Chapter 2

62 4 0
                                    

DENISE

Pagdating ko sa hotel ay naiiling akong sinalubong ni Rowena. Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Alam mo girl! Bilib na talaga ako sayo. Kakabreak niyo lang ng dyowa mo kahapon pero heto at pumasok ka pa din. Kung ibang babae yan malamang eh nagmumukmok pa sila." napangiti ako sa kaniyang sinabi.

"Wala namang mangyayari kung magmumukmok ako. Hindi na nga ako sasahod, magugutom pa ako."

"Ikaw na talaga, Denise! Lodi na kita."

Hinarap ko na ang computer at nireview kung ano at ilan pa ang mga bakanteng kwarto ngayong araw. Sunod kong tinignan ang reservation namin at napakunot noo ako ng makita ang pangalan ni Van Alexander Montero na nagpareserve ng isang presidential suite.

"Nagpareserve pala si Van?" tanong ko kay Rowena.

"Ah oo. Ako nga ang nakasagot sa tawag niya kanina eh." kinikilig na sabi niya. "Wait lang girl ha. CR lang ako saglit."

"Sige."

Of course, sino ba ang hindi makakakilala kay Van Alexander Montero? Full time pilot at part time model. Nakilala ko siya dahil naging schoolmate kami noong college. I'm not sure kung matatandaan niya pa ako dahil nagkakasalubong lang naman kami noon sa hallway o kaya kung saang parte ng school.

He's a playboy. Hindi lang ang eroplano ang dinadala niya sa langit kundi pati ang mga babae. Kahit naman virgin pa ako ay alam ko ang tungkol sa bagay na iyon. Isa pa, ilang beses ko din siyang nahuli noon na nakikipagmake out. Ibang iba sa Daddy niya na stick to one. Kilala ang pamilya nila dahil nagmamay ari sila ng mga airport sa iba't ibang panig ng bansa. Mayroon din silang ilang branch ng restaurant dito at pati na din sa ibang bansa.

Ang totoo ay naging crush ko si Van noon. Sobrang gwapo kasi, kahit playboy ay may ibubuga naman sa academics, isa pa team captain din siya ng basketball noon. Nawala nga lang ang paghanga ko sa kaniya noong nahuli ko siya na nakikipag make out sa girls restroom.

"Uy teh!" natigil ako sa pag iisip ng kalabitin ako ni Rowena na mukhang kababalik lang galing sa CR.

"Ha?" wala sa sarili kong tanong.

May inginuso siya sa aking harapan kaya naman nalipat ang aking tingin doon. Nanlaki ang aking mga mata ng makita si Van na nasa aking harapan. Lalo siyang gumwapo at tumangkad mula noong huli ko siyang makita last two years ago. Mas gumanda din ang kaniyang pangangatawan ngayon.

"Good afternoon, Sir." bati ko ng bumalik ako sa huwisyo. Yumuko ako ng kaunti bilang paggalang.

"Reservation for Van Alexander Montero." sobrang lalim at buong buo ang kaniyang boses.

Napalunok ako bago pindutin ang computer. Hindi na ako nahirapan pa dahil kanina pa naman nasa screen ang reservation niya.

"For confirmation lang po, Sir. You reserved a presidential suite for three days and two nights." tanong ko na hindi inaalis ang aking tingin sa screen ng computer.

"Yes." dinig kong sagot niya.

Kinuha ko na ang kaniyang key card sa drawer namin at inabot iyon sa kaniya. Nakapag full payment naman na kasi siya kaya wala na akong ibang sasabihin pa.

"Enjoy your stay, Sir." nakangiting sabi ko ng maiabot sa kaniya ang key card.

Kinuha ng aming bellboy ang kaniyang maleta at umalis na sila para ihatid sa kaniyang room. Napahinga ako ng malalim ng mawala sila sa aking paningin.

"Grabe! Napakagwapo talaga niya!" kinikilig na sabi ni Rowena na mahina ko lang na tinawanan.

So, hindi na pala niya ako natatandaan. Nagkibit balikat ako. Okay lang, hindi naman talaga niya ako kilala.

Nang dumating ang oras para sa break time ko ay agad akong nagpunta sa restaurant ng aming hotel. May free meal kasi kapag pinapasok ka nila ng maaga sa talagang oras ng duty mo.

"Hi Denise!" nakangiting bati ni Wesley. Isa sa mga waiter namin.

"Hi!" nakangiti ding bati ko.

"Dito mo ba kakainin ang free meal mo?" tanong niya.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong restaurant. Kaunti pa lang naman ang tao kaya dito na lang siguro ako kakain. Pwede naman ang employee dito basta walang gagawing mali.

"Oo dito na lang."

"Sige. Ako na maghahatid ng pagkain mo."

"Salamat." nakangiting sabi ko.

Naglakad na ako at naupo sa dulong bahagi ng restaurant. Malayo ito sa mga guest kaya mas okay para sa akin. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at naglaro na muna habang inaantay ang pagdating ni Wesley.

"Alone?"

 A Different Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon