Dumalaw ako sa burol ni Elise.Kasama ko si Auntie Sophia.Medyo kakaunti pa lang ang mga tao sa chapel.Naupo sa mahabang bangko si Auntie Sophia.Nandoon ang Mama at Papa ni Elise sa harap ng pinagburulan nito.Lumapit ako.Nagpaiwan si Auntie.
"Condolence po."sabi ko habang hawak ko ang kanang kamay ng magulang ng best friend ko.
Nakita ko nangingilid ang luha ng Mama nito."Wala na ang best friend mo iha..pinatay siya."at tuluyan na itong napaiyak.
Napatango ako.
"Napakawalanghiya ng pumatay sa kanya !"sigaw nito."Nagawa niyang laslasin ang leeg ng anak ko !"
Tahimik ako.
"May kilala ka bang kaaway ng anak ko?"tanong nito ."Nagawa din niyang patayin ang boyfriend ni Elise at ang katulong namin."dagdag pa nito.
Sumagot ako.Umiling iling."Wala po."
"Sabi ng witness may isang babae daw na nagpunta sa bahay.Naririnig daw nila na nagsisigaw ang anak ko.Nagmamakaawa."
Kinabahan ako.Tahimik pa rin akong nakikinig.
"Pagka alis ng babae tumahimik na raw sa loob ng bahay.Pumasok ang witness sa loob at nadatnan niyang patay na lahat ng tao sa bahay."patuloy nito.
Nanginig ako.Nangatog ang tuhod ko.Ibig sabihin may nakakita sa akin nung pag alis ko sa bahay nina Elise sa isip isip ko.Ako pa yata ang magiging prime suspect.
"Naidescribe ba ng witness ang hitsura ng babae ?"tanong ko.
"Hindi iha.Ang sabi ng witness madilim daw nung lumabas sa bahay ang babae kaya hindi niya ito maidescribe mabuti sa mga police."sagot nito.
Nakahinga ako ng maluwag.
Tumayo ako at lumapit sa kabaong ni Elise.
Hinawak hawakan ko ang salamin nito.
"Sorry Elise..my best friend..pati ikaw nadamay sa mga nangyayari sa akin."bulong ko.
Lumapit sa akin ang Mama ni Elise.Hinaplos haplos ang likod ko.Niyakap ko ito.
"Aalis na po kami."paalam ko.
Tumango ito.
Tumayo na si Auntie Sophia nung lumapit ako sa kanya .
"Condolence po ulit."sabi ko sa mga magulang ni Elise at naglakad na kaming dalawa ni Auntie Sophia palabas ng chapel .Tinanawan lang kami ng tingin nito.
Isang sulyap pa sa mga magulang ni Elise.Bumulong ako ."Kung alam lang ninyo kung sino ang pumatay sa anak ninyo."at tumalikod na ako.
Sunod namin pinuntahan ni Auntie Sophia ang burol ni Gabriel.Nandoon si Troy.
"Condolence."sabi ko.
Nagpaiwan si Auntie Sophia doon sa may bandang likod ng chapel.
"Thank you.Grabe ang ginawang pagpatay sa pinsan ko Divina pati na rin kay Elise."sabi nito.
Tumango tango ako.
"Maraming saksak sa likod ang nakuha ng pinsan ko..16 stabs."balita nito."tapos si Elise nilaslas ang leeg."
Tahimik lang ako.
"Mukhang sobra ang galit ng gumawa nito sa kanila.Ang sabi ng witness babae daw ang gumawa nito.Ang sabi ng mga police maaaring selos daw ang dahilan kaya nagawang patayin ng babae ang pinsan ko at ang best friend mo.May kilala ka bang nakaaway ng best friend mo at pinsan ko?"tanong nito.
Umiling iling ako.
Sa isip ko kung alam mo lang kung sino ang pumatay sa pinsan mo Troy.
Tumahimik ako.
"Are you okay ?"tanong nito nasa tono ang pag alala."Tahimik ka lang at wala kang kibo."
Sumagot ako."Hindi kasi ako makapaniwala na patay na ang bestfriend ko at si Gabriel."pagsisinungaling ko.
For the first time niyakap ako ni Troy.Nagsalita ito."Malalaman din natin kung sino ang gumawa ng krimen.Mabibigyan din sila ng hustisya."
Kung alam mo lang Troy...Kung alam mo lang.
Nagpaalam na ako kay Troy na aalis na kami at pinakilala ko siya kay Auntie nang ihatid niya kami palabas.
Umalis na kami ni Auntie Sophia sa chapel.
BINABASA MO ANG
Ang Pamana (Completed)
HorrorIsang singsing ang ibinigay ng lola ni Divina bago ito nalagutan ng hininga..isang singsing na akala niya ay isang kayamanan ay LAGIM at HILAKBOT ang dala......!