Part 40 Ang Bagsik ng Paghihiganti

3.7K 80 0
                                    

Nangatog ang tuhod ko sa takot nang makita at makaharap namin si Helen.Ganon din si Troy halata din sa hitsura nito ang kaba at takot.

Si Ate Carol kalmado lang ito .

"Maligayang pagdating Carol at nagkita tayo ulit !"sabi ni Helen at lumapit ito sa amin."Hindi ko akalain na buhay ka pa pala."patuloy nito.

Tumingin si Helen sa akin at nagsalita."Divina!"at humalakhak ito."Hindi na pala ako mahihirapang patayin ka dahil nandito ka na at nagsama ka pa ng isa."at tinitigan nito si Troy.

Lalo akong nanginig sa takot.Napahawak ako sa kamay ni Ate Carol.Si Troy mukhang hihimatayin sa takot.

"Ibabalik ko na ang singsing mo Helen para sa ikakatahimik mo !"sigaw na sabi ni Ate Carol.

Bumaling ang tingin ni Helen kay Ate Carol."Ang aking isinumpang singsing...ibabalik mo sa akin."at humalakhak ito."Ang sumpa ay sumpa at hindi na ito mababali o mawawala ! Kaya anuman oras ay papatayin ko kayo.Tikman ninyo ang lupit ng aking paghihiganti lalo na sayo Carol !"

Kumumpas pataas ang isang kamay ni Helen.Biglang umangat paitaas ng kisame si Ate Carol.Nagpasirko sirko ito doon.

Napatili ako."Maawa ka kay Ate Carol."Umiiyak na ako.Napayakap ako kay Troy.

"Maawa.Siya ang walang awa dahil inagaw niya sa akin si Adrian."sigaw nito."Ngayon ikaw naman ang isusunod ko."kumumpas ang isang kamay nito at humagis ako at dumikit sa dingding.Hindi ako makagalaw sa pagkakadikit ko sa dingding.

Nakita ko na humarap sa kanya si Troy."Bitawan mo sila Helen.Pakawalan mo sila lalo na si Divina !"sigaw nito.

"Pakialamero kang lalake ka !"sinakal nito si Troy at iniangat sa pagkakasakal.

Nabahala ako.Parang winasak ang puso ko noong makita kong sinasakal ni Helen ang mahal ko.

Sumigaw ako."Bitawan mo si Troy Helen.Parang awa mo na.Ako na lang ang patayin mo !"

Lumingon sa akin si Helen at ngumisi.

Maya maya ay ibinalibag nito si Troy sa dingding.

Bumalibag si Troy sa dingding ng wala nang malay.

Diyos ko baka patay na si Troy. Diyos ko huwag naman sana..usal ko.

Ang Pamana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon