DENISE
Nang magising ako kinaumagahan ay agad kong kinuha ang aking cellphone. Hindi naman ako nabigo dahil may text na nga si Van.
From: Van
Hey sleepy head! I checked out already. I'm on my way to airport now. Take care for me okay? See you after three days.
Napangiti ako sa aking nabasa. Van is a sweet guy. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng isang kaibigan sa kaniyang katauhan. Bago tuluyang bumangon ay nagtype ako ng reply para sa kaniya.
To: Van
Take care too! See you!
Nakangiti akong bumangon at dumiretso sa banyo para maligo na. May usapan kasi kami ni Rowena na sabay kaming mag breakfast sa paborito niyang restaurant.
"Alam mo teh! Blooming ka!" nginitian ko lang si Rowena. "Ay taray! Iba ka na talaga!"
"Wag ka ngang maingay!" natatawang saway ko sa kaniya.
"Sus! Ano na ba ang ganap sa inyo ni Van? Kayo na?" kinikilig na tanong niya.
"Hindi no!" agad kong pagtanggi. "We're just friends."
"Ay! Pang showbiz ang sagot!" tumatawang sabi niya at kiniliti pa ako sa tagiliran.
Halos hindi ko namalayan ang pagtatapos ng duty ko sa araw na iyon. Parang ang bilis ng oras. Pag uwi ko sa bahay ay agad akong nagluto ng adobo para sa aking hapunan. Medyo dinamihan ko na para may pang almusal na din ako bukas. Hindi ko na din hinintay pa ang text ni Van. Alam ko naman kung gaano siya kabusy. Isa pa, hindi naman kami para balitaan niya ako sa nangyayari sa kaniya.
Tahimik lang akong kumain hanggang sa mawalan ako ng gana. Napabuntong hininga ako dahil namimiss ko si Van. Bago kasi siya tuluyang umalis kanina ay halos dito na kumain ang lalaking iyon. Susunduin niya ako sa umaga at ihahatid din ako sa gabi. Sinabi ko nga na hindi na kailangan pero mapilit siya kaya naman dito ko na lang siya pinapakain bilang kapalit ng paghatid at sundo niya sa akin.
Tuluyan na akong nawalan ng gana kaya naman niligpitan ko na ang lamesa at hinugasan ang pinagkainan ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa aking kwarto at naligo. Humilata na ako sa aking kama ng maisuot ang aking damit. Simpleng dress lang siya at talagang sobrang kumportable ako kapag ito ang aking suot. Matutulog na sana ako ng magring ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa bedside table ko at napangiti ako ng makitang nagvivideo call si Van.
"Hi!" agad kong bati ng sagutin ito.
"You miss me huh!" mayabang na sabi niya.
"Yabang." nakangiti lang siya habang nakatitig sa akin kaya napangiti din ako. "Ganda ko ba?" natatawang biro ko.
"Yes. You're breathtaking."
Agad kong naramdaman ang pagpula ng aking pisngi dahil sa narinig.
"Bolero." sagot ko na lang. "Nasaan ka?" pag iiba ko ng usapan.
"Hotel." tipid na sagot niya.
"Can I see the place?"
Agad siyang tumawa kaya naman napasimangot ako.
"You're so cute! Wala akong kasamang babae dito." agad niyang inilibot ang camera kaya napangiti ako. "See? I'm alone."
"Gusto ko lang makita kung maganda ba ang mga kwarto dyan." nakangusong sabi ko.
"I miss you, Denise." natigilan ako dahil sa aking narinig.
Nang tignan ko siya ay seryoso na siyang nakatitig sa akin at wala ng bakas ng pang aasar sa kaniyang mukha. Napangiti ako at huminga ng malalim.
"I miss you too, Van." nakangiting sabi ko. "Sana bumalik ka na dito." dugtong ko pa dahilan para sumilay ang kaniyang matamis na ngiti.
"Don't try me, Denise. Baka bumalik ako dyan ng wala sa oras." natawa ako sa kaniyang sinabi at napailing na lang.
Napakunot noo ako ng marinig na may kumakatok sa kaniyang pintuan.
"Sino yun?" kunot noong tanong ko.
"Baka yung inorder kong pagkain. Wait lang."
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama pero hindi niya binitawan ang kaniyang cellphone.
"Hi Van baby!" napaayos ako ng upo ng marinig ang matinis na boses ng isang babae.
"Patricia?" sunod kong narinig ang boses ni Van hanggang sa mawala na ang tawag.
Agad kong naramdaman ang pagkirot ng aking puso. Who's that girl? Bakit biglang pinatay ni Van ang tawag at hindi man lang nagpaalam sa akin? Ini off ko ang aking cellphone at nahiga na. Alam kong hindi tama at wala akong karapatan pero nagtatampo ako kay Van. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito. Nagseselos ba ako?
Napapikit ako ng mariin at napabuntong hininga na lang.
Tumigil ka na, Denise. Wala kang maaasahan kay Van. Dakilang playboy yun eh. Mahohopia ka lang.