Part 33 Ang Pagbisita

3.9K 89 0
                                    

"Ako si Carol."pakilala nang nurse sa akin.

"Ako pala si Divina."pakilala ko.

Hinawakan ni Carol ang kamay ko."Puwede bang Ate Carol na lang ang tawag ko sayo ?"

Tumango si Carol."Sure." sabi nito."Ibalot mo na sa pulang tela ang singsing."utos nito at iniabot sa akin ang pulang panyo.

Hinubad ko ang singsing sa daliri ko.Pero hindi ko maalis dahil sa nakakabit sa braso ko ang tubo ng dextrose.

"Ako na ang mag aalis ng singsing sa daliri mo."pag ako ni Ate Carol sa akin.

Tumango ako.

Hinubad ni Ate Carol sa daliri ko ang singsing at agad ibinalot ito sa pulang panyo.

"Itago mo ang singsing..babalik ako pagkatapos ng duty ko."sabi nito pagkatapos nitong macheck ang blood pressure ko.

"Hihintayin kita ate."sabi ko.

Tumango ito.Binuksan nito ang pinto ng biglang pumasok si Troy.May dala itong prutas.Apples and oranges ang nakikita ko.Nagkagulatan sila.Lumabas na si Ate Carol sa pinto.

"Troy !"sabi ko.

Lumapit sa akin si Troy."I'm sorry friend late ko na nalaman na nasa hospital ka pala.At condolence na rin for your dad."sabi nito.

Tumango ako.

Nagulat ako nang yakapin ako ni Troy.

Nagulat din si Troy."Sorry for that.Namiss lang kita sobra.And I'm so worried about you."sabi nito.

Parang natouch ako sa sinabi ni Troy.Parang pinana ni kupido ang puso ko.Na iinlove yata ako sa taong ito.

Ngumiti ako sa kanya.

Ngumiti din siya sa akin.

"What happened ?" Tanong nito.

"It was an accident.Nabangga ang kotseng gamit namin.Nagkaroon ng karambola.Napuruhan ang Daddy at suwerteng nabuhay ako."kuwento ko.Hindi ko na sinabi kung anong dahilan.

"Thanks God your alive !"sabi nito."Hindi ko alam ang gagawin ko kapag mawala ka sa akin."

Parang kinurot ni Kupido ang puso ko.

Ang sweet sweet naman sa akin nito.

"Tandaan mo starting right now..nandito na ako sa tabi mo."sabi pa nito.

Ngumiti ako.

Napatingin ako kay Aling Maring."Paano si Aling Maring..she's with me now."sabi ko sa kanya.

Lumingon siya kay Aling Maring."Manang..magpahinga na po muna kayo..ako na lang po muna ang magbabantay kay Divina."sabi nito.

"Okey lang po ba sa inyo mam ?"tanong ni Aling Maring sa akin.

Tumango ako.

"Sige po mam sir.Uuwi po muna ako sa bahay at dederetso pa po ako sa burol ng Daddy ninyo."paalam nito.Kinuha ang kanyang dalang bag at lumabas na ito ng kuwarto.

Kinuwentuhan ako ng kinuwentuhan ni Troy.Minsan natatawa at minsan naman naiinis ako.Gaya ng dati hindi siya boring kausap.May sense ika nga.Kaya siguro nagustuhan ko ito.At ngayon mukhang ma iinlove pa yata ako.

Nang biglang may kumatok sa pinto.

Napatingin kami pareho ni Troy sa pinto.

Bumukas ito at bumulaga ulit sa pinto si Ate Carol.

"Tapos na duty ko.Handa ka na bang malaman ang lahat ?"tanong sa akin ni Ate Carol at tumabi ito sa akin.

Napakunot ang noo ni Troy.

Pinakilala ko si Troy kay Ate Carol."Ate Carol si Troy..friend ko.Troy si Ate Carol..nurse na naka on duty dito."

Inabot ni Ate Carol ang kamay nito kay Troy.Inabot naman ni Troy ang kamay nito at inalog ito.

"Nice to meet you."sabay silang nagsalita.

Nagsalita ako."Troy puwedeng lumabas ka na muna kasi may pag uusapan lang kami ni Ate Carol."paalam ko.

Sumabad si Ate Carol."Bakit? Wala ba siyang alam?"tanong nito.

Umiling ako.

Tumango tango si Troy."Andaya niyo ha..hindi ba ako puwedeng sumali dyan sa usapan ninyo ?"

Umiling ulit ako.

"Sige na nga !"sabi nito ."Pero bago ako lumabas..may gagawin ako sayo !"sabi nito.

"Ano ?"tanong ko.

"Nanakawan kita ng halik !"

Bigla akong hinalikan nito sa noo.Nakaramdam ako ulit ng kilig.In love na ako sa lalakeng ito !

Nagsalita si Ate Carol."Excuse me..friends lang ba kayo? Para kayong mag dyowa."

Nagtawanan kaming dalawa ni Troy.Ngumiti sa amin si Ate Carol.

Agad ay lumabas na ng kuwarto si Troy.

At naiwan kaming dalawa ni Ate Carol.

Ang Pamana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon