Part 32 Ang Paghaharap

3.8K 96 3
                                    

             Nagising na lang ako na puro puti ang nakikita ko.Nanglalabo ang paningin ko.Naaaninag ko ang puting kisame at puting kurtina at isang matandang babae.Napakislot ako.

          "Mam  salamat sa Diyos at nagising na kayo !"narinig kong sabi ko ng isang boses matanda.

           Kumislot ulit ako.

          "Mam mabuti naman at nagkamalay na kayo !"dagdag pa nito.

         Pumikit ako pagkatapos dumilat ulit ako.Unti unting nagliliwanag ang paningin ko.Puro puti nga ang nakikita ko.Puting kisame at puting kurtina at isang matandang babae.Nakilala ko na ito kung sino.Si Aling Maring ! Nasa hospital ako at nakakabit ang dextrose sa braso ko.

        Tumitig ako sa kanya.Hindi ako makapagsalita.

        "Mam..okey na po ba pakiramdam ninyo ?"tanong nito.

        Pinipilit kong magsalita."Nasaan ang Daddy ?"mahina ang boses na lumalabas sa bibig ko.

       "Nakaburol na po ang Daddy ninyo Mam.Ikinalulungkot ko po na namatay na ang Daddy ninyo nang dahil sa aksidenteng nangyari sa inyo."

        Napaiyak ako.

       "Mam si Lola Henia nyo na po ang nag aasikaso sa burol ng Daddy ninyo."

       "Ilang araw na ako dito ?"tanong ko.

       "Mag iisang linggo na po.Nagsasalitan lang po kaming nagbabantay sa inyo ni Manang Tonya."sagot nito.

        Pinilit kong tumayo pero nakaramdam ako ng kirot sa binti ko.Sinilip ko ito.Nakabenda ang kaliwang binti ko.

        "Mam huwag po muna kayong tatayo kung hindi  ninyo pa kaya."sabi ng matanda.

        "Gusto ko ng lumabas dito.Gusto kong makita ang Daddy."sabi ko.

        "Ang doktor po ninyo ang puwedeng magsabi sa inyo kung kailan kayo lalabas dito."katwiran nito.

        Nang may kumatok ng pinto.Napalingon kaming dalawa ni Aling Maring.Bumulaga sa pinto ang isang nurse.

        "Good morning mam.. check  up ko lang po yung pasyente ."sabi nito.

         Tumango si  Aling Maring.Nakatitig ako sa nurse na nag checheck up sa akin.

        "Check ko lang po yung blood pressure nyo  mam."paalam nito at inangat niya ang braso ko nang natigilan ito.Nakatitig ito sa singsing na suot ko.

         "Bakit miss?"tanong ko.

         "Pamilyar sa akin ang singsing na yan miss ? Sinong nagbigay nyan sayo ?"tanong nito.

         "Ang lola ko.Pamana niya sa akin."paliwanag ko."Bakit miss ?May alam ka ba sa singsing na ito ?"tanong ko.

         Tumango ito."Kilala ko ang may ari ng singsing na yan  miss."sagot nito.

         "Sino ?"tanong ko.Nakakunot na ang noo ko.

         "Best friend ko miss at Helen ang pangalan niya."paliwanag nito."May mga nangyari na ba sa inyong hindi maganda miss ?"tanong nito.

        Tumango ako."Marami.Namatay ang bestfriend ko ang auntie ko at ngayon ang Daddy."

        "Nasalin sayo ang sumpa ni Helen !"sambit nito.

        "Nasaan na si Helen at anong sumpa ?"tanong ko.Nagtataka ako sa mga sinasabi at tinatanong ng nurse.

        "Patay na si Helen."sagot nito.

         Nagulat ako."Ibig sabihin siya ang babaeng nakaputi na nakikita ko ?!"takang tanong ko.

         Nakikinig at nakatingin lang sa amin si Aling Maring.

        Tumango ang nurse."Matagal nang patay ang may ari ng singsing at isinumpa niya ito ...na kung sinuman ang kumuha at gumalaw ng singsing ay mamamatay !"sagot nito.

         Unti unting nagliliwanag na sa isipan ko ang lahat.

         "Hubarin mo ang singsing miss at ibalot mo ito sa pulang tela bago ka pa sundan dito ni Helen."utos sa akin ng nurse.

         "Bakit ?"tanong ko.

   

         "Hindi siya titigil miss hanggat hindi ka niya napapatay."sabi nito.

         "Anong pangalan mo miss ?"tanong ko.

        "Ako si Carol..CAROL HERNANDEZ !"

     

      

Ang Pamana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon