“Kailangan nating unahin si Daniela!! siya ang pinakamagaling maglagay ng trap kaya kailangan natin siyang unahin para walang disgrasya” sabi ni Mike na tinanguan naman naming lahat
Nasa harap namin siya ngayun dahil nag didiscuss pa siya kong ano ang plano namin
Siya ang planner sa amin kumbaga Matalino sa mga plano
Isinulat niya sa sa white board ang pangalan ni Daniela
“Sa susunod naman ay ang kanang kamay ng dead G na hindi pa nakikilala kaya mag-ingat tayo at ang alam lang natin ay mas malakas siya kesa sa leader ng dead g” asik niya at saka nagsulat ulit ng pangalan
“Sa Usaping iyan ay kailangan naming maghanap ng impormasyon ni Susi” asik ni Rafaela na ngayun ay naka pandekwatro habang kumakain ng chips
Ipinatong ko ang mga paa sa mesa sa harap ko at saka sila tinignan lahat.
bali nasa likod nila akong lahat
“Kailangan nating gamitin ang mga tambak na computer sa budiga” saad ko at saka kinuha ang beer na nakahanda na para sa akin at saka iyon ininum
“Tulungan niyo kaming kunin ang mg computer don na pwede pang gamitin” asik ko at saka tumayo at nagpa-unang maglakad
“Ang susi”inilahad ko ang kamay kay Mike
Nasa kaniya ang susi nitong budiga kaya sa kaniya ko kinukuha
“Oh” ibinigay niya sa akin ang susi kaya agad kong itinalpak sa butas ng doorknob ang susi at saka ito binuksan
Kinapa ko ang switch at agad ko naman itong nakita dahil nasa gilid lang ito ng pinto
Pinindot ko ito at saka naman umilaw ang boung kwarto
Tumambad sa amin ang mga naka tambak na gadgets kagaya ng Laptop, selpon, computer,at iba pang magagamit namin sa pag iimbistiga.
“Maglinis kayo”
“Ano? ”
“What? no way!!”
“Bumaliktad man ang mundo hindi ako maglilinis!!”
“Sabi mo kukunin lang natin ang mga magagamit pang computer pero bakit kasama paglilinis? ”
Sinamaan ko silang lahat ng tingin bago pumasok sa loob
Kumuha ako ng mga walis at saka ko sila hinarap at saka itinapon isa-isa sa kanila ang mga walis
“mag walis kayo kong ayaw niyong kayo ang pagwawalisin ko pa alis sa grupo” pagbabanta ko sa kanila
“Sino bang may sabi na hindi kami magwawalis? ” sabi ni Kudos at saka nag umpisang mag walis
“And who the heck say ‘No Way?! ’” asik ni Zione at saka rin nah walis
Sunod-sunod din ang pagsasalita nila at pag-wawalis sa takot na baka mawala sila sa grupo na ito
Kumuha rin ako ng sarili kong walis at saka nagwalis ng payapa.
Makalipas ang dalawang oras ay agad naman kaming natapos
Nagsilapitan kami at saka humawak sa sari-sariling bewang habang humahangos
“Natapos rin ang king ina” asik ni Kudos at saka umopo dahil sa pagod
“First time in my life” ani Zione at sumunod sa pag-upo
“Taga pastel lang ako ngayun naman taga walis” asik naman ni Rafaela at saka din umopo
“Planner lang ako hindi taga walis” at saka umopo
BINABASA MO ANG
The CEO's Daughter
Teen Fiction>>>CONTINUATION <<< Sa unang pagkakataun ay naipanganak ang isang babaeng ubod ng liit hindi ito pangkaraniwan ngunit siya ay lumaking masigasig at malakas sa puder ng kaniyang nanay nanayan.Namatay naman ang kaniyang nanay nanayan noong siya ay lum...
