CHAPTER-56

30 2 0
                                        

Kinagat ko amg pang-ibabang labi ko matapos niyang kunin mula sa bulsa niya ang isang terador.

Wag mong sabihing titiradorin ako ng gagong to?

“Umalis ka na rito”pagkasabing-pagkasabi niya pa lang ng mga katagang iyon ay Awtomatikong gumalaw ang mga benti ko papalayo sa lugar na iyon ngunit hindi pa man ako na kakalayo ay naramdaman kona agad ang isang maliit na bagay na tumama sa benti ko.

“Putangina”

Agad akong natumba dahil sa mismong benti ako tinirador nong lalaking iyon.

Agad kung hinawakan ang benti ko at saka iyon hinilod ng kaunti.

Natanaw ko kaagad ang bulto niya na siyang ikinasama ng timpla ng mukha ko.

Putangina niya!!pag lumapit ka talaga sa aking putangina ka ipapalapa talaga kita sa anakonda ko.

Punyeta mo!! Pagtalaga ipapa-ubos talaga kitang putangina ka!!

“A-aray”hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya.

Nakahawak na siya ngayun sa panga ko habang ako naman ay iniinda parin ang sakit na nadarama sa benti.

Anong ginagawa mo sa may tambayan namin”tanong nito sa akin na nagpa hinto ng pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.

B-bakit?sila lang ba ang pwedeng pumunta sa tambayan nila?

“Sumagot ka”hindi parin ako nag salita kahit na ano pang higpit niya sa panga ko.

Nasasaktan na ako kaya naman ay dahan-dahan kong ginalaw ang kamay ko at pilit na kumakawala sa mga hawak niya.

Kita ko ang pang lilisik ng mga mata niya na siyang ikina agaw ng hininga ko.

A-ang m-mga m-mata n-niya p-parang.......

....... Parang nakita kona noon.

“S-sino k-kaba”kahit na masakit ang panga ko ay pilit kong magsalita.

May pagka matanda na ang lalaking ito siguro ay nasa mga 30's na siya.

“Ikaw bakit ka nandito”napapikit na lamang ako sa baho ng hininga niya putanginang yan ang baho! Parang patay ang pu*a.

“A-aray”napa-aray na lamang ako matapos niya akong itulak ng napakalakas na siyang ikinasakit ng pwet ko.

Punyeta sarap suntukin ng gagong to!

“Umalis kana bago kapa makita ng mga kasamahan ko”napatingin ako sakaniya.

Seryoso ba sya? Hindi niya talaga ako sasaktan ng malala?

“S-salamat”kahit na medyo galit ako sa kaniya ay gusto ko pa ring mag pasalamat at pinapatakas niya ako.

P-p-pero baka tirahin nanaman ako nito ng tirador.

Agad akong bumangon at saka siya sinikmuraan na siyang ikina mura niya ng malutong.

Agad akong tumakbo kahit na masakit pa ang benti ko ay pilit pa rin akong tumakbo para lang maka layo sa lugar na iyon.

Ngunit hindi pa man ako napapalayo ay narinig ko na agad ang pagsigaw niya ng pagtawag sa mga kasamahan niya na siyang nagpa tibok ng puso ko.

Puta!!! Hahabulin nanaman ata ako ng mga baliw nito tanginang yan kingina tangina!! Matapilok sana kayo.

“TIGIL!”Dinig ko ang malakas na pagsigaw ng isang lalaki na nagpa karera sa puso ko.

“Nek-nek mo”hindi ko alam kong bakit 'nek-nek mo' ang sasabihin kapag may humahabol at pinapatigil ka.

At saka sinong tanga naman ang hihinto kapag hinahabol ka ng mga asong ulol.

Napa irap na lamang ako sa hangin ng marinig ulit ang sigaw nong lalaki.

Bobo ba siya o tanga? O baka naman Bonga? Bobong tanga.

Patuloy ako sa pag takbo hanggang sa maka rating ako sa dorm namin kaya agad akong kumatok pero dumaan ang ilang segundo ay wala paring nagbubukas ng pinto paparating na rin iyong mga humahabol sa akin kaya na isipan ko nang pumunta sa likod at saka humanap ng puno at saka umakyat roon.

Kahit na masakit ang benti ko ay nakaya ko pa ring umakyat.

“Kanina pa ako naghahanap kay Mattie wala pa rin siya”napalingon ako sa likoran ko ng marinig ang nagsalita.

Si Rafaela

Bababa na sana ako ngunit nakita ko sa hindi kalayuan ang nga humahabol sa akin papunta sila ngayun rito sa likod ng dorm namin na nagpatibok ng puso ko.

Sila Rafaela.

“Raf”mahinang pag-tawag ko rito pero parang wala man lang silang narinig dahil patuloy lang sila sa paglalakad papunta sa harapan ng dorm.

Patuloy ko silang tinatawag hanggang sa magkasalubong na sila ng mga humahabol sa akin.

Nagkatitigan silang lahat.

Kung mag rarambulan sila ay talagang talo sila ni Rafaela dahil 10 ang kalaban at lima lang sila kaya naman ay bumaba na ako at saka pumunta sa gitna nila Rafaela na pina gigitnaan nila Kudos At Zione.

Nagkatitigan kaming lahat.

Hindi ko maiwasang iiwas ang paningin ko sa mga naka harap namin.

Sa mga tindig at yabang ng pustura nila ay hindi ako nagkakamali na mabaho na rin ang mga pangalan nila dito sa eskwelahan na ito.

Sa tagal ko sa eskwelahan na iyo ay ngayun ko lang sila nakita dahil siguro ay taga gabi lang sila kung kumabas o ano pa man.

“Mga bata, umatras na lang kayo bago pa kayo maupakan”nag-init ang ulo ko sa sinabi niyang iyon.

Mga bata? Gagi ba siya? E kung suntukin ko kaya yang nguso mo magkatimpla naman.

Sarap mong ingudngud sa lupa tangina mo.

“E kung suntukin kaya kita dyan”hinawakan ko si Kudos sa braso niya ng subukan niyang lumapit sa mga iyon.

Kailangan niya munang pigilan ang sarili niya.

“Ang tapang ah HAHAHA”Natatawang sabi ng nasa harapan ko na siyang sinundan naman ng mga kasamahan niya na siyang ikina kulo ng dugo ko.

Pinigilan ko ang sarliing manapak na lang bigla.

“Mi Lady”naramdaman ko ang paghawak ni Zione sa kamay ko ngunit ang ikina gulat ko ay pinag tiklop niya ang mga kamay namin.

Napatingin ako sa kaniya ngunit naka tingin lang siya sa harapan.

Pilit kong kinakawala ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero hinihigpitan niya lang ito lalo.

Nakukuryenti ako sa tuwing hinahawakan niya ako hindi katulad ng kay hulk dahil talagang may kuyenti naman talagang nakakabit noon sa kaniya kaya ako na kuryenti yawa.

“Z-Zione”hindi man lang siya tumingin sa akin.

Nakatitig lang siya sa kaharap namin.

~~To be continued

Kulitin niyo ako please

The CEO's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon