Chapter 15

43 2 0
                                    

DENISE

Nang matapos ang duty ko ay agad akong nagpunta sa locker room para tignan kung may text o tawag si Van pero nadismaya ako ng makitang wala. Napailing ako at nag ayos na para makauwi. Nagpaalam ako sa mga kasamahan ko bago lumabas ng hotel.

Natigil ako sa paglalakad ng biglang may bumusina sa akin. Agad akong napangiti ng makita ang sasakyan ni Van. Habang naglalakad ako palapit sa kaniya ay lumabas naman siya sa sasakyan at kinawayan ako.

"Akala ko hindi ka pupunta. Wala ka kasing text eh." yun agad ang aking nasabi ng makalapit ako sa kaniya.

"I'm sorry. Medyo busy lang dahil may pinagawa si Dad sa akin." hinalikan niya ako sa noo na ikinapikit ko. "How's your day?"

Pumasok muna kami sa kaniyang sasakyan bago ko sinagot ang kaniyang tanong.

"Nakakapagod. Medyo madami kasing guest kanina."

"Where do you want to eat?" tanong niya habang abala sa pagmamaneho.

"Sa bahay na lang. Magluluto na lang ako."

"Are you sure?" tanong niya at saglit akong nilingon. "Baka mapagod ka masyado."

"Ayos lang. Mas makakatipid tayo kapag nagluto na lang ako."

"You know I can afford eating at a restaurant." sagot niya at kunot noo pa akong nilingon.

"Alam ko." ngumuso ako at tumingin sa labas ng bintana. "Pero gusto kitang ipagluto." halos ibulong ko na lamang iyon pero sigurado akong narinig niya dahil narinig ko ang kaniyang marahan na pagtawa.

"Hindi mo pa ako ipinagluluto noon pero patay na patay na ako sayo. Baka naman mabaliw na ako masyado nyan." napangiti ako sa aking narinig pero hindi na siya nilingon pa.

Kung pwede lang hilingin na sana ay palagi na lang kaming ganito. Yung masaya. Yung walang problema. Pero alam kong hindi naman iyon pwede.

Pagdating sa bahay ay agad akong nagsaing at sinimulan na ang lulutuin na chicken curry. Si Van naman ay sinabihan kong hintayin na lang muna akong matapos sa sala dahil baka hindi ako makapag concentrate kapag pinanood niya ako dito. Noong una ay umaangal pa siya pero sa huli ay napapayag ko na din. Dinig na dinig ko dito sa kusina ang kaniyang halakhak dahil sa pinanonood na kung ano. Napangiti ako at napailing dahil nakakahawa ang kaniyang pagtawa.

Nang matapos ako sa aking niluluto ay pinuntahan ko siya sa sala para sana ayain ng kumain pero nakatulog na pala siya. Dahan dahan akong naglakad palapit sa kaniya na ngayon ay nakahiga na dito sa sofa namin. Naawa pa ako sa kaniya dahil pinagkasya niya ang kaniyang sarili doon.

Umupo ako sa sahig at tinitigan ang kaniyang mukha. Ang kaniyang mahabang pilik mata. Ang matangos na ilong. Ang mapupulang labi. Everything about this man seems to be perfect. Hindi ko alam kung ano ang kapintasan niya. Mayroon ba?

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwalang nililigawan ako ng lalaking ito. Napabuntong hininga ako at dahan dahang iniangat ang aking kamay para haplusin ang kaniyang pisngi.

"Van.." malambing kong tawag sa kaniya. Napangiti ako ng hindi man lang siya gumalaw. "Van Alexander." pinadaan ko ang aking daliri sa kaniyang ilong at ibinalik din iyon sa kaniyang pisngi. "Kung magiging tayo kaya hindi ka magbabago? Kung ano ba yung ipinapakita mo sa akin ngayon ay mananatili iyon?" ilang sandali ko pa siyang tinitigan habang nakahawak sa kaniyang pisngi.

Aalisin ko na sana ang aking kamay pero nagulat na lamang ako ng bigla niya itong hinawakan. Nanlaki ang aking mga mata ng bigla siyang dumilat at agad natagpuan ang aking mga mata.

"Try me, Denise. Hinding hindi ako magbabago. Pinapangako kong araw araw kong ipaparamdam sayo ang pag mamahal ko." punung puno ng sinseridad ang kaniyang boses ganoon na din ang kaniyang mga mata. "Hindi ako mangangako na hindi tayo magkakasakitan dahil dumadating naman talaga sa ganoon ang lahat ng relasyon pero asahan mong hindi ko hahayaang umabot tayo sa ganon."

"Van." hinalikan niya ang aking kamay na hanggang ngayon ay hawak niya pa din.

"I love you, Denise. Sobra."

Hindi ko alam kung bakit pero unti unting nanlabo ang aking mga mata dahil sa luhang nagbabadyang tumulo. Siguro ay dahil ito sa sobrang kaligayahan? Sa lahat kasi ng mga naging kasintahan ko noon ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Yung feeling na secured at safe ako. Kasabay ng aking pagngiti ay ang pagtulo ng aking luha dahil sa kasiyahan.

"I love you too, Van. Please, don't break my heart."

 A Different Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon