Chapter 19

76 3 3
                                    

DENISE

"Babe, kahit hindi ka magsuot ng ganyan ay sayo lang ako titingin. Ngayon ngang balot na balot ka ay ikaw lang ang nakikita ko. Paano pa kaya kung yan na lang ang suot mo?" agad namula ang aking pisngi dahil sa narinig.

"But I want to wear this. Gusto kong maging confident sa sarili ko. Tsaka mas revealing pa nga yung suot ng ibang babae sa baba eh." nakasimangot kong sabi.

Tinitigan niya ako bago siya bumuntong hininga.

"Fine. Basta wag kang lalayo sa akin." nakangiti akong tumango at niyakap siya.

"Thanks babe."

Nang mag alas kwatro ng hapon ay bumaba na muli kami para magswimming. Nauna na doon ang mga kaibigan ni Van at kami na lang ang hinihintay. Halos ayaw na kasi niya akong palabasin kanina ng makita niyang suot ko na ang one piece swimsuit ko na kulay black. Mabuti na nga lang at napilit ko pa siyang bumaba.

Nagsuot ako ng bathrobe para lang pumayag si Van na lumabas na kami. Nakasuot naman siya ng summer shorts at sandong itim.

"Pinagtitinginan ka na." naiinis na sabi niya. "Bumalik na kaya tayo sa kwarto?" natatawa ko siyang pinalo sa kaniyang braso.

"Para kang sira!"

"Van! Denise!" kinawayan kami ng mga kaibigan niya na nasa swimming pool na.

Excited akong lumapit sa cottage na nirentahan daw nila at naghubad ng bathrobe revealing my black one piece. Naiiling akong pinanood ni Van na ikinatawa ko.

"Come on!" natatawa ko siyang hinila at sabay kaming tumalon sa pool.

"Wow! Ang sexy mo naman!" puri sa akin ni Luisa.

"Salamat. Ikaw din."

"Naku! Walang wala ako sayo no! Kaya pala todo kung makabantay si Captain sayo." humahagikgik niyang bulong.

Nilingon ko si Van na kausap ang mga lalaking kaibigan niya pero nasa akin naman ang tingin. Nginitian ko siya ng matamis pero seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. Binabantayan ang bawat kilos ko.

Nakipagkwentuhan ako kina Luisa at Mia ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Van!" agad kong nilingon ang babaeng tumawag kay Van at hindi nga ako nagkamali dahil si Patricia iyon.

"Nandyan na naman ang linta." bulong ni Mia.

"Kilala niyo siya?" tanong ko sa kanila pero hindi inaalis ang tingin kay Patricia na ngayon ay matamis ang ngiti kay Van.

"Oo naman no! Kung nasaan si Captain ay palagi siyang nandoon. Ipinagtatabuyan na nga kaso balik pa din ng balik." sagot ni Luisa.

Naningkit ang aking mga mata ng makitang humawak siya sa braso ng boyfriend ko. Agad namang inalis iyon ni Van at tumingin sa akin.

Lalangoy sana ako palapit sa kanila pero natigilan ako ng may humawak sa aking braso. Gulat kong nilingon kung sino iyon at nakita ko si Louie ang ex ko.

"I'm right! Wow! You look great Denise." kakaiba ang ngisi niya sa akin kaya lumayo ako bago pa man ako makapagsalita ay may pumulupot ng braso sa aking baywang.

"May problema ba dito babe?" agad tumindig ang aking balahibo ng marinig ang malamig na boses ni Van.

"Oh sorry! Akala ko mag isa ka. Nice to see you again Denise!" nginitian ako ni Louie at pinasadahan pa ng tingin ang aking katawan bago tuluyang umalis.

"Sino yun?" galit na tanong ni Van.

"Ah si Louie. Ex ko." mahinang sagot ko. Natatakot na sa nakikita kong galit sa kaniyang mga mata.

"I told you to stay with me." nagulat ako ng hilain niya ako at iniahon. Miski ang mga kaibigan niya ay gulat din sa kaniyang inasta maging si Patricia na mukhang alam na kung sino ako.

"Wait. Sandali lang, Van."

Inis niyang kinuha ang aking bathrobe at isinuot iyon sa akin. Wala na akong nagawa ng hilain niya ako paalis doon. Hindi na ako nagsalita pa dahil marami na din ang nakatingin sa amin.

"Hey! Huminahon ka nga." pakiusap ko sa kaniya ng makapasok na kami sa aming kwarto.

"How can I calm down? Nakita mo ba kung paano tignan ng siraulong yun ang katawan mo?" nag iwas siya ng tingin at kita ko ang paggalaw ng kaniyang panga. "You stay here. Babalikan ko ang hayop na yun."

Akmang aalis na siya pero hinawakan ko agad ang kaniyang braso. Tumingkayad ako at pinatakan siya ng halik sa kaniyang labi.

"Calm down okay. It's okay. I'm okay." pagpapakalma ko sa kaniya.

Unti unti siyang huminahon hanggang sa mag loosen ang kaniyang balikat.

"I'm sorry. Nainis lang talaga ako." tumango ako at nginitian siya.

"Ayos lang." agad akong napasimangot ng may naalala. "Hinawakan ka din naman ni Patricia sa braso ah."

Tumawa siya at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Alam kong nakita mo na tinanggal ko naman agad." napapikit ako ng halikan niya ako sa noo. "I love you babe."

"I love you too."

 A Different Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon