Chapter 5

44 3 0
                                    

DENISE

Mouthwash at sabon lang naman ang binili niya pero lahat ng pinamili ko ay isinabay niya sa bayad. Pilit kong inaabot ang cash ko pero ayaw niyang tanggapin at binigay agad sa cashier ang kaniyang card.

"Nakakahiya naman. Dalawang item lang naman ang binili mo pero binayaran mo din yung akin." sabi ko habang naglalakad kami palabas ng supermarket.

Siya din ang may dala ng dalawang plastic at ayaw ibigay sa akin.

"I said it's fine." kibit balikat niyang sabi at tumingin sa kaniyang mamahaling wrist watch. "It's dinner time. Saan mo gustong kumain?" tanong niya na talagang ikinagulat ko.

"Naku hindi na! Binayaran mo na nga ang mga pinamili ko eh." natigilan ako saglit. "Pero sige. Ako naman ang magbabayad ngayon para fair."

"I won't let a woman pay for me."

"Kung ganoon.." napatingin ako sa paligid. Gagastos na naman siya para sa akin at iyon ang ayaw ko. "Hmm. Gusto mo bang sumama sa bahay? Ipagluluto na lang kita kapalit ng ibinayad mo sa pinamili ko."

"Really?" ngiting ngiti niyang tanong kaya napatango ako.

"Pasensya ka na ha. Maliit lang talaga itong bahay namin." sabi ko ng makapasok kami sa bahay.

"Where are your parents? Okay lang ba na magdala ka ng lalaki dito?"

"Wala na sila. Namatay sila noong pagkagraduate ko." sagot ko at inilapag sa lamesa ang mga pinamili ko.

"You're alone here?" kunot noong tanong niya.

"Oo."

"Is it safe?"

"Medyo matagal naman na akong mag isa dito at wala pa namang nangyayaring hindi maganda kaya siguro safe naman." napailing iling siya na para bang hindi nasiyahan sa sinabi ko.

Naglakad siya palabas ng kusina at ng sundan ko siya ay nandoon siya sa may main door at may tinitignang kung ano doon.

"Huy! Anong ginagawa mo dyan?" nagtatakang tanong ko.

"Dagdagan mo pa ang lock ng pintuan mo dito sa loob. Tsaka malapit ng masira ang doorknob mo, papalitan mo na." natigilan ako ng marinig ang kaniyang sinabi.

Ni hindi ko nga namalayan na umalis na pala siya sa aking harapan.

"Palagi mo ding isara ang mga bintana mo pati ang pintuan." nilingon ko siya at ngayon ay nandoon naman siya sa may bintana. Para bang naghahanap ng mali doon. "Wag ka din basta bastang magpapasok ng kung sino dito. Lalo na ang lalaki."

Marami pa siyang sinasabi pero hindi ko na marinig pa dahil sa sobrang ingay ng aking puso.

"So, dapat ba paalisin na kita?" pagbibiro ko para mawala ang kung anuman na nararamdaman ko. Napatingin siya sa akin kaya ngumiti ako agad. "Wag kang mag alala. Matatakutin ako kaya ako na ang unang nagpapaalala sa sarili ko na kailangan kong isarado ang lahat ng dapat isarado."

Pati yata ang puso ko dapat kong padagdagan ng lock para hindi ka makapasok..

"That's good then." maikling sagot niya.

"Ano pa lang gusto mong kainin?" tanong ko na lang.

"Ikaw?"

"H-huh?" nauutal kong tanong.

"Ikaw? Anong gusto mong kainin? Kung ano ang gusto mo yun ang lutuin mo." napalunok ako at muling naramdaman ang pagkapahiya.

Agad na akong tumalikod para makapunta sa kusina habang palihim na sinesermunan ang sarili.

My God, Denise! Bakit ba kasi ganyan ka mag isip? Nakakahiya!

Naisipan ko na lang magluto ng adobong baboy. Hinuhugasan ko na ang karne ng marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Nang nilingon ko ito ay nakita kong hawak na ni Van.

"Pakisagot na lang. Basa kasi ang kamay ko." pakikisuyo ko at bumalik na sa ginagawa.

"Hello?" para akong nakiliti sa batok ng marinig ang kaniyang malalim na boses. "She's cooking for our dinner. I am her boyfriend. Sino ka ba?" agad akong napalingon sa kaniya dahil sa aking narinig.

Magkasalubong ang kaniyang kilay at para bang naiinis na sa kausap kaya agad kong binitawan ang karne at nagpunas ng kamay. Inagaw ko sa kaniya ang aking cellphone at nakitang si Ryan pala ang tumatawag.

"Ryan. Bakit?"

"Ano ha? May dinadala ka na sa bahay mo? Samantalang ako? Ilang buwan naging tayo pero hindi mo man lang madala dyan? Putsa naman, Denise! Akala ko ba hindi ka pa handa?! Bakit ang bilis mo naman yatang bumigay dyan sa bago mo?!"

"Ano bang sinasabi mo? Pinagluto ko lang siya ng dinner kasi.."

"Ewan ko sayo, Denise. Magsama kayo niyang lalaki mo!" pasigaw niyang sabi at biglang pinatay ang tawag.

Dahan dahan kong ibinaba ang aking cellphone at huminga ng malalim. Pinilit kong ngumiti bago hinarap si Van.

"Pasensya ka na kung anuman ang mga sinabi niya. Wag mo na lang intindihin." ngumiti ako ng pilit bago bumalik sa aking ginagawa.

 A Different Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon