DENISE
Habang nakasakay sa jeep ay nag online na ako sa cellphone ko para makapagbook ng flight papuntang Cebu. Mabuti na lang dahil may bakante pa para sa flight bukas ng alas kwatro ng umaga.
Nang makauwi sa bahay ay agad kong inayos ang mga dadalhin ko sa aking pag alis. Hindi ko sinabi kay Van na pupunta ako doon dahil gusto ko siyang isurprise.
Hindi ko naman na kailangan pang alamin kung nasaan siya dahil nagtext siya kanina at sinabing nasa Cebu na siya at nakacheck in sa Crimson Resort & Spa Mactan na malapit lang din sa airport nang isearch ko kanina.
Natigil ako sa paglalagay ng damit ng biglang magring ang aking cellphone. Nang tignan ko iyon ay si Van ang tumatawag.
"Hi!" bati ko ng sagutin ko ang kaniyang tawag.
"I miss you babe." agad akong napangiti ng marinig iyon.
"I miss you too. Anong ginagawa mo? Nagpahinga ka na ba?"
"Kasama ko yung mga co pilot ko at yung mga flight attendant, we're having our dinner." napatango tango ako. "Kumain ka na?"
"Katatapos lang." sagot ko kahit ang totoo ay hindi pa.
"Good. By the way, bakit mo binaba ang tawag kanina?" kung hindi niya pa iyon babanggitin ay hindi ko na maaalala dahil sa sobrang excited ko na puntahan siya.
"Hmm. Kailangan ko na kasing bumalik sa duty kaya binaba ko na." pagsisinungaling ko. "Kailan ang balik mo?" tanong ko habang tinitignan kung may kulang pa sa mga dala ko.
"Maybe after two days? May seminar din kasi kaming pupuntahan."
"Okay." naglakad ako papunta sa drawer para kumuha ng swim wear. "Ingat ka dyan."
"Yeah. Take care too. I love you."
"I love you too."
Kinabukasan ay alas tres pa lang ng madaling araw ay nasa airport na ako. Halos hindi nga ako makatulog dahil bukod sa first time ko ito na sasakay sa eroplano ay excited din ako makita ang magiging reaksyon ni Van kapag nagkita na kami doon.
Halos umikot ang aking paningin ng makalapag ang sinasakyan naming eroplano sa Mactan-Cebu International Airport pero nang makalabas ako ay namangha ako sa ganda ng lugar. Agad akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa Crimson.
Nakatanaw lamang ako sa bintana at hindi ko talaga maiwasan ang hindi mamangha sa aking mga nakikita. Nang makarating sa hotel kung nasaan si Van ay halos manlaki ang aking mga mata dahil sa ganda at laki ng hotel. Halatang hindi biro ang bayad dito sa isang gabi.
"Hello Ma'am. Tutulungan ko na po kayo sa bagahe niyo." nakangiting sabi ng bellboy.
"Oh. Salamat."
"Good morning Ma'am. May reservation po kayo?" sinadya kong hindi magpareserve ng hotel room dahil gusto kong makasama si Van sa buong pamamalagi namin dito.
"May kakilala ako dito. Pwede bang malaman ang room number niya? Sosopresahin ko kasi siya." nakangiting sabi ko.
Tinignan ako saglit ng babae bago siya muling nagsalita.
"Ano pong pangalan Ms.?"
"Van Alexander Montero."
"Kaano ano niyo po si Sir Van?" kunot noong tanong niya.
"Boyfriend ko siya." nakangiting sagot ko.
Kinuha ko ang aking cellphone at ipinakita sa kaniya ang picture namin at ang huling text niya sa akin kaninang umaga bilang patunay.
"Oh. Okay po." nilipat niya ang kaniyang tingin sa computer na nasa kaniyang harapan. "Nasa room 503 siya pero lumabas po kasi si Sir Van. Okay lang po ba kung hintayin niyo na lang po siya sa kwarto?"
"Okay lang. Salamat ha. Alam kong bawal yung pagbibigay ng information about sa guest. I just want to surprise him." nakangiting sabi ko.
"Ayos lang po Ma'am." nakangiting sabi niya at binalingan ang bellboy na nasa aking gilid at iniabot ang duplicate na key card ng room. "Pakisamahan na lang Nico." sabi niya sa bellboy bago muling tumingin sa akin. "Enjoy your stay Ma'am."
"Salamat."
"This way Ma'am."
Sinundan ko lang ang bellboy sa paglalakad. Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang 5th floor. Nang makababa doon ay huminto kami sa room 503. Binuksan niya ang pintuan at tinulungan akong ipasok ang aking maleta.
"Enjoy your stay Ma'am." nginitian ko siya at agad isinarado ang pintuan ng makaalis siya.
"Wow!" inilibot ko ang aking paningin sa silid. "Ang laki at ang ganda." nakangiting sabi ko.
Naglakad ako palapit sa veranda at binuksan ang bintana. Napapikit ako at dinama ang sariwang hangin. Tanaw mula dito ang swimming pool sa ibaba. Agad akong nainggit ng makita ang ibang guest na nagsuswimming na at halatang nagsasaya kahit tirik ang araw. Gusto ko na din sanang magbabad sa tubig pero hihintayin ko na lang si Van para sabay na kami.