Agad kong tinakpan ang bibig ni Kudos at saka hinawakan ang kamay niya.
Bakit kasi napaka daldal ng isang to? Lagyan ko rin kaya ng scatch tape ang isang to? Para matahimik naman at hindi kami ma bulilyaso.
Pinigilan ko ang paghinga ko.Putangina ito na siguro ang huling pagkakataon ko para makita ang sinag ng araw,baka hindi na ako sinagan ng araw bukas tangina.
“Wala namang tao dito pre”dinig kong sabi ng isa kaya naman ay malaki ang pasasalamat ko.
Buti na lang talaga at hindi kami nakita rito kundi tigok na kami.
“M-Mattie”dinig kong natatakit na bulong ni Kudos sa likod ko pero hindi ko na ito pinag tuonan pa ng pansin.
“Manahimik ka Kudos kong ayaw mong mamatay tayo rito”mahina ngunit may diin kong sabi sa kaniya.
Agad akong napa buga ng hangin ng makitang papa layo na sila sa lugar kung saan kami naroroon.
“M-Mattie n-na-natatakot a-a-ako s-sa g-ga-gong t-to”utal-utal niyang sabi kaya naman ay liningun ko na siya.
“Putangina”agad akong napa singhap ng makita ang isang naka ngising lalaki.
Y**a mamatay na ang may mga ganitong mukha.
/*Died
Di jok lang HAHHA pero putangina!!
Nakatutyk ngayun ang bibig ng baril niya sa sintido ni Kudos.
Humigpit ang hawak ko sa kamay niya.
Ayaw kong m-mamatayan ng kaibigan,A-ayaw ko.
“Kung gusto mo pang mabuhay umalis kana at ibigay mo sa akin yang baril mo”pag-sisindak ko sa kaniga pero mukhang wa epek ata dahil sa ngisi niyang parang adik,nanlilisik pa yung mga mata niya, parang tanga naman to.
“Nagpapatawa ka Madam, ako?”itinuro niya pa ang sarili niya gamit ang kamay niyang may hawak ng baril. “Ibibigay tong baril sayo?aba'y baka ikaw pa ang mamatay”peke akong natawa sa sinabi niya.
Buti na lang talaga at umalis na iyong dakawang kanina lang ay hanap-hanap kami.
Bumuga ako ng hangin at saka dahan-dahang lumapit sa pangit niyang mukha.
Natigilan siya sa ginawa kong iyon kaya napangisi ako.
“Kung gusto mong maging matanda, umalis ka na rito”pagbabanta ko sa kaniya at saka dali-daling inagaw mula sa kamay niya ang baril at saka itinutuk sa kaniya.
Nanlalaki naman ang mga mata niyang naka tingin sa akin habang naka-taas pa ang mga kamay.
Ngumisi ako sa harapan niya at saka pabirong ginalaw ang kamay ko.
“Wag niyo po akong patayin, may pamilya ako at hinihintay nila ako roon”napa-irap ako sa hangin dahil sa ka plastikan ng lalaking ito, may pa luhod-lohud pa talaga siyang nalalaman para mas epektibo pero sa akin? Imposibli-imposibling maawa ako sa kaniya!
May pa ngisi-ngisi pa siyang nalalaman kanina tapos ngayun nag papa-awa siya? Ano siya gold? Pwes kong gold siya Diamond ako.
“Umalis ka na,itikom mo yang bibig mo kong ayaw mong pasabugin ko yan sa malayuan”Pasalamat ka at medyo mabait ako ngayun.
“O-opo opo”takot na takot naman siyang umalis sa harapan ko habang linilingon pa ako.
'Wala siguro siyang tiwala sa akin, baka akala niya babarilin ko siya patalikod? Pero hindi, hindi ako naglalaro ng patalikod, hindi ako tumitira ng patalikod.'
Agad akong bumuntong hininga at saka linuwagan ang pagkaka-hawak ng kamay ni Kudos.
“Buti at hindi mo tinuluyan”nakangiting sabi niya sa akin.
Tipid lamang akong ngumiti at saka siya hinila ng dahan-dahan papunta sa kabilang pagtataguan kong saan sampung mitros nalang ang layo ay mapupuntahan na namin ang pintuan ng aming pagtakas.
Tinignan ko muna ang paligid at ng masiguro kong wala ng masyadong tao ay agad akong tumakbo papunta sa kabilang pag tataguan pero sa hindi ina-asahan ay natumba ako.
Hindi dahil tanga ko kundi dahil sa isang putanginang putok ng baril na tumama sa may paa at tiyan ko.
“M-Mattie”
Mattie
Mattie
Mattie
Pa-ulit ulit ang naririnig ko, parang nag-eecho sa pandinig ko ang pagsigaw ni Kudos.
Lumalabo ang paningin ko pero sinubukan ko paring hindi maka tulog.
Pa tuloy na nag-eecho sa pandinig ko ang boses ni Kudos.
Linalabanan ko ang sakit na nadarama ko sa ngayun.
Pumikit ako ng hindi para sumuko, pumikit ako para pigilan ang sariling maka tulog.
“Aghhh”agad akong napasigaw sa sakit ng maramdaman ko na naman ang isang bala na tumama sa may balikatan ko.
Naka-hawak lang ako sa may tiyanan ko, masakit, subra parang kukunin na ang kalukuwa ko.
Ibinuka ko ang mga mata ko at doun ko lamang nakita si Kudos, nakahandusay habang punong-puno ng dugo ang mukha.
Napapa-iyak ako.
Huli ko na lamang na laman na pinag tutulungan na pala akong bigbugin ng kung sino.
Wala akong nararamdamang kahit na ano, namanhid na ata ako.
“Mattie,okay ka na ba”Agad kung binuksan ang mga mata ko sa panaginip na iyon.
Panaginip nga lang ba iyon? Agad kong nilibot ang paningin ko, hinahanap ko kong nasaan si Kudos pero wala akong nakita kaya nagtanong na ako sa kanila.
“Si Kudos?”tanong ko.
Agad naman silang nag-tinginan na lahat.
Kinakabahan ako.
“Masama Mattie......masama kanina pa siya tulog, prinoktektahan ka niya Mattie”naramdama ko ang isang butil ng luha na tumulo mula sa mata ko.
“Asan siya”pinahid ko ka-agad ang luhang dumaloy sa pisngi ko.
“Nasa kabilang kwarto”agad akong bumangon.
“Saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling Mattie”tutol ka agad ni Rafaela sa akin.
“Okay lang ako? Okay? Walang masakit sa akin”nakangiting sabi ko.
“Sigurado ka?”
“Oo naman!! Mas malakas pa kaya ako sa kalabaw”nakangiting asik ko.
Dumapo ang tingin ko kay Zione na naka tingin lamang sa akin, agad kong iniwas ang paningin ko at itinuon nalang sa sahig.
Kung tatapak ako sasakit ang paa ko? Pero..... Aish!! Wag na nga lang bahala na to, gusto ko lang namna makita si Kudos
Agad kong itinapak ang paa ko sa sahig na nagpa sigaw ng utak ko.
Putangina!! Muntik na akong mapasigaw!!
Kahit na masakit ay pikit kong nilalakad ang pintuan.
Nagsalubong pa ang paningin namin ni Zione.
BINABASA MO ANG
The CEO's Daughter
Ficção Adolescente>>>CONTINUATION <<< Sa unang pagkakataun ay naipanganak ang isang babaeng ubod ng liit hindi ito pangkaraniwan ngunit siya ay lumaking masigasig at malakas sa puder ng kaniyang nanay nanayan.Namatay naman ang kaniyang nanay nanayan noong siya ay lum...
