DENISE
"Ang sabi niya wag daw akong maniwala sayo." natigilan ako sa ginagawang paghiwa ng karne ng muli siyang magsalita. "Kapag daw inakit mo ako, wag akong papatol dahil iiwan mo akong masakit ang puson."
"Hayaan mo na siya. Siguro nasaktan lang ang ego niya kasi akala niya ibinigay ko sayo yung hindi ko maibigay sa kaniya." sagot ko na lang.
Kinuha ko ang rice cooker at nagtakal ng bigas para makapag saing na.
"He's a jerk. Siguro yun lang ang gusto niya sayo kaya nagagalit siya ngayon."
Gusto ko siyang lingunin pero hindi ko kaya. Pakiramdam ko kasi ay nakakahiya ako. Basta, may kakaiba talaga akong nararamdaman. Pagkatapos kong hugasan ang bigas ay isinaksak ko na ang rice cooker.
"Ganoon naman ang iba di ba?" tanong ko ng mailagay na ang karne sa kaserola. "May mga lalaki talagang hindi marunong maghintay. Kahit gaano nila kamahal yung babae, kahit gusto nilang respetuhin ang babae ay hindi nila matitiis na hindi gawin yun." nilingon ko siya na ngayon ay titig na titig sa akin. "Ang sabi ng mga naging boyfriend ko, mas mapapatibay daw ang relasyon kapag ginagawa yun." natawa ako ng mahina. "Mukhang totoo nga. Iniwan nila ako noong hindi ako pumayag eh."
"Hindi ganoon kalalim ang pagmamahal nila sayo kung nagawa ka nilang iwan dahil doon. Siguro nga mahal ka nila pero mas importante pa din sa kanila ang kaligayahan nila."
"Eh ikaw? Noong college tayo papalit palit ka ng babae. Kung kani kanino ka nakikipag make out. Bakit mo ginagawa yun?" natahimik siya dahil sa aking tanong. Akala ko nga hindi na siya sasagot pa kaya lang nagulat ako ng marinig ang kaniyang sagot.
"Because I can't have the girl that I truly want." nagkatitigan kami at naputol lang ng lingunin ko ang niluluto ko.
Napalunok ako at hindi inalis ang tingin sa aking niluluto. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin at ayaw ko din siyang lingunin. Napapikit ako ng mariin.
"Bakit naman?" tanong ko makalipas ang ilang segundo. "Ayaw niya sayo? May iba ba siya?"
"I don't know. Maybe I don't deserved her that's why I didn't pursue her. Isa pa, baka pagtawanan niya lang ako kapag sinabi ko noon na gusto ko siya. Kilala mo naman ako noon. Maraming babae. Papalit palit. I hate rejections that's why I didn't tried to confess."
"Wow. May babae pa lang mambabasted sayo? Eh halos habulin ka na nga lahat ng babae sa university noon eh." natawa ako ng may maalala. "Pati nga yung kaibigan kong bakla eh halos mahubad na daw ang panty niya kapag nakikita ka."
"Ah yes. Naalala ko din yung bakla mong kaibigan." naiiling na sabi niya habang natatawa.
"Talaga? Paniguradong kikiligin yun kapag nalaman niyang naaalala mo siya." nakangiting sabi ko. "Nasa Dubai na kasi ang baklang yun. Pinapasunod nga ako para daw may kasama na ako kaso sinabi ko na pag iisipan ko pa." hanggang ngayon ay hindi ko pa din siya nililingon dahil tinatapos ko na ang pagluluto. Baka kasi mainip na siya.
"You're planning to leave the country?" kahit hindi ko siya lingunin ay ramdam ko ang pagkunot ng kaniyang noo.
"Ewan ko. Pinag iisipan ko pa pero siguro hindi na lang din. Mag isa lang naman ako at sapat naman ang sinasahod ko para sa akin kaya dito na lang siguro ako." tinanggal ko na sa saksakan ang rice cooker.
"Mas mabuti kung dito ka na lang." sabi niya habang inaayos ko na ang hapag kainan. "Mahirap magtrabaho sa ibang bansa."
"Yun nga din ang sabi ko sa kaniya pero sabi naman niya ay okay naman daw doon sa hotel na pinapasukan niya. Malaki pa daw ang sahod."
Naglagay ako ng kanin sa isang plato at inilapag sa lamesa. Sunod akong nagsalin ng ulam sa isang mangkok.
"Mabango ang luto mo. Naalala ko tuloy si Mommy. Mahilig din kasing magluto yun simula noong ikinasal sila ni Dad."
Umupo na ako sa harapan niya at napangiti ako ng makitang nilalagyan niya ng kanin ang aking plato.
"Salamat." nakangiting sabi ko.
"Naliliitan ka ba sa sahod mo sa hotel? Pwede kitang ipasok sa company namin. Magagawan ko ng paraan kahit hindi tourism ang tinapos mo." alok niya.
"Naku! Hindi na no! Okay naman ang sahod sa hotel." pinanood ko siya ng sumubo na siya.
Bigla akong kinabahan kung masasarapan ba siya sa lasa.
"Okay lang ba? Tama lang ang lasa?" nang ngumiti siya ay nakahinga ako ng maluwag.