Part 30 Ang Muling Pagpaparamdam

3.9K 87 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kuwarto.Nakahiga sa kama at nag iisip.Nakakapanibago dahil wala na akong malalapitan kapag may problema ako.Wala akong mahihingian ng tulong.Wala na akong kakampi dito sa bahay na ito.Si Daddy lang ang puwede kong lapitan ngayon pero lubhang nahihirapan akong paniwalain siya sa aking mga sinasabi tungkol sa babaeng nakaputi.

Ano bang gagawin ko para mapaniwala ko siya tungkol sa babaeng nakaputi ? Sa ganun pag iisip hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Mam gising na po kayo !"sabi ng nasa pinto ng kuwarto ko.Kumakatok ito.

Nagising ako.Kinapa ko cellphone ko at sinilip ang oras.Alas siyete ng gabi na pala.

"Mam sabi po ni Sir bumangon na raw po kayo at maghahapunan na po."boses ni Aling Maring ang naririnig ko.

"Sige po !"sigaw ko at napilitan akong tumayo mula sa kama.Ini on ko ang flourescent light.Uminat muna ako at nagtuloy sa banyo.Naghilamos ako at nagtoothbrush.Humarap sa salamin at nagsuklay.

Nagpalit ako ng tee shirt at short pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto.Bumaba ako ng hagdanan at nakakapanibago talaga dahil si Daddy na lang ang mag isa sa dining table.Na dati pag bumababa ako ay nandyan si Auntie Sophia kasalo sa pagkain namin ng hapunan.

"Good evening Dad !"bati ko sa kanya at humalik ako sa pisngi.

"Good evening din..kumain ka na."utos ng Daddy sa akin.

Nakahanda sa mesa ang bagong saing na kanin,chicken curry at chopsuey.Umupo na ako sa banko.Nagsandok na ako ng sarili kong pagkain.

"Dad.. puwede mo ba akong ihatid sa school bukas?"sabi ko.

Tumango ito."Sure !"ang sabi.

Sumasandok na rin ito ng sarili niyang pagkain.

"Kung gusto mo starting tomorrow ..ihahatid na kita sa school mo everyday."sabi pa nito.

Pumalakpak ako.Tuwang tuwa ako."Talaga Dad !?"sabi ko.

"Yes."tipid na sagot ng Daddy.

Masaya ako dahil ihahatid na ako ni Daddy sa school.Makakasave na rin ako ng allowance ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising.Naligo agad ako.Any moment tatawagin na ako ng dalawang katulong