Chapter 18

38 2 0
                                    

DENISE

Habang hinihintay ang pagbabalik ni Van ay naisipan kong ayusin na muna ang aking mga gamit. Binuksan ko ang cabinet at napangiti ng makitang nandoon na din ang mga damit niya. Sinimulan ko ng ayusin ang aking mga damit at itinabi doon sa kaniya. Nang matapos ay dumiretso naman ako sa CR para makaligo muna nanlalagkit na kasi ako dahil sa biyahe kanina.

Itinabi ko ang aking toothbrush sa kaniyang toothbrush at nagsimula ng magshower bago nagbabad sa bathtub. Napapikit ako at napangiti ng maramdamang narerelax ang aking buong katawan. Simula noong magtrabaho ako ay ngayon lang ako nakapagbakasyon ng ganito at hindi pa man natatapos ay gusto ko na ulit magbakasyon sa ibang lugar. Kaya pala palagi akong inaaya ni Rowena na magbakasyon noon. Ngayon ay nagsisisi ako sa mga bakasyong hindi ko sinamahan noon.

Nagising ako ng makarinig ng boses galing sa labas. Nanlaki ang aking mga mata ng mapagtantong nakatulog pala ako dito sa bathtub.

"Hi Mom! Katatapos lang ng seminar. Why did you call?" boses iyon ni Van. Dali dali akong tumayo, nagbanlaw at nagsuot ng bathrobe. "Wait. I think someone is inside my room. I'll call you again later. Yup. I'm fine. Love you Mom."

Naririnig ko na ang kaniyang paghakbang papunta dito sa CR kaya kinabahan ako pero naeexcite din.

"Sinong nandyan?" malalim ang kaniyang boses at buong buo ng magsalita.

Nakagat ko ang aking labi at nagtago sa likod ng pintuan. Maya maya lang ay bumukas na ang pintuan at naglakad siya papasok.

"Did I heard it wrong? Pero narinig kong bumukas ang shower kanina." pagkausap niya sa kaniyang sarili.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at naglakad na palapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likod.

"What the hell, Patricia!"

Agad akong napabitaw sa kaniya ng sapilitan niyang inalis ang aking mga kamay. Nang nilingon niya ako ay agad nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Babe!"

"May pumupuntang ibang babae dito?" tanong ko kahit alam ko naman na pumupunta dito iyong kaibigan niya.

"Babe! I'm sorry." niyakap niya ako. "Akala ko si Patricia na naman." lumayo siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "I'm sorry. Don't worry, pinagbawalan ko na si Patricia na pumunta dito basta basta. Kanina ka pa ba?"

"Medyo. Nakatulog ako habang nagbababad sa bathtub."

"Sana sinabi mong pupunta ka dito para nasundo kita sa airport."

Nakaupo na kami sa kaniyang kama habang tinutuyo niya ang aking buhok gamit ang maliit na tuwalya.

"I want to surprise you."

"I'm surprised." hinalikan niya ako sa gilid ng aking ulo at sinilip ang aking mukha. "I'm glad you came." nakangiting sabi niya.

Napangiti na din ako at niyakap siya.

"Wala kang ibang babae ha?" nahihiyang tanong ko.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa na lalo kong ikinahiya.

"Wala. Ikaw lang ang babae ko. Well, aside from my Mom and my sister."

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas din kami ng kwarto para makakain sa restaurant sa baba.

"Gusto kang makilala ng mga katrabaho ko kaya kasabay natin silang kakain." tumango ako at ngumiti kay Van.

"Okay. Gusto ko din silang makilala."

Pitong tao lahat ang kasama ni Van. Dalawang piloto at ung lima ay flight attendant.

"Wow naman Captain. Kaya pala gusto mo ng umuwi agad kahapon." natawa ako habang inaasar nila si Van sa aking tabi na naiiling lang pero nakangiti din naman.

Naging maayos naman ang aming tanghalian. Mababait silang lahat at masaya ding kausap.

"Magsuswimming kami mamayang hapon. Join us para masaya." sabi ni Joaquin na co-pilot ni Van.

Tumingin sa akin si Van na para bang humihingi ng permiso kaya naman tumango ako at ngumiti.

"Sure. Magkita kita na lang tayo mamaya." sabi ni Van.

"Great!" masayang sabi ng ibang flight attendant.

After lunch ay bumalik na muna kami sa kani kaniyang kwarto para makapagpahinga. Agad kong binuksan ang cabinet ng makapasok kami sa kwarto.

Tinignan ko ang mga dala kong one piece. May kulay red, black, blue at pink. Inilabas ko iyon lahat at ipinakita kay Van dahilan para kumunot ang kaniyang noo.

"Please tell me you wouldn't wear that later." may pagbabanta sa kaniyang boses pero imbes matakot ay natawa pa ako.

"Of course! Swimming ang pupuntahan natin mamaya. Anong mas maganda?" ngiting ngiti kong tanong at nakita ko na ang pagkainis sa kaniyang mukha.

"Babe, ayaw kong mapaaway lalo na at nandito ka. So please, just wear a shorts and sando." napasimangot ako at naupo sa kaniyang tabi.

"But I want to experience wearing it." malungkot kong sabi at tinitigan ang aking mga swim wear. "Ngayon lang ako nakapagbakasyon at gusto kong maenjoy ito. I want to do my first times with you." lumalim ang kaniyang tingin sa akin at namula ako ng marealize ang sinabi. "I mean, first time kong magsusuot ng ganitong damit at gusto ko ikaw ang kasama ko."

"Babe." hirap niyang sambit.

"Ang daming sexy sa baba. Gusto kong sa akin ka lang tumingin kaya pumayag ka na. Please.."

 A Different Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon