DENISE
Nagising ako dahil sa pagring ng aking cellphone. Nakapikit ko itong kinapa sa aking bedside table at sinagot kahit hindi alam kung sino iyon.
"Good morning babe!"
Dahil sa sobrang antok ay nanatili lamang akong tahimik.
"Babe? Hey! Are you okay?"
"Van?" halos pabulong kong tawag sa kaniyang pangalan. "Morning." halatang halata sa aking boses ang pagkaantok.
"Sorry. Akala ko kasi gising ka na."
"Okay lang." dahan dahan akong dumilat at naupo sa aking kama. Humikab ako at napatingin sa wall clock. "Six thirty pa lang. Bakit ang aga mong tumawag?"
"Oh right. Hmm. Magpapaalam lang sana ako. May biglaan kasi akong flight ngayon. Hindi kasi makakarating yung isa naming piloto kaya ako muna ang papalit sa kaniya."
Nakaramdam ako ng lungkot pero hindi ko na iyon ipinaalam sa kaniya.
"Okay. Mag ingat ka ha."
"You want to come?"
"Ha?"
"Baka gusto mong sumama. Sa Cebu lang naman. We can stay there for two days."
Gusto ko sanang pumayag pero hindi naman pwede dahil may pasok pa ako sa trabaho.
"Next time na lang siguro. Baka kasi hindi din ako payagan kapag nagfile ako ng leave."
"Okay. I'll see you soon. I love you." napangiti ako at nabawasan kahit papaano ang lungkot.
"I love you too."
Pagkatapos naming mag usap ay hindi na ako bumalik sa pagtulog. Inabala ko na lang muna ang aking sarili sa paglilinis ng bahay dahil mamayang 11am pa ang shift ko.
Nagluto na din ako ng pagkain para bago umalis ay makakain muna ako. Habang nakasakay ako sa jeep papunta sa hotel ay naisip ko si Van. I know it's his work pero namimiss ko na siya agad. Dapat ba sumama na lang ako sa kaniya?
No Denise! Wag mo gagawin yun. Baka isipin ng ibang tao ay clingy ka.
Pero inaya niya naman akong sumama ah. Napabuntong hininga ako at napailing na lang. Dalawang araw lang naman siya mawawala. Isa pa, nangako naman siya na tatawag agad pagdating niya doon.
Nang makarating ako sa hotel ay sinikap kong maging atentibo sa trabaho. Iniwasan ko muna ang pag iisip kay Van para naman makapagconcentrate ako.
"Den! Nandyan si Ms. Patricia! Yung anak ni Mayor!" yun agad ang sinabi ni Rowena ng makarating siya.
"Talaga? May event na naman ba?"
"Wala naman. Sumama lang siya sa Mommy niya na may meeting dito." napatango tango ako. "Oh! Ayan siya! Grabe! Ang ganda niya!"
Napatingin din ako sa tinitignan niya at natigilan ng makita ang kaniyang pamilyar na mukha. Siya yun! Siya yung Patricia na biglang sumulpot sa hotel room ni Van noon.
"Mommy! I said I need to go na! Nasa Cebu si Van ngayon. I want to visit him!" dinig kong sabi niya sa kaniyang Mommy.
"Okay fine! Just take care and call your Dad."
"Yay! Thanks Mom! You're the best!"
Agad na siyang lumabas ng hotel at halata ang pagmamadali. So, susundan niya si Van sa Cebu? Sa isiping iyon ay nakaramdam ako ng selos. Alam ko namang magkaibigan lamang sila pero hindi ko pa din maiwasan ang mag isip ng kung ano.
Nang sumapit ang break time ko ay agad kong kinuha sa locker ang aking cellphone at agad nadismaya dahil wala pang text o tawag si Van. Huminga ako ng malalim at nagtipa ng mensahe para sa kaniya.
To: Babe
Hi! Nakarating ka na ba sa Cebu? I hope you're fine. Call me later.Nagpasya na lang muna akong kumain habang naghihintay ng tawag sa kaniya. Patapos na akong kumain ng tumawag siya. Agad ko itong sinagot.
"Babe, sorry ngayon lang ako nakatawag. Nagkaproblema kasi kanina."
"Are you okay?" nag aalalang tanong ko.
"Yup. I'm fine. Kumain ka na?"
"Patapos na. Ikaw?"
"Kakain pa lang kami."
"Sinong kasama mo?"
"I'm with Joaquin. Co pilot ko."
"Okay. Sige. Bye."
"Bye! I love you."
"I love yo-.." hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng marinig ang pamilyar na boses sa kabilang linya.
"Hi Van!"
"Patricia? What are you doing here?"
"I just want to see you. Come on! Pasyal muna tayo."
Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone habang nakikinig. Mukhang nakalimutan na din ni Van na kausap niya ako na ikinainis ko.
"Oh wait! Babe? Are you still there?" tanong ni Van pero hindi ko sinagot. Nanatili lang akong nakikinig sa kanila.
"Babe? You have a girlfriend already? Van naman! I told you to wait for me!"
Sa aking inis ay ako na mismo ang naunang nagbaba ng tawag. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.
"What? Bakit biglaan naman?" tanong ni Sir Carlos ng magpaalam ako sa kaniya na magleleave ng tatlong araw.
"Emergency lang po talaga, Sir." pakiusap ko.
"Okay fine."
"Thank you Sir!" masayang sabi ko.