CHAPTER-12

87 7 0
                                    

LINGGO ng gabi naka mulat parin ako hindi ako makatulog dahil hindi ko parin nakakalimutan ang usapan namin ni Aling Marta noong byirnes

"Ang isipin mo nalang na isa lamang syang babaeng dumaan at nawala rin sa buhay mo... Ibaon mo sa limot ang pagkakaibigan niyo hayaan mo siyang mag hukay non... Malalaman niya rin sa tamang panahon ang halaga mo Mattie kaya wag kang manghinayang sa pinagsamahan niyo!! Inuulit ko Mattie...HAYAAN.MO.SYANG.MAGHUKAY.NG.PINAGSAMAHAN.NIYO"

Muling nagbalik sa aking pandinig ang mga katagang sinabi ni Aling Marta

Bumuntong hininga ako at saka pinilit ang sarili na matulog..

KINABUKASAN nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama galing sa isang maliit na butas ng aming bubung

Inis akong bumangon at tinignan ang mga kapatid kong mahimbing pang natutulog

"Mapait na Morning para sa inyo" saad ko at saka itinali ang mahaba kong buhok

Pumunta rin ako sa lamesa namin at kumuha ng tubig nq maiinum

"Napaka pait ng morning" saad ko habang ibinababa ang hawak na baso

Lumabas ako mula sa bahay at saka pumunta sa likod ng bahay at pumasok sa paliguan

"Kunang putragis" saad ko ng makitang walang laman ang baldi na naririto

"Bakit ba napaka pangit ng umaga ngayun?" inis kong kinuha ang baldi at saka pumunta sa igibanan ng tubig

"Pa igib po akong Mang Berting" magalang kong sabi sa nagbabantay ng igiban

"Segi lang Mattie" Saad nito sa akin kaya agad akong nag igib

Agad ko naman itong kinuha ng mapuno na at saka dinala sa paliguan

Pinahid ko ang tagaktak kong pawis ng makarating sa paliguan

"Napaka bigat naman nito tapos kukuha pa ako nang-isa kapagod!!" saad ko

"Gisingin ko kaya si Darel at sya na lang pag igibin ko? " bulong kong tanong

"Ako na lang " saad ko at saka inipon sa drum ang tubig na na igib

Bumalik agad ako sa igiban ng pawis at gaya ng kanina ay tagktak parin ang pawis ko ng bumalik

Pa-ulit ulit akong nag igib,paulit ulit rin ang pag tagaktak ng pawis hanggang sa Napuno rin ang Drum

"Wew natapos rin" saad ko at saka tinignan kong kompleto naba ang gagamitin kong panligo

Head N shoulder na blue check
Bioderm na blue check

At ng ma check kona ang gamut panligo ay agad akong nagbuhos ng tubig sa katawan

"Wo hohowo" saad ko dahil sa lamig ng tubig

Nagbuhos ulit ako sa katawan at saka nagsabon at nag shampoo

Makalipas ng ilang minuto ay natapos na ako,kinuha ko ang tuwalya na naka sabit sa pintuan ng paliguan at saka tinuyo ang sarili

Bago lumabas ay nag tapis muna ako.
Pumunta ako papunta sa pintuan sa likod ng bahay namin at saka pumasok

Pumunta ako sa may tabil na kortena at saka kumuha ng damit

Jeans na kulay black at saka black na maluwag na T-shirt

Agad ko itong isinout at saka lumabas

"Gising na pala kayo" saad ko ng makita silang mukat na mukat na mula sa higaan

The CEO's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon