Chapter 12

38 1 0
                                    

DENISE

Napapahikab na lang ako sa sobrang antok. Dalawang oras na din ang lumipas mula noong magsimula ang party.  Dumating na din ang ibang mga crew na graveyard shift pero sabi ni Sir Carlos ay mag extend pa kaming mga nasa middle shift ng isa pang oras dahil halos lahat ay nandoon sa party para tumulong sa mga nasa F&B Department.

"Antok na ako bes." nilingon ko si Rowena sa aking tabi na nakangiti pa din sa tuwing may dumadaan na mga guest.

"Ako din." kunwaring yumuko ako sa computer screen para humikab. Nang mag angat ako ng tingin ay nagulat ako ng makita si Sir Carlos. "S-sir, sorry po." kinakabahan kong sabi at tumayo ng maayos.

"It's okay." saka siya ngumiti. Pansin ko na din ang pagod sa kaniyang mukha. "AM shift can already go home now. Salamat sa inyong lahat."

Napapikit pa ako dahil sa narinig. Thanks God! I already want to sleep. Agad na akong hinila ni Rowena papunta sa locker room namin.

"Grabe bes! Hindi ko na talaga kaya! Antok na antok na ako!" maktol niya.

"Hayaan mo na. Malaki naman ang sasahurin natin." pampalubag loob ko sa kaniya.

"Kung sa bagay." sagot niya.

Nagbihis na kami at nagpaalam sa mga kasamahan namin bago kami tuluyang lumabas ng hotel.

"Bye! Ingat ka ha! Baka matulog ka sa jeep." natatawang sabi ko sa kaniya.

"Gaga! Hindi no!" natatawa ding sabi niya. Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago sumakay sa jeep.

Tahimik akong naghintay ng masasakyang jeep dito sa waiting shed pero punuan na ang mga dumadaan. Umupo na muna ako at iniunat ang aking mga paa dahil kanina pa ako nangangawit sa pagtayo. Umayos din ako ng upo at iniunat ang aking likod.

Nakakapagod. Mukhang hindi na ako makakapag dinner mamaya dahil gusto ko na lang matulog. Napapikit muna ako ng maramdaman kong may lumapit sa akin. Sa sobrang kaba na baka holdaper pala iyon ay agad akong tumayo at tatakbo na sana ng biglang may humawak sa aking braso.

"Hey!"

Agad akong napalingon ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Lahat ng tampong nararamdaman ko para sa kaniya ay parang biglang nawala ng makita ko siya.

"V-van."

Tahimik lang kami pareho magmula noong sumakay kami dito sa kaniyang sasakyan. Gusto ko sanang magsalita pero hindi ko din naman alam ang sasabihin.

"I'm sorry." agad ko siyang tinignan ng marinig ang kaniyang sinabi.

"Para saan?" tanong ko kahit may ideya na ako kung para saan iyon.

"For what happened, hindi ko namalayan na dead batt na pala ako kaya nawala yung tawag."

"Okay lang." sagot ko at tumingin sa labas ng bintana.

"About the girl you heard.."

"Ah Van, bababa na ako dito." agad kong putol sa kung ano pa ang sasabihin niya. Natatakot kasi akong marinig kung sino ang babaeng iyon para sa buhay niya.

"What? Malayo layo pa ang bahay mo ah." kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong nakakunot ang kaniyang noo pero inihinto niya ang sasakyan kahit naguguluhan.

"Kakain na muna ako dito. Sige na, bye."

Agad akong bumaba sa kaniyang sasakyan at dire diretsong pumasok sa Jollibee na nadaanan namin.

"Good evening, Ma'am." nakangiting bati ng crew.

"Good evening din. Hmm. Isa ngang C2."

"Spicy po yung chicken Ma'am?"

"Ah hindi. Yung original lang tapos yung drinks coke."

"Yun lang po Ma'am?"

"Paki add na lang din ng isang cheese burger yung solo lang."

Pagkasabi niya ng total amount ay ibibigay ko na sana ang bayad ko pero may naunang magbigay ng 1000 peso bill.

"Ganun din yung order ko." dinig kong sabi ni Van.

"Sige po." sabi ng counter crew habang namamangha sa pagtitig kay Van.

"Van." nagtitimping banggit ko sa kaniyang pangalan.

Nang lingunin ko siya ay nakashades siya at naka itim na cap. Tatanungin ko sana kung bakit nakashades pa siya dito sa loob pero naalala ko kung sino nga pala siya. Part time model, full time pilot and a Montero.

"I know you're mad. Let's talk about it pero kumain ka muna." bulong niya at hinintay na makumpleto ang order namin.

Hindi na lang ako umimik pa dahil ayaw ko naman mapahiya dito kung sakaling aawayin ko pa siya.

Hinayaan ko na lang siyang kunin ang order namin at agad na akong naghanap ng mauupuan namin. Pinili ko iyong nasa bandang dulo para wala masyadong makapansin sa amin.

Napabuntong hininga ako nang makaupo. Handa na ba akong marinig kung ano man ang sasabihin niya?

 A Different Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon