CHAPTER-17

64 6 0
                                    

"Ah" mahinang daing ko

Ibinuka ko ang aking mata "Nasan ako? " tanong ko sa sarili

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at saka inilibot ang paningin sa boung lugar

Anong nangyari sa akin?

~~Flashback~~

Nandito ako ngayun sa computer shop at salamat may alagad na rin ni Satanas ang nagbigay sa aking ng sampung piso

Nag reresearch kasi ako patungkol don sa nangyari kanina-kanina lang

At yung numero na nasa gilid ng biktima ay talagang ma-iisip mo na isa iyong code hindi ko lang talaga malaman-laman dahil sa bobo ako sa mga numero

Phone Code:

I senearch ko ang katagang iyan sa google kong tawagin matalino kong tatanungin

Maraming lumabas pero isa lang ang kumuha ng atensyon ko

A-21
B-22
C-23
D-31
E-32
F-33
G-41
H-42
I-43
J-51
K-52
L-53
M-61
N-62
O-63
P-71
Q-72
R-73
S-74
T-81
U-82
V-83
W-91
X-92
Y-93
Z-94

Separator:01
Example:

423293
:Hey

Hindi ko maiitatanggi na matalino ang biktima dahil nagawa niya pang maglagay ng code bago mawakasan ang buhay niya

Kung ganon ang ibig sabihin ng code ma ito ay? 3132213241

Kong pag-hahanay hanayin ko sila ay ganito

31-32-21-32-41
D E A D G

kulang ang mga salita pero may mga simbolo naman

DEADG

hinawakan ko ang aking ulo ng bigla na lamang akong na-alala sa kanina

May iba pa iyong code!!!! Pero mababa ang opacity nito kaya hindi masyadong nakikita pero kitang-kita ko pero hindi ko iyon pinag tuonan ng pansin dahil alam ko namang wala lang iyon.
pero ngayun alam kona na may roon pala iyong koneksyon!! Kailangan ko lang talagang ma-alala ang code na iyon!!

Napa-baliwkas ako sa pag-kaka upo ng marinig ang isang malakas na kulog mula sa labas

Uulanin!! Hindi kailangan kong makita ang code na iyon!!

Agad kong tumayo sa kina-uupoan at saka mabilis na mabilis na lumabas

Nag-tutumakbo na ako dahil malapit ng bumuhos ang malakas na ulan

Pinahiran ko ang basang mukha ng bumuhos ang mahinang ulan na alam kong maya-maya lang ay lalakas na

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa bumuhos na nga ang malakas na ulan

Nakarating ako sa pinangyarihan ng krimin na basang-basa

Kahit na nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa tubig ng ulan ay pilit ko paring ina-aninag ang mga sulok ng lugar nato

The CEO's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon