpapaliwanag siya pero.. okay fine! Gusto kong magpaliwanag siya pero hindi ko alam kung gagawin niya ba kaya natakot na din akong buksan ang cellphone ko dahil baka umasa lang ako.

Kunsabagay, ano ba kami ni Van? Magkaibigan lang naman kami at wala naman akong dapat pakialam kung may kasama siyang ibang babae. Hindi naman kami eh. Napabuntong hininga na naman ako.

"Uy girl!" nagulat ako ng hampasin ako ni Rowena sa braso. "Hello! Nandito kami oh!"

Kasama ko nga palang kumakain ng lunch sila Rowena at Wesley. Dahil sa sobrang pag iisip ko ay nakalimutan kong hindi ako nag iisa.

"Okay ka lang ba, Den?" tanong ni Wesley.

"Oo? Siguro? Medyo?" hindi siguradong sagot ko.

"Huh? Ang gulo mo girl!" comment ni Rowena.

"I know." napasimangot ako at tinignan silang dalawa. "Si Van kasi eh."

Panatag naman akong magkwento sa kanilang dalawa dahil alam kong hindi naman nila ipagkakalat ang ikukwento ko.

"Sabi na nga ba eh!" napapalo pa si Rowena sa aming lamesa kaya nagulat ako. "Siya ang dahilan!"

"Wag kang maingay. Baka may makarinig."

"Eh ano bang nangyari?" tanong naman ni Wesley.

"Noong isang gabi kasi nagvideo call kami." panimula ko. "Okay na sana kaso biglang may dumating na babae tapos ayun end call. End conversation."

Saglit silang natahimik. Uminom din muna ng tubig si Rowena bago nagsalita.

"Baka naman kamag anak."

"Kamag anak? Baby Van ang tawag sa kaniya."

"Baby? Eh baka Nanay niya! Oh kaya Tita? Or pinsan?" agad niyang sabi.

"No! Hindi niya Nanay yun. Nakita ko na sa magazine ang parents niya eh.
Mukhang ka edad lang natin o kaya ni Sir Carlos yung babae. Ganun." nakasimangot na sabi ko.

"Edi hintayin mo siyang bumalik. For sure, may paliwanag naman yun." hindi ako umimik at napatingin kay Wesley na tahimik lang na nakatingin sa akin.

"Wala ka bang comment?" tanong ko sa kaniya.

"Pakinggan mo na lang muna ang paliwanag niya." napanguso ako.

"Inulit mo lang yung sinabi ni Wena eh." nakasimangot kong sabi dahilan para tumawa siya.

"Well, yun naman talaga ang dapat mong gawin. Kung mahalaga ka para sa kaniya, magpapaliwanag siya."

Nagkibit balikat na lang ako at ipinagpatuloy na ang pagkain. Kung mahalaga ako sa kaniya, magpapaliwanag siya? Ibig bang sabihin non kapag hindi siya nagpaliwanag ay hindi ako mahalaga sa kaniya?

Nang matapos ang break namin ay bumalik na kami sa kani kaniyang station. Naabutan namin si Sir Carlos sa front desk kaya binati namin siya.

"Buti bumalik na kayo. Mamayang gabi ay may bigatin tayong guest kaya naman lahat ay mag oovertime."

"Talaga Sir? Sino?" tanong ni Rowena.

"Si Mayor Arellano. Biglaan lang din ang event mamaya dahil akala niya sa susunod na buwan pa ang balik ng anak niya." pagpapaliwanag niya.

Napatango tango lang kami. Wala din naman kaming choice kundi ang mag overtime. Naging busy na ang halos lahat ng manager, pati na din ang iba't ibang department para sa biglaang party mamaya. Pati nga si Sir Carlos ay abala na din.

Nang sumapit ang alas siete ng gabi ay nagsimula ng dumating ang mga bisita. Kanina pa nga nangangawit ang aking bibig sa kakangiti pero hindi ko naman pwedeng simangutan ang mga bisita kaya tiniis ko na lang.

"Denise!" agad kong nilingon si Sir Carlos ng marinig ko ang kaniyang boses.

"Sir."

"Pwede mo ba akong ibili saglit ng gamot? Sumasakit kasi ang ulo ko. Marami pa akong aasikasuhin kaya hindi ako makalabas."

"Sige Sir." pagpayag ko.

Lumapit ako sa kaniya at inabutan niya ako ng pera.

"Thanks Den. Rowena, maiwan ka muna dyan ha."

"Noted Sir!"

Kahit biglaang party ito ay marami pa din ang dumating. Narinig ko pa yung mga nasa F&B department na fresh from the airport pa daw yung anak ni Mayor. Hindi ko pa siya nakikita pero sa pagkakarinig ko ay babae daw ito. Tuluyan na akong lumabas para ibili ng gamot si Sir Carlos. Hindi naman kalayuan ang drugstore dito at walking distance lang kaya mabilis din akong nakabalik.

Dahil nasa front desk ako ay hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa loob ng function hall.

"Nagsisimula na ang party!" sabi ni Rowena na nagpaalam sa akin kanina pagbalik ko na mag CCR pero sigurado akong nakisilip lang sa loob. "Grabe! Ang ganda ng anak ni Mayor! Titignan ko sana kung sino yung dumating na escort niya kaso nakatalikod at nahuli ako ni Ma'am Jena na wala sa station kaya bumalik na ako agad." nakasimangot niyang sabi.

Napailing na lang ako at tinawanan siya.

 A Different Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon