At ng makarating ako sa harap ng pintuan namin ay agad ko itong binuksan at tumambad sa akin ang takot na takot na si Kuya Mattie habang nasa taas kumakapit sa pwedeng kapitan wag lang mahulog...
"Anong ginagawa mo dyan?" natatawang tanong ko sa kaniya
"Ma---ma--may ga--ga-gamba" takot niyang saad habang tinuturo ang gilid ng kama na may gagamba na nagdadala ng numero(Tapaytapay sa bisaya) na mas lalong nagpatawa sa akin
"Ba't takot na takot ka? Diba nangunguha ka nga ng mga malalaking gagamba na may mga yellow color at mas nakakatakot yun dahil malaki at parang mangangagat ha ha ha ha" natatawang takha kong tanong sakaniya
"Ei sa ayaw ko na ng mga gagamba ei!! " nakangusong asik nito sa akin
'At kailan pa sya natutung ngumuso? ' tanong ko sa aking isipian
"Tsk!! Bumaba ka na nga riyan!!hindi mo ba nakita na may mga laway-laway ng gagamba dyan? " saad ko
"Ay Puting ina" napasigaw na lamang ako dahil sa gulat
Napatakbo ako patungo kong saan sya nakasabit ng bigla na lamang syang napa iktad ng makita ang mga laway-laway sa taas niya
"Aray" daing ko ng maglanding sya sa akin at pareho kaming napa higa sa sahig.
Bali nasa taas ko siya at ako naman ay nasa ilalim nya kaya napa ka akward ng porma namin ngayun
Nagkatitigan kaming dalawa.
Malalalim ang mga tinginan namin na para bang inaalam niya ang takbo ng utak ko
Napalunok ako "Ang bigat mo kuya" pang iiba ko sa topic ng utak niya
"Ah" napabalik siya sa huwesyo at bigla bigla na lamang itinukod sa--sa ano ko yung pang ibabang parti ko ang kamay niya kaya natigilan na naman sya habang nanlalaki ang mata
Napalunok ulit ako habang tinitignan ang mga mata niyang nanlalaki
Biglang tumibok ng malakas ang aking puso marahil ay dahil ito sa kaba
"Kuya" pambabasag ko sa katahimikan
"Sorry" saad nito at dahan dahang itinataas ang kamay na nakahawak sa pang ibabang bahagi ko
Napa ka akward ng tinginan naming dalawa.
Tumayo ako mula sa pag kakahiga at saka pinagpagan ang aking damit
"Ahhh„l" napatingin ako kay Kuya Mattie ng sumigaw siya
Natawa nalamang ako ng makita ang takot niyang mukha.
Gumagapang na sakaniya ang gagamba kaya mas lalo siyang napa sigaw at napapikit nalamang siya sa takot
Lumapit ako sa kaniya at saka kinuha ang gagamba mula sa kaniyang benti
"Hi gagamba wag mo na ulit takutin ng ganon si Kuya Mattie ah? Nagiging bakla na sya hahaha" natatawang saad ko sa gagamba habang hinahawakan ito.
"Baka gusto mong ilayo sa akin yan? " natatawa ako sa ugali niya ngayun hindi tulad ng dati na pabalang kong sumagot
Pumunta ako malapit sa bentana at saka ito itinapon at isinigaw ang mga katagang "FLY!! FLY AWAY"
napatingin ako kay Kuya Mattie ng bigla na lamang itong tunawa
Maganda naman si Kuya Mattie tibo nga lang kong kumilos.
Ang problema lang talaga sa kniya ay hindi sya marunong mag ayos ng sarili at saka nakikipag-away rin sya sa mga siga sa kanto na para bang lalaki,mukha ngang mas lalaki pa sya kong kumilos sa akin ei
"Oh ano tinitingin tingin mo dyan" hay nako bumalik na naman sya sa pagiging siga kong mag salita
"Wala"
"Anong nangyari dito? " napatingin ako sa nagsalita
Nandito sila lahat sa harap namin ni Kuya Mattie nakiki ususyo
"May malaking gagamba" saad ko habang nakangisi at saka tinignan si Kuya Mattie na ngayun ay namumula na sa hiya
"Gagamba? natatakot ka sa gagamba? Hahaha ei diba ako nga yung tinatakot mo noon itinatakbo mo pa nga sa akin yang gagamba" natatawang saad ni Judith na noon ay kaaway ni Mattie ewan o nalang ngayun
"Manahimik kang gago ka" sinamaan ni Kuya Mattie ng tingin Si Judith ngunit hindi siyq nagpatinag,ngumisi ito sa harap ni Kuya Mattie
"Ilan nga ulit kaming tinakot mo noon? " nakangising tanong niya, nang-aasar
"Pwede bang manahimuk ka na lang dyang kupal ka?! " inis na tumayo si Kuya Mattie kaya hinawakan ko ang braso niya pinipigilan kong anong gagawin.
Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ko kaya mas linakasan ko pa ang hawak sa kaniyang braso
"Bitawan mo ako Darel" sabi nito sa akin may pagbabanta sa boses ngunit hindi ako nagpatinag
"Wag mo na lang silang pansinin Kuya,kita mo naman sigurong burol ni Nanay " sabi ko may pag mamaka-awa sa boses ko
"Palalagpasin ko tong ginawa mo sakin ngayun ngunit kapag ito'y iyo'ng inulit sisiguraduhin kong pati b*lb*l mo matatanggal" maraming natawa marami rin namang pinagsasabihan si Judith at si Aling Marta naman ay puro nalamang bunganga kay Kuya Mattie na para pang baril na ratatat ng ratatat
Mattie's POV
Hinawakan ko ang ulo ko ng bigla itong sumakit at saka umopo sa malapit na upuan
Lahat sila ay napatingin sa akin halatang nag-aalala ngunit hindi kona iyon pinansin pa.
Masyadong masakit ang aking ulo nahihilo ako parang lahat ng nasa paligid ko ay umiikot ang pandinig ko ay nag-iba parang may sumisigaw ng matulis at pinupuno nito ang aking tenga
"Kuya Mattie" naramdaman ko ang mga kamay na humahawak sa akin
Hindi ako makahinga na para bang may humaharang sa lalamunan ko
"Mattie" sari-sari ang mga naririnig ko
'Mattie'
'Kuya Mattie'
'Karma niya yan'
"Ahhhh" napasigaw ako sa mga naririnig
"Ang sakit" napaluha ako ng sumakit ulit ang ulo ko at mas malala ay mas masakit ito kesa sa kaninang sakit
~~~T o b e C o n t i n u e d
T h a n k s f o r r e a d i n g 💓💮
T h a n k s A g a i n m a r a m i n g H E A R T P A R A S A I N Y O 💓
BINABASA MO ANG
The CEO's Daughter
Teen Fiction>>>CONTINUATION <<< Sa unang pagkakataun ay naipanganak ang isang babaeng ubod ng liit hindi ito pangkaraniwan ngunit siya ay lumaking masigasig at malakas sa puder ng kaniyang nanay nanayan.Namatay naman ang kaniyang nanay nanayan noong siya ay lum...
