Chapter 3

44 5 0
                                    

DENISE

"Alone?"

Nag angat ako ng tingin nang marinig ang baritonong boses na iyon. Nagulat ako ng makita si Van sa aking harapan.

"Sir." tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Break time mo di ba?" tanong niya at naupo sa upuang nasa harapan ko.

"Ah oo."

"You're Denise right?"

"Kilala mo ako?" gulat na tanong ko.

Mahina siyang natawa at tinitigan ako na bigla kong ikinailang. Hindi pa din siya nagbabago. Ganoon pa din siya tumitig. Yung nakaka intimidate. Yung tipong wala ka namang kasalanan pero parang mayroon kang nagawang mali sa kaniya.

"Of course, sino ba naman ang hindi makakaalala sa taong nakahuli sayo na nakikipagmake out sa CR?" natatawang tanong niya.

Biglang namula ang aking mukha sa narinig. Nakakahiya! Nakita niya pala ako non?

"N-nakita mo pala ako?" nahihiyang tanong ko.

"Yes. Isa pa nakikita kita sa school kaya familiar ka."

Natahimik kami pagkatapos non. Inilibot ko na lang ang aking paningin sa buong restaurant. Bakit parang ang tagal naman ni Wesley?

"Denise." napangiti ako ng makitang palapit na si Wesley. "May kasama ka pala. Good morning Sir." magalang niyang bati kay Van.

"Si Sir Van. Schoolmate ko." pagpapakilala ko sa lalaking kasama ko dahil baka kung ano pa ang isipin ni Wesley. Baka sabihin niya nakikipag date ako sa guest namin.

"Ito na yung pagkain mo."

"Salamat, Wes." nakangiting sabi ko.

Nginitian niya kaming dalawa ni Van bago siya tuluyang umalis. Dumating din naman agad ang inorder na pagkain ni Van. Kahit naiilang ay sinimulan ko ng kumain dahil isang oras lang naman ang break time ko.

"Am I making you uncomfortable?" tanong niya na sinagot ko ng pag iling. "Gaano ka na katagal na nagtatrabaho dito?" tanong niya at ng mag angat ako ng tingin ay nakita ko ang malalim niyang pagtitig sa akin dahilan para bumilis ang tibok ng aking puso.

"Mag iisang taon na din." tumango tango siya pero nanatili sa akin ang kaniyang tingin. "B-bakit?" naiilang kong tanong.

"Nothing." tipid niyang sagot at kumain na muli.

Huminga muna ako ng malalim bago magsimulang kumain muli. Hindi na ako tumingin pa sa kaniya dahil kinakabahan ako. Hindi ko din alam kung bakit nakaramdam ako ng saya ng malamang naaalala niya pa ako. Maybe kasi crush ko siya noon? O kaya natuwa lang talaga ako dahil naaalala ako ng isang kakilala. Yun nga lang nakakahiya dahil naalala niya ako bilang nakahuli sa kanila ng babae niya.

"Mauna na ako sayo. Enjoy your stay here." nakangiting sabi ko. Tinanguan lang niya ako kaya medyo nalungkot ako.

Tahimik akong bumalik sa locker room namin at nagretouch bago bumalik sa duty. Nag toothbrush din muna ako at inayos ang pagkakatali ng buhok.

Pagbalik ko sa front desk ay nginitian ako agad ni Rowena.

"Ano na namang ngiti yan?" kunot noong tanong ko.

"Nabalitaan ko na sabay kayo ni Papa Van mag lunch." kinikilig na sabi niya. "Why so swerte girl!?" mahina pa niya akong hinampas sa braso.

Tinawanan ko lang siya at nailing.

"Schoolmates kami ni Van dati at naalala niya daw ako kaya sumabay siya." kibit balikat kong sagot.

"Yun lang?" paninigurado niya.

"Yun lang." tipid kong sagot.

Tumahimik na din naman siya at habang wala pang guest ay inayos ko na ang mga record na iniutos sa akin ng manager kanina.

"Denise, pakicheck nga kung ilang araw ba ang reservation ni Mr. Tamoyaki. Ang sabi niya kasi ay balak pa niyang mag extend." agad kong ginawa ang utos ni Sir Carlos.

"Hmm. Three days and two nights Sir." sagot ko ng hindi inaalis ang tingin sa screen ng computer.

"Pwede ba siyang mag extend ng dalawang gabi pa?"

"Pwede naman Sir." tinignan ko na si Sir Carlos. "Ililipat ko na lang yung guest na dapat ay magchecheck in pag alis ni Mr. Tamoyaki."

"Okay good." nginitian ako ni Sir kaya nginitian ko din siya.

Tatlong taon lang ang tanda sa akin ni Sir Carlos at pamangkin siya ng may ari nitong hotel. Mabait siya at hindi istrikto pero dapat ay ayusin mo ang trabaho mo dahil ayaw niya na nagkakaroon ng mali sa trabaho. Hindi naman siya perfectionist pero gusto niya ay maayos ang lahat. Okay? Ah basta, gusto niya maayos ang trabaho mo.

"Iba talaga ang titig sayo ni Sir Carlos!" natigil ako sa pag iisip ng sikuhin ako ni Rowena. "Nagseselos na talaga ako! Na sayo na ang lahat!"

Napailing na lang ako. Sanay na ako sa mga linyahan ni Rowena. Palagi naman kasi siyang ganyan. Binibigyan niya lagi ng malisya ang lahat.

 A Different Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon