ISANG LINGGO matapos ang libing ng inay ay wala pa rin akong nakitang Mateo na parating nangungulit
Nakatulala ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng bahay
Wala akong magawa dahil wala naman akong trabaho o kahit na anong pwedeng gawin maliban nalang sa pakikipag-away
Bumuntong hininga ako at saka lumabas sa bahay namin at pumunta sa malapit na puno ng mangga at saka iyon inakyat
Mahilig akong umakyat kapag nalulungkot o wala akong magawa pero ngayun? Ewan ko nalang parang nalulungkot na hindi ko ma intindhihan
Siguro hindi pa ako nakaka move on sa libing ni nanay kaya ganito ako... Pero isang linggo na ang lumipas paanong hindi pa ako nakaka move on?
"Kuya" napa tingin ako sa baba ng marinig ang tawag ni Zach
"Oum? " patanong kong asik at saka dahan dahang bumaba
"Gutom na ako" saad niya habang hinahawakan ang kaniyang tiyan
"Wag ka mag-alala maghahanap ng trabaho si kuya" paninigurado ko sa kaniya at saka ginulo ang magulo niya na ngang buhok
Mahigit Dalawang araw narin kaming hindi kumakain kaya naman hindi ko masisising hindi niya na mapigilan pa ang gutom
Tumango na lamang siya at saka naglakad papuntang bahay
Bumuntong hininga ako at saka pumunta sa malayo layong tindahan upang mangutang
Medyo malayo ang tindahan kaya matagal bago ako makarating
"Ate pwede po bang pa utang? " magalang kong tanong sa tindera ng maka rating ako sa tindahan
Tinignan niya ako at saka ngumiti "Seguraduhin mo lang na babayaran mo" saad nito. Hindi ko alam kong nang iinsulto ba o naninigurado lang pero para sa akin ay na insulto ako doon dahil sa tono ng boses niya
"Oo naman" nangagalaiti kong asik,
Hindi ko hahayaan ang kahit na sino na insultuhin sino man sa amin
Ayaw kong magpaka plastic nagpapa katotoo lang ako
Mas maganda kong ipaparamdam mo sa kaniya kong ano ang nasa loob mo!! Hindi yung tatago tago ka nalang sa mga peke mong ngiti na pwede namang mabura sa oras na malaman niya
"Sardinas at Itlog " asik ko
Agad naman siyang kumuha ng Sardinas at itlog,bumalik siya sa harap ko at saka ngumisi
Kakaiba ang ngisi na iyo--
Madiin akong napapikit ng bigla na lamang tumama sa mukha ko ang itlog na hawak hawak niya
Pinipigilan ko ang sarili upang hindi ko ma sapak ang tinderang ito
Madiin kong pinunasan ang aking mukha gamit ang aking kamay
Tinignan ko ng madiin ang tinderang ito!!
Ano ba ang kasalanan ko sa kaniya at bigla bigla na lamang siyang mambabato ng itlog?!
"Bakit mo ginawa yon! " pinag diinan ko ang mga katagang lumabas sa aking bibig.
Nanggagalaiti na ako sa galit ngunit sadyang nag pipigil ako
"Titirahin mo mukha ko? Then segi para naman makulong ka" peke akong tumawa
Nagpapatawa ang babaeng ito!! Paano ako makukulong kong siya naman ang nauna
"Nagpapatawa ka ba?! " natatawang asik ko at saka linapitan ang mukha niya "Wag ka ring bobo Daniela!!gamitin mo yang utak mo!! Wag yang brain mo! " asik ko kaya natawa siya
BINABASA MO ANG
The CEO's Daughter
Teen Fiction>>>CONTINUATION <<< Sa unang pagkakataun ay naipanganak ang isang babaeng ubod ng liit hindi ito pangkaraniwan ngunit siya ay lumaking masigasig at malakas sa puder ng kaniyang nanay nanayan.Namatay naman ang kaniyang nanay nanayan noong siya ay lum...
