Pumasok kami sa loob ng kuwarto ni Auntie.Inilock niya ang pinto.
"Now tell me..what's bothering you?"tanong ni Auntie sa akin.
Umupo ako sa kama..si Auntie nakatayo ito habang nakapameywang.
"Lola Dolores gave me a ring bago siya namatay."pasimula ko.
"Can i see that ring?"."sabi nito...umupo na rin ito sa kama sa tabi ko..magkaharapan na kami.
Pinakita ko sa kanya ang singsing sa daliri ko.
Hinawakan niya ang daliri ko at kinapa nito ang singsing.
"It was beautiful."mangha nito."pamana sayo ng lola mo?"
Tumango ako.
"Ngayon..anong problema mo?"tanong nito.
"Nagbilin sa akin si Lola Dolores ng huwag ko raw ibibigay itong singsing sa may ari dahil kukunin daw ito.Nagtanong ako sino ba ang may ari ? Sabi niya nandito na raw eh wala naman akong nakikita.Hanggang sa nanginig at nangisay si Lola at namatay ito at that time."explain ko.
"And then..what?"tanong ni Auntie.
"Pagkatapos nun may bumulong sa akin na boses babae...ang sabi ako naman daw ang isusunod niya.Hindi ko yun pinansin pero nung paalis na kami sa Kalye Malihis may nakita akong nakaputing babae na ang tingin sa akin ay galit na galit."
"Hindi kaya siya ang may ari ng singsing ?"tanong ni Auntie.
"Maybe..siguro nga Auntie."sabi ko.
"Ilang beses nagpapakita sayo yung babaeng nakaputi?"tanong nito.
"Maraming beses na po..lagi pong inaagnas ang mukha nito."
"Meaning patay na ang may ari ng singsing na yan.!" gulat na reaksyon ni Auntie."that is weird !"
Hindi ko alam kung iiling ako o tatango.
"Isang gabi nanaginip ako sa isang batang babae ..I remember Helen ang name niya.Kinuha daw ng isang matandang babae ang manika nito at ibinigay dun sa apo..sabi ko kunin natin dun sa matandang babae ang manika pero ang sabi niya pinatay niya na raw ito...Si Lola Dolores ang matandang babae at ako yung apo."patuloy ko.
"Baligtad ang panaginip iha..singsing ang hinahanap ng bata..at ang pinatay ay hindi kayo ni Mother Dolores kundi iba."explain ni Auntie.
"Eh sino ang papatayin dun sa panaginip ko?"tanong ko.
Umiling si Auntie.Nakakunot ang noo nito nang magsalita ulit.
"Pero papaano napunta sa lola mo yang singsing ?"takang tanong sa akin ni Auntie.
"Ewan ko po."sagot ko.
"Ninakaw ng lola mo yang singsing sa patay !"reaction ni Auntie...gulat ito.
Umiling ako.
"Imposible naman yata yung Divina..hindi naman nanakawin ng lola mo yang singsing."nagkibit balikat pa ito."at sa patay pa nanggaling."
"I don't know Auntie."umiling pa rin ako.
"Kailangan malaman ng Daddy mo ito."nasabi na lang nito.
Nang kumalabog ang pinto ng kuwarto.
Nagkagulatan kaming dalawa.
Nagkatinginan.
"Hindi kaya ang babaeng nakaputi yan ?"tanong sa akin ni Auntie.
"Hindi ko po alam ."nanginginig ang boses ko sa takot.
Kumalabog ulit ang pinto.
Parehas kaming takot ni Auntie.
Dahan dahan lumapit si Auntie sa pinto ng kuwarto.
Pumikit na ako.Nag face palm ako.
Alam ko dahan dahan binubuksan ni Auntie ang pinto ng kuwarto.
Pag bukas ng pinto..malaking boses ang narinig ko.
"Bakit antagal ninyong buksan ang pinto?!"
Si Daddy !
Natuwa ako. Narelieve si Auntie.
"O..bakit ganyan ang mga hitsura ninyo ?"tanong nito.
BINABASA MO ANG
Ang Pamana (Completed)
HorrorIsang singsing ang ibinigay ng lola ni Divina bago ito nalagutan ng hininga..isang singsing na akala niya ay isang kayamanan ay LAGIM at HILAKBOT ang dala......!