DENISE
Hindi na kami ulit bumalik sa pool area. Tinawagan na lang ni Van ang kaniyang mga kaibigan na hindi na kami babalik at sasabay na lang magdinner mamaya. Pinupunasan ko ang aking buhok ng matapos siyang maligo at lumabas sa banyo.
"Anong gagawin natin dito? Gusto ko pa sanang magswimming eh." nakasimangot kong sabi.
"Bukas na lang ulit. Nawalan na ako ng gana." hindi na lang ako nakipagtalo sa kaniya at nanahimik na lang.
Nagring ang phone niya na ikinatingin ko agad sa kaniya. Bumuntong hininga siya bago niya iyon sinagot.
"What?" walang gana niyang tanong sa taong tumawag. "Yup. Girlfriend ko siya. Patricia, I already told you right? Stop acting like this. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin dahil dito."
Inis niyang pinatay ang tawag at umiling.
"Bakit daw?" pag uusisa ko.
"She's just being a brat again." naiiling na sagot niya.
"Mukhang gustung gusto ka niya. Bakit hindi mo siya niligawan? Maganda naman siya ah."
"Babe, Patricia is just a friend. Hanggang doon lang." siguradong sagot niya.
"Okay." kibit balikat kong sabi. "May seminar kayo ulit bukas?" pag iiba ko ng usapan.
"Yup. 8 am to 11 am lang naman yun. You can sleep while waiting for me." natawa ako.
"Sleep talaga? Gusto kong lumabas. Kahit dyan lang sa baba. Mabobored ako dito."
"No!" agaran niyang pagtutol. "Hindi ka pupunta doon ng wala ako. Baka makita ka na naman noong ex mo." nakasimangot niyang sabi.
"But I want to enjoy my stay here." malungkot kong sabi.
"You will." hinalikan niya ako sa noo at nginitian. "Pagbalik ko bukas papasyal tayo."
"Promise?" parang bata kong tanong.
"Promise." ngumiti na ako at tumango na lang.
Inubos namin ang oras sa panonood ng movie sa laptop niya. Ang dami niyang comedy movies na nakasave kaya iyon ang pinanood namin. Nagpadeliver din siya ng miryenda namin.
Nang sumapit ang alas siete ng gabi ay tumawag na ang isa sa mga co-pilot niya na si Joaquin at nag aaya ng magdinner.
"What happened earlier bro? Bakit nawala ka sa mood?" tanong ni Joaquin ng umupo si Van sa kaniyang tabi.
"Ex ni Denise." maikling sagot niya.
Sinulyapan ako saglit ni Joaquin at tumango tango.
"Resbak?"
"I can handle it."
Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin dahil hindi ko na din magets ang kanilang pinag uusapan. Nakipagkwentuhan na lang ako kina Luisa at Mia.
Mabuti na lang at hindi na din muling nagpakita pa sina Patricia at Louie. After dinner ay nagstay kami sa bar ng hotel. Nakikipag inuman na si Van sa kaniyang mga kaibigan habang kami namang mga babae ay tanging juice at fries ang pinapapak.
"Umiinom ka ba ng alak, Denise?" pabulong na tanong ni Luisa.
"Minsan lang kapag may okasyon." pabulong ko ding sagot.
"Inom tayo?" bulong din ni Mia.
Agad akong napatingin kina Van na abala sa pag uusap. Ibinalik ko ang tingin kina Luisa at Mia na parehong umaasa na papayag ako sa kanilang plano.
"Baka pagalitan tayo." pabulong ko ulit na sagot at nilingon muli si Van na tinignan din ako kaya nginitian ko agad.
Ngumiti din siya sa akin at muling ibinalik ang atensyon kina Joaquin.
"Isang baso lang naman. Kunwari mag ccr tayo pero ang totoo oorder tayo ng inumin." humagikgik pa si Luisa.
"Oo nga. Minsan lang naman tsaka isang baso lang." pagkumbinsi din sa akin ni Mia.
Nakagat ko ang pang ibabang labi at dahan dahang tumango sa kanila na ikinalaki ng kanilang ngiti. Sabay sabay kaming tumayo kaya naman agad ding napatingin sa amin sila Van.
"Where are you going?" kunot noong tanong niya. Ang mga mata ay nakatutok sa akin.
"CR lang kami." sagot ko at nginitian siya para hindi siya magduda.
"I'll go with you." agad niyang sabi at akma ng tatayo pero pinigilan siya ni Luisa.
"CR ang pupuntahan namin, Van. Just stay here. Saglit lang naman kami." sabi ni Mia at hinila na kami paalis ni Luisa.
Doon kami dumiretso sa tagong parte ng counter para hindi nila kami makita.
"Ako na ang oorder." ngiting ngiti na sabi ni Luisa at tinawag na ang bartender. "Three shots of margarita, please."
Habang hinihintay ang order namin ay pasulyap sulyap kami sa pwesto nila Van. Takot na baka mahuli kami. Kabilin bilinan pa naman nila na wag kaming uminom tatlo.
"Here you go." nabalik sa bartender ang aming atensyon noong matapos niya ang aming inumin.
"Mabibitin tayo dito pero mas okay na din kaysa wala. Pagbalik sa Manila bumawi tayong tatlo." nakangiting sabi ni Mia. "Cheers!"
"Cheers!" nakangiting sabi namin ni Luisa. Nagkatinginan pa muna kaming tatlo bago namin iyon tuluyang ininom.