DENISE
"Una na ako sayo, Wena. Maggogrocery pa kasi ako."
"Sige girl! Ingat!"
Nakipagbeso muna ako kay Rowena bago tuluyang lumabas sa aming locker room. Nagpalit ako ng jeans at vneck white shirt dahil mamimili pa ako. I just tied my hair into a messy bun at kaunting pulbo lang ay okay na.
Doon ako dumaan sa employees exit door at nagpaalam sa guard na nagbabantay doon matapos niyang icheck ang bag ko. Naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep at doon naghintay. Hinalungkat ko ang aking bag para hanapin ang papel na pinaglistahan ko kanina ng mga kailangan kong bilhin ng makarinig ako ng pagbusina.
Nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko si Van na nakasilip sa bintana ng kaniyang Ferrari.
"Hop in."
"Ah hindi na." nahihiyang sabi ko. "Dadaan pa kasi ako sa mall."
"I'm going there. Sabay ka na."
Wala na akong nagawa ng buksan na niya ang pintuan sa side ng passengers seat.
"Thanks." sabi ko ng makaupo at mailagay ang seat belt.
Tahimik niyang pinaandar ang kaniyang sasakyan kaya medyo nailang ako. Napatikhim ako at napalunok ng laway dahil pakiramdam ko ay natuyuan ako ng lalamunan.
"Hmm. Bakit ka pala sa hotel nagstay? Hindi ka uuwi sa bahay niyo?" naisipan kong itanong dahil ayaw ko ng masyadong tahimik lalo na kung siya ang kasama ko.
"Nasa Paris sila Daddy at Mommy. Wala akong kasama sa bahay kaya naghotel na lang ako." napatango tango ako sa kaniyang sagot.
"Ikaw?"
"Huh?" wala sa sariling tanong ko.
"Tell me about yourself." kibit balikat niyang sabi.
"Hmm. Wala naman akong maikukwento. Masyadong boring ang buhay ko."
"Boyfriend?"
"Kakabreak lang. May iba na kasi siya."
"Good." mahinang sabi niya pero narinig ko pa din.
"Good?" kunot noong tanong ko.
"It's good to know that he left you." lantaran niyang sabi na ikinanganga ko.
"Are you saying na karapat dapat akong iwanan?" gulat kong tanong.
"It's good to know that he left you, so I can have you." Bigla akong natahimik pero dinig na dinig ko ang malakas na pagtibok ng aking puso pero huminto din iyon ng marinig ang kaniyang pagtawa. "Just kidding. Sana nakita mo ang mukha mo kanina." tawa pa din siya ng tawa kaya natawa na lang din ako para maibsan ang pagkapahiya.
"Madali kasi akong maniwala." sabi ko na lang at itinuon ang tingin sa bintana.
"Hey! Did I offend you? I'm sorry." biglang sabi niya kaya nilingon ko siya at nginitian.
"It's fine. Wala ka namang kasalanan." tumikhim siya at humigpit ang hawak sa manibela.
"So, bakit ka ba pinagpalit ng boyfriend mo?" pag iiba niya ng usapan.
Natigilan ako at nag isip kung dapat ko bang sabihin ang dahilan. Nakakahiya naman kasi.
"Hmm." napanguso ako. "Hindi ko kasi maibigay yung kailangan niya."
"Kailangan?" kunot noong tanong niya. "Pineperahan ka ba niya?"
"Ah hindi!" agad akong umiling. "I mean, yung ano.. Yung kailangan ninyong mga lalaki kaya ayun naghanap siya ng iba." nahihiyang sabi ko.
Hindi siya sumagot kaya tinignan ko siya at nakita ko ang kaniyang paglunok at umayos ng pagkakaupo.
Hanggang sa makarating kami sa mall ay nanatili lang siyang tahimik kaya tumahimik din ako. Parang naging awkward kasi ang paligid. Nagsisi tuloy ako kung bakit sinabi ko pa iyon.
"Salamat sa pagsabay sa akin ha. Dito na ako." nakagat ko ang aking labi ng hindi siya nagsalita at nanatili lang nakatitig sa akin.
Tumalikod na ako at pumasok na sa supermarket. Kumuha ako ng cart at ganoon na lang ang gulat ko ng biglang may umagaw nito sa akin nang itutulak ko na sana.
"Van!" gulat kong tawag sa taong umagaw ng cart ko.
"Sabay na tayo. May ilan lang akong bibilhin. Share na tayo sa cart." nauna na siyang maglakad sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya.
Agaw pansin si Van sa buong supermarket. Nagtutulak na nga lang ng cart ay napakagwapo pa din. May mga naririnig akong bulungan sa mga babaeng nadadaanan namin pero hindi ko na lang pinapansin. Kinuha ko na lang ang listahan ko at isa isa ng kinuha ang mga kailangan ko.
"Sabon, toothpaste, sabon panlaba.." inisa isa ko ang mga nakasulat sa papel na hawak ko at kukuha na sana ng feminine wash kaso napansin kong nakatingin siya sa akin kaya bigla akong nahiya.
Nailayo ko ang aking kamay na kukuha na sana ng PHCare dahilan para tawanan niya ako.
"Go on. It's okay." natatawang sabi niya dahilan para lalong mamula ang aking mukha.