CHAPTER-11

109 8 0
                                    

"Kuya Mattie" napa balik ako sa huwesyo ng marinig ang boses ng kapatid ko

"Kaninong anak to? " tanong ko

'Napaka gandang bata!!pwede kona ba tong pakasalan? '

"Kay Aling Nina" napatango tango ako sa sagot niya

Hindi ako makapaniwalang may ganito kagandang anak si aling Nina gayong mukha syang unggoy

"Ilang taon kana? "

"9 po" abat swerte sixteen years old lang ako pitong taon lang ang agwat namin

"wag mo yang gustuhin kuya!! " inis na sabi ni Zach at saka inilagay sa likod niya ang batang babae kaya takha niyang tinignan ang kapatid ko

"Wag ka nga!! " inis kong sabi sa kaniya pilit denedepensahan ang sarili

"Tch!! Alam ko na yang mga titig mo kuya!!wag mo tuhugin tong si Alyse at baka ma suntok kita dyan"

"Segi nga!segi nga suntukin mo nga ako" pag hahamon ko sa kaniya

"Ayaw ko baka umiyak" pang-aasar niya sa akin

Nag make face lang ako at saka sila tinalikuran

Matindi ang tama ng kapatid ko sa batang yon ah at pati ako ay kakalabanin,matindi kang kupal ka

"Kailan ang libing ng nanay mo? " napatingin ako kay Aling Marta ng magtanong ito

"Sa susunod na linggo" sagot ko

Martes ngayun at malapit ng ilagay si nanay sa hukay

"Wag mo sanang masasa main Mattie pero?bakit ayaw mong itabi sa puntod ng tatay mo ang nanay mo? " ngumiti ako sa tanong niyang iyon ngunit mahahalata mo sa aking ngiti na pilit at mapait ang aking ngiti

"hindi sila nababagay na magtabi sa iisang lupa" saad ko at saka umalis sa harapan niya

Ayaw kong mag pa interview sa isang shismosang kagaya niya

DUMAAN ANG HUWEBIS ngunit wala akong nakitang ni Anino man lang ni Mateo

Nag-aalala na ako sa kaniya,hindi ako makatulog sa gabi dahil ni katiting na anino katawan niya ay wala akong nakita

Lalo na't wala ng nang-aasar at sumasama pa minsan minsan sa akin kapag naisipan kong magloko

"Asan ka na ba kasi" tanong ko sa sarili.
Nakahiga ako ngayun sa kama ng inay at pilit na pinapatulog ang sarili ngunit sa tuwing pipikit ako ay mukha agad ni Mateo ang bubungad sa akin.
Madaling araw na't hindi parin ako natutulog dahil sa kaka-isip kay Mateo

"Kuya? " napalingon ako sa aking likod ng maramdaman ko na may humahawak sa aking balikatan

"Oum? " sagot ko habang dahan-dahang hinaharap ang ka usap upang hindi magising ang tulog na tulog na si Zach

"Bakit hindi kapa natutulog? "

"At pano mo naman nalaman na hindi pa ako natutulog? " taas kilay kong tanong

"kanina pa ako hindi makatulog kaka Mateo mo dyan" nakangusong asik niya sa akin

"Binge!!ang sabi ko Mattie" depensa ko sa sarili kahit na huling huli na ako

"Wag ako ang anohin mo wais to oi wais" parang tangang bulong niya upang hindi marinig ng bunsong kapatid

"Oh tapos? ".walang gana kong tanong at saka inayos ang ipit ng buhok ko

"Siga ka? " tanong niya sa akin kaya tinignan ko sya ng walang emotion

"Hindi ako Siga" saad ko at agad naman siyang ngumisi "Maangas ako" ako naman ngayun ang ngumisi ng bigla na lamang nawala ang ngisi niya at napalitan ng nguso

"Kahit kailan talaga Amp. " inis niyang saad at saka inis na humiga

"Suko ka na niyan? " natatawang asik ko at saka umayos ng higa

"Hindi pa ako sumusuko..ina antok lang talaga ako" depensa nya habang nakanguso

"Wag kang ngumuso para kang bebe" natatawang asik ko at saka ipinikit ang mga mata

"Amp. " saad niya at makalipas ang ilang minuto ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako

KINABUKASAN Byirnes ng ala una ay may biglang dumating na sasakyan

"Condolences Mafee" tumango ako sa kaniya

"Salamat sa pag punta Tinay" saad ko kay Tinay na ngayun ay umasinso na sa kahirPan

"Kung inaakala mong ikaw ang ipinunta ko dito ay nagkakamali ka" mataray niyang saad at saka nag flip hair sa harap ko kaya naman ay may mga hibla pa ng buhok ang nakain ko

Nag-iba na siya...hindi naman siya ganiyan dati ah? Hindi naman siya mataray dati ah?

"Darelllll" halos lahat ng tao ay napatingin kay Tinay

Gusto nya pa rin ba ang kapatid ko ngayun? Kahut na dalawang taon ang agwat nila?

'Bakit? Ikaw din naman pumapatol sa bata at yung gusto mo ngayun ei 9 years old pa' sabi ng utak ko

Oo nga no? Parang tanga ei si Tinay at Darel ei dalawang taon lang ang agwat pero ako at itong batang si Alyse na gusto ng kapatid kong si Zach ei pitong tao ang agwat

"Diba sya yung kaibigan mo dati?" napa lingon ako kay aling Marta

Bakit ba ang hilig hilig sumulpot nitong shismosang to?

"Oo, pero parang nag-iba na siya ngayun" ayaw ko mang kausapin ang shismosang ito ay hindi ko mapigilang magsalita ukol sa aming dalawa ng kaibigan ko

"Pansin ko nga mas tumaray pa siya" saad ni Aling Marta at saka umopo sa malapit na upuan,
Sinundan ko siya at saka umopo rin sa harap niya

"Ewan ko ba pero parang nararamdaman ko na wala na akong papel sa buhay niya, na para bang isa na lamang akong hangin na dumaan sa buhay niya" saad ko,nasasaktan ako

"Wag mo nalang pansinin yun para naman malaman niya ang halaga mo" umiling-iling ako

"Hindi ko ka--hindi --hindi ko kaya" nabasag ang aking boses gusto kong lumuha ngunit ayaw kong ipakita sa kaharap ko na nanghihina ako

"Ang isipin mo nalang na isa lamang syang babaeng dumaan at nawala rin sa buhay mo... Ibaon mo sa limot ang pagkakaibigan niyo hayaan mo siyang mag hukay non... Malalaman niya rin sa tamang panahon ang halaga mo Mattie kaya wag kang manghinayang sa pinagsamahan niyo!! Inuulit ko Mattie...HAYAAN.MO.SYANG.MAGHUKAY.NG.PINAGSAMAHAN.NIYO" madiin at dahan dahan niyang sinabi ang mga huling kataga

May pakinabang din pala itong syesmosang ito

"Oo" at sa huling sa litang iyon ay napa luha na ako ng tuluyan ngunit pinahid ko agad iyon upang hindi ako nasabihan ng kaharap ko ng kong ano

~~~T o b e C o n t i n u e d

T h a n k s f o r r e a d i n g 💓💮
T h a n k s A g a i n m a r a m i n g H E A R T P A R A S A I N Y O 💓

The CEO's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon