Part 27 Ang Pagluluksa

4K 80 4
                                    

Nasa harap ako ng kabaong ngayon ni Auntie.Umiiyak.Halos parang talon na nag uunahan sa pag agos ang aking mga luha.Parang gusto kong mag sisi dahil pati si Auntie dinamay ng babaeng nakaputi.Ito sana ang magiging kakampi ko.Pero pinatay din ito.

Maraming tao ngayon sa chapel na pinagburulan ni Auntie.Karamihan ay mga kasama ni Dad sa opisina at mga kaibigan at kakilala ni Auntie.Nandito din si Troy.

"Condolence."sabi nito.

"Thank you."sabi ko.Naglakad kami palabas ng chapel.

"Nabalitaan ko ang nangyari."

"It was an accident.Nahulog siya sa hagdanan at nabagok ang ulo ni Auntie."Pagsisinungaling ko.Hindi ko sinabi kung ano talaga ang dahilan.

"So..kayo na lang ni Daddy mo ang magkasama ngayon."sabi nito.

Naiiyak na naman ako.Tumango ako.

Nataranta si Troy."I'm sorry for that."

"I'm okay.I'm fine."kinumpas ko ang isang kamay ko.

Nasa labas ng chapel na kami ni Troy ngayon.Nagpapahangin sa labas.May mga bagong bisitang dumadating.Kinakamayan at nagsasabi ng condolences sa akin.

"Anong plano mo pagkatapos nito ?"tanong ni Troy.

"Magkoconcentrate na lang siguro ako sa mga studies ko.Lilibangin ko na lang ang sarili ko.Wala na si Elise.Pati na rin si Auntie ."

"But I'm here."sabi nito tinuro niya ang sarili."I'm here right by your side."

Ngumiti ako.

"Di ba sabi mo I'm your friend."kinumpas nito ang kamay nito."No.I'm not your friend..I am now your best friend starting right now."

Napatawa na ako.

"Talaga ?"tanong ko.

"Yup !"

"Kaya mo akong ipagtanggol kahit kanino ?"tanong ko.

"Oo !"sagot nito .

"Kahit pa sa multo !"sabi ko.

Nagulat ito.Napakunot ang noo.

"Ghost !" Nasambit nito.

"Oo ! Ghost !Multo !"sabi ko."Bakit ?"

"Are you kidding me ?"tanong nito.

"Ay wala ka na friend.Sabi mo best friend mo ako..ipagtatanggol mo ako sa multo."sabi ko.

Napatawa ito ng malakas.Napalingon sa amin ang mga tao.

Kumumpas ang isang kamay nito."Sorry po !"sabay ngiti.

"Bakit naman sa multo ?Takot din kaya ako dun."patuloy nito.

Sumeryoso ang mukha ko.

"Puwede sa iba na lang kita ipagtanggol ?Puwede naman sa mga holdaper,sa mga rapist o sa snatcher..huwag naman sa multo friend."bawi nito.

"Ewan ko sayo !"tumalikod na ako.Papasok na ako sa loob ng chapel ng hinablot niya kamay ko.

"Ano ba ?!"sabi ko.

"Sige na.Payag na ako.Ipagtatanggol kita kahit na sa multo !"sabi nito.

Napangiti ako."Promise !"

Napangiti na rin ito."Promise !"

Sabay na kaming pumasok sa loob ng chapel.

Ang Pamana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon