Chapter 8

37 4 0
                                    

DENISE

Kagabi ay hinintay akong makatulog ni Van bago siya umalis. Ayaw niya sana akong iwan mag isa pero pinilit kong bumalik siya sa hotel. Sobra sobra na ang naging abala ko sa kaniya at ayaw ko ng dagdagan pa.

Nagluluto na ako ng almusal ko ng biglang may kumatok. Agad akong kinabahan kaya naman kinuha ko ang kutsilyo bago naglakad palapit doon.

"Sino yan?" sigaw ko ng makalapit sa pintuan. Inilapit ko ang aking tainga doon para marinig ang sagot ng taong kumakatok.

"It's me."

"Van?" kunot noong tanong ko.

"Yup."

Agad akong nakahinga ng maluwag at binuksan ang pintuan. Isang nakangiting Van ang bumungad sa aking harapan.

Napakagwapo talaga!

"Very good. Ganyan nga ang gawin mo kapag may kumakatok." bumaba ang tingin niya sa kutsilyong hawak ko. "And that too."

Nahihiya akong ngumiti bago siya pinapasok.

"Bakit ka nandito?" tanong ko ng maisara ang pintuan.

"Boring sa hotel. It's your day off right?" tumango lang ako at ipinagpatuloy na ang pagluluto. Sumunod naman siya at naupo sa upuan para panoorin ako. "Mabuti na lang pala hindi na ako bumili ng breakfast."

"Mabuti na lang din at medyo marami itong niluto ko." sagot ko ng hindi siya nililingon.

"May gagawin ka ngayon?" dinig kong tanong niya.

"Maglalaba at maglilinis ng bahay." sagot ko at nilingon siya. "Bakit?"

"Aayain lang sana kitang lumabas." agad bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa narinig.

"Is it a date?" pagbibiro ko pero sa loob loob ko ay kinikilig ako.

"Maybe? Maybe not?" nakangising sagot niya kaya natawa ako.

"Bakit kaya noong college tayo hindi tayo naging magkaibigan? I mean, mukha namang maayos tayo kapag magkasama."

"Maybe I'm just busy with my friends and you're busy with your boys."

"Wow ha! Ikaw nga itong maraming babae noon." nakasimangot na sabi ko.

Natawa siya sa naging reaksyon ko at naglakad palapit sa akin.

"Are you jealous?" nang aasar niyang tanong.

"No." tanggi ko agad. "Eh ikaw? Bakit alam mong may mga boys ako dati? Sinusundan mo ba ako?" ganting pang aasar ko.

"You're quite famous in the university before." sagot niya na ikinagulat ko.

"Talaga?"

"Yup. Kaya nga ang daming nanliligaw sayo noon. I always hear your name whenever my classmates talks about a girl they wanted to date."

"Totoo ba yan? Akala ko niloloko lang ako ni bakla noon." tinalikuran ko na siya at inayos na ang hapag kainan. "Palagi niyang sinasabi na sikat daw ako sa mga lalaki pero hindi ko pinapaniwalaan kasi parang nagjojoke lang siya."

"Now you know." tinulungan niya ako sa paglalagay ng mga plato at kutsara sa lamesa. "By the way, ilan ba ang naging boyfriend mo noon?" tanong niya.

"At bakit ka naman interesado?"

"Wala lang. I want to know you more."

Tumalikod ako agad at kunwaring kumukuha ng baso para maitago ang aking ngiti.

"Tatlo. My first boyfriend is Rico, yung soccer varsity noong third year tayo. Tumagal kami ng tatlong buwan. Next is Louie, yung classmate ko noong fourth year. Tumagal naman kami ng dalawang buwan. Then last is Ryan. I met him sa isang job caravan noon." napabuntong hininga ako ng maisip na iisa lang ang naging dahilan kung bakit nila ako iniwan. "Iniwan nila ako kasi boring akong girlfriend." malungkot akong ngumiti. "Hindi ko maibigay yung gusto nila. I only let them kiss me kaya siguro naghanap ng iba." natawa ako ng mahina. "Kain na tayo."

Umupo na ako at umupo na din siya. Nilagyan ko ng fried rice ang plato niya bago ko lagyan ang akin.

"May mga lalaki talagang ganun. Mabuti na lang at nalalaman mo din agad para hindi ka na masaktan pa." sabi niya at nilagyan naman ng ham at hotdog ang aking plato.

"Thanks." sabi ko bago sumubo. "Ikaw? Hindi na siguro mabilang ang mga naging girlfriend mo no?" pagbibiro ko.

"I never had a girlfriend. I mean, a serious one."

"Talaga?" gulat na tanong ko. "So, mga kafling mo lang sila?"

"Yes. We just fuck and that's all."

"Bibig mo naman! Nasa harap tayo ng pagkain." saway ko sa kaniya dahilan para marinig ko na naman ang kaniyang tawa.

Natawa na lang din ako at kumain na lang. We just talked some random things at hindi niya hinahayaan na tumahimik ang paligid.

"Dalhin na lang natin sa laundry shop ang mga labahin mo. Let's go out." kanina pa niya sinasabi yan pero hanggang ngayon ay hindi ko alam ang isasagot. "Come on, may flight na kami in the next day. Tatlong araw akong mawawala."

Napailing na lang ako at pinagbigyan na siya.

 A Different Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon