So ayun na nga andito na ako sa infirminary na punong puno ng matutulis na bagay.
Bakit ba kasi ganito ang infirminary nila?may mga matutulis na bagay, may mga nasa itaas pa na kapag tumayo ka matutusok ka, may mga wierd paintings din na nakalagay rito,hindi ko akalaing may desenyo pala ang infirminary nila.
At ako? Andito lang ako sa gilidan nakaupo habang naka hawak sa noo, na buburyo na ako rito gusto kong gumawa ng kalukuhan pero hindi ako makagalaw dahil sa mga matutulis na bagay rito.
Kung ako nga e masusunod e yung gagong teacher yung ipapasok ko dito tutal bagay naman siya dito.
“Labas ka na raw”napalingon ako sa may pintuan ng marinig ang boses ng isang lalaki.
Agad akong gumapang papunta sa may pintuan at saka lumabas.
Tinignan pa ako ng lalaking iyon bago nagsalita.
“Mabuti nga't yan lang ang inabot mo”napakunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon.
Anong ibig niyang sabihin? Na may mas malala pa rito?
“Pinagsasabi mo”
“Pumasok kana sa klase mo at baka makita ka pa ni Madam Olivia”sabi nito sa akin kaya naman ay naglakad na lamang ako papunta sa klasrom kong saan naroon ang punyetang teacher na iyon!!
“Mabuti naman at nakabalik kana Sit Down”hindi na lamang ako umimik matapos niyang magsalita at baka e ma balik nanaman ako sa infirminary.
Lumipas ng ilang oras ay uwian na kaya naman naisipan kong pumunta muna kay Hulk.
“Hulk! ”pagtawag ko sa kaniya matapos ko siyang makita sa tuktuk ng kahoy.
Nako naman! Hulk na nga siya naging unggoy pa.
“Mattie”agad siyang tumalon ng makita ako na sadyang ikinagulat ko.
“Hoy mataas!! ”gulat kong sigaw.
Labis ang tuwa ko ng makita siyang ligtas na nakababa mula sa itaas.
“Jusko po!”nagpapasalamat ako at walang nangyaring masama sa kaniya.
“Okay ka lang? ”alalang tanong ko sa kaniya ng makababa siya at agad ko na rin siyang hinawakan sa kamay na sadyang ikinadaloy ng kuryenti sa katawan ko kaya agad ko siyang nabitawan.
“Oi! Mattie? Okay ka lang?”tumango-tango ako bilang sagot.
“Tara sa loob”agad naman akong tumango.
Naglakad kami papunta roon at saka pumasok.
Namangha na lamang ako sa ganda ng bahay niya, ibang iba ito sa nakita ko kahapon na may mga basura pa sa mga sulok pero maganda parin.
“Inayos mo?”Nakangiting tanong ko sa kaniya.
“Oo,para sayo”nakangiting sabi nito labas pa yung dimple niya na nagpa ngiti sa akin.
Pamilyar ang galawan at pagngiti niya pero hindi ko man lang masabi-sabi!! Nasa dulo na ng dila ko e!! Hindi ko lang talaga mailabas!!
“Bakit?”bakit parang kilala na kita kahit na bago pa lamang tayong nagkita?
“Anong bakit?”nakangiti niya paring tanong sa akin.
“Bakit parang pamilyar ka sa akin?”hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa na tanungin siya.
Bigla naman siyang natigilan sa sinabi kong iyon na siyang ikina titig ko sa kaniya.
Ngumiti lamang siya at saka nagsalita.
“Upo ka”inalalayan niya pa ako sa aking pag-upo kaya naman ay napa-ngiti ako.
Napaka pamilyar talaga ng galawan mo hulk!bakit kasi hindi ko masabi? Nakaka bwiset na!!
“Dito na ako lumaki Mattie, baka magkamukha lang kami”sabi nito ngunit hindi ako satisfied sa sagot niya.
Bakit ba kasi hindi ko man lang ma-alala?
Ayshhh!! Yung utak ko!!! Nako po walang laman lakas ko pang pagsabihan iyong propesor na gago na iyon na mas matalino ako sa kaniya e hindi ko nga pala alam pano mag solve ng math problems.
Pati alala ko nawala ng dahil sa letsing utak na to!! Wala talagang laman kahit kailan!
“Baka nga”sinang-ayunan ko na lang siya dahil medyo masakit ang ulo ko.
