DENISE
"Salamat sa masarap na dinner."
Nandito na kami ngayon sa pintuan ng bahay dahil kailangan na niyang bumalik sa hotel.
"Mabuti naman at nagustuhan mo." nakangiting sabi ko at napatingin sa kotse niya. "Ingat sa pagdrive ha."
"Thanks."
Akala ko ay aalis na siya pero nanatili lang siya sa aking harapan.
"May nakalimutan ka ba sa loob?" naiilang kong tanong dahil sa pamamaraan ng kaniyang pagtitig.
"Good night." napangiti ako sa aking narinig.
"Good night din. Ingat ka."
Tumango siya bago tuluyang tumalikod at humakbang palayo. Tumigil siya sa paghakbang at nilingon ako ulit.
"Pumasok ka na. Ilock mo ang mga bintana at pintuan." paalala niya.
"Oo na." natatawang sabi ko. "Papasok na ako. Ingat ka ulit and good night."
Pumasok na ako dahil baka hindi matapos ang pagpapaalam namin sa isa't isa. Nakangiti kong nilock ang pintuan at sumandal doon ng marinig ko ang pagbusina niya ng isang beses at ang pag alis niya. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sayang nararamdaman.
Hinuhugasan ko na ang mga pinagkainan namin kanina ng biglang may kumatok. Bumalik ba siya? Sa isiping iyon ay napangiti agad ako. Nagpunas ako ng kamay at naglakad papunta sa pintuan. Nakangiti ko itong binuksan pero agad ding nabura ng makita kung sino ang bisita ko.
"R-ryan." kinakabahang sabi ko lalo na at amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang bibig.
"Nasaan yung lalaki mo?" tanong niya at sumilip pa sa loob. "Umalis na ba? Tapos na kayo ha? Edi ako naman!"
"Ryan! Umuwi ka na nga! Lasing ka eh."
Nagpumilit siyang pumasok at tinulak ako kaya napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng kaniyang pagtulak.
"Isa lang naman, Denise! Malay mo makipagbalikan ka dahil mas magaling ako sa kung sinumang lalaki ang gumalaw sayo!" ngumisi siya at dahan dahan akong nilapitan. "Come on babe. Paliligayahin naman kita."
"Ryan, please!" umiiyak kong sabi. "Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw ko pero agad niyang tinakpan ang aking bibig. Nagpupumiglas ako pero bigla niya akong sinampal at hinawakan ang dalawang kamay ko.
Nakatakip pa din sa aking bibig ang isa niyang kamay at umupo na sa lap ko kaya hindi ko din siya masipa.
"Napakaarte mo! Feeling virgin ka pa eh katatapos niyo nga lang ng lalaki mo!" singhal niya sa akin.
Umiling iling ako habang patuloy sa pagtulo ang aking luha. Patuloy ako sa pagpupumiglas pero hindi ako makawala. Hindi ito yung Ryan na nakilala ko. Alam kong hindi niya ito magagawa kung hindi siya lasing. Mabait si Ryan at naramdaman kong minahal naman niya ako.
Akmang hahalikan na niya ako ng biglang may humila sa kaniya patayo at bigla siyang sinuntok. Lalo akong naiyak ng makitang dumating si Van. Bumalik siya. Bumalik siya para iligtas ako.
"Hayop ka!" sigaw niya at hindi tinigilan si Ryan.
"T-tama na." nanghihinang sabi ko. "Tama na, Van."
Agad niya akong nilingon. Naglakad siya palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Humagulgol ako sa kaniyang balikat.
"Shh. I'm here." pagpapatahan niya.
Nang tignan ko si Ryan ay agad siyang tumakbo palabas ng makabangon.
Agad kong ininom ang inabot niyang tubig. Medyo kumalma na din ako at nakaupo na dito sa sofa.
"Are you okay? Did he hurt you?" nag aalalang tanong niya. Dahan dahan akong umiling at napayuko. "Sabi ko naman kasi ilock mo yung pinto eh." panenermon niya pero parang ibinubulong lang naman sa akin.
"Sinarado ko naman. Akala ko kasi ikaw yung bumalik kaya noong may kumatok binuksan ko agad." pagdadahilan ko.
"Mabuti na lang at bumalik ako. Ipapapulis natin ang taong yun."
"No! Wag na. Wag na natin itong palakihin." pagtanggi ko.
"Pero pwede ka niyang balikan. Ako na ang bahala sa lahat. Basta kailangan mo lang sabihin sa mga pulis kung ano ang nangyari." punung puno ng kasiguraduhan ang kaniyang boses.
Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang. Uminom ako ulit ng tubig at huminga ng malalim.
"Hindi naman talaga ganun si Ryan." panimula ko. "Mabait naman siya. Siguro nasaktan lang ang ego niya kasi akala niya may nangyari sa atin. Tsaka lasing siya at alam kong hindi niya iyon magagawa kung nasa katinuan siya."
"Wag mo na siyang ipagtanggol pa."
"Hindi naman sa pinagtatanggol ko siya pero.." napabuntong hininga ako. "Wag mo na lang siyang ipapulis. Kahit ilang buwan lang ang itinagal namin naging mabuti sa akin ang Mama niya. Ayaw kong masaktan siya kapag nakulong ang anak niya."
"Huwag kang masyadong mabait, Denise. Sa panahon ngayon madali ka ng maloloko at maraming mananakit sayo dahil dyan." naiiling na sabi niya.