Lalagnatin na ata ako nito tanginang yan oi!!
“Ano nga palang ginagawa mo rito?”tanong niya sa akin na ikinatingin ko sa kaniya.
Gusto kong sabihin na ‘Bakit? Hindi ba pwedeng dalawin iyong nakilala kung real life hulk?’ gusto kong matawa kung sasabihin ko man yun!!
HAHAHAHHA Masyadong corni pag sinabi ko yun!
“Wala lang naboboryo lang talaga ako at saka diba sabi ko sayo na pupunta ako rito para ma ramdaman mo naman na may makasama ka kahit na kaunting oras lang”sabi ko pa at saka humikab.
“Ina-antok kana baka gusto mo nang matulog”sabi nito sa akin pero umiling lamang ako.
“hindi pa wala pang oras”sabi ko pa rito at saka kami nagpatuloy sa pagkwekwentuhan at saka makalipas ng ilang minuto ay nagpa-alam na ako sa kaniya upang umuwi dahil malapit na ang oras ng curfew.
At simula nga sa araw na iyon ay taga uwian namin ay pumupunta ako sa bahay ni hulk upang bisitahin man lang siya.
Mas naging close pa nga rin kami sa isa't isa at mas nakilala kopa siya.
Minsan ay inaaya niya akong kumain pero dahil ay wala ng oras ay tumatanggi ako sa kaniya at nagpapa sensya rin dahil malapit na nga ang curfew noon. Minsan ay binibigyan niya rin ako ng shokolati na hindi ko ma tanggihan dahil paburito ko ang mga iyon lalong lalo na kapag mapait ito. Yung Tobleron e masarap talaga yung Hershey rin at yung iba pang mga natikman kong mga shomolati na sa 7/11 ko lang pinabili sa mga tropa ko dahil tamad talaga akong maglakad.Minsan pa nga ay pinagagalitan na ako nila Zione at Kudos pati na si Rafaela habang si Domino at Mike naman ay tahimik lamang na nakatingin sa amin habang nakikinig.
Gusto ko mang sagutin sila ay hindi ko magawa ng dahil sa dila kong naipit ata dahil puro na lamang katahimikan ang bumubou nito kapag kausap kona sila Rafaela.
Buti nalang talaga at hindi ako masiyadong madaldal pag dating sa mga taong nakikilala ko at baka masabit pa sila sa akin.
Ngunit isang gabi ay nasa daanan ako at ito'y curfew na kaya hindi ko maiwasang mapa tingin sa mga daan at mga sulok at baka ako'y atakihan na lang bigla ng kung sino sa likod ko.
Inihanda ko na rin ang sarili ko para sa daraan na problema o mang aataki sa akin kapag naka talikod ako.
“Babalik na daw si Mulak bukas”napalingon ako kung saan nang-galing ang boses na iyon.
Bukas na pala ang balik ng gagong pango na iyon! Ayst kainis!! Kapag talaga ginulo ulit ako nong putanginang Mulak na iyon puputulin ko talaga iyong pango niyang ilong para mawala na!!
“Tignan lang talaga natin kung ano nanaman ang gagawin nong kalukuhan doon sa babaeng transferee”at dahil sa narinig ko ang salitang transferee ay mas lalo pa akong nakinig.
Wala namang ibang babaeng transfere maliban sa amin ni Rafaela at ako lang din naman ang naka-away ni Mulak kaya kong hindi ako nagkakamali ay ako ang tinutukoy nila.
“H-HOY anong ginagawa mo diyan”napalingon ako sa biglaang sumigaw at nagulat na lamang ng makita kong gaano kalaki ang katawan nito.
~~To be continued
Hi please sorry sa pagsusulat ko ngayun dahil wala talaga ako sa mood sa pag suaulat dahil mi sakit ako right now pero pipilitin ko pong makapag update upang dumaos!!
•Happy 1.1kreads!!keep supporting po!!
Thank you po doon sa isa kong reader na palaging sumusupurta sa akin sana patuloy mo akong supurtahan
BINABASA MO ANG
The CEO's Daughter
Teen Fiction>>>CONTINUATION <<< Sa unang pagkakataun ay naipanganak ang isang babaeng ubod ng liit hindi ito pangkaraniwan ngunit siya ay lumaking masigasig at malakas sa puder ng kaniyang nanay nanayan.Namatay naman ang kaniyang nanay nanayan noong siya ay lum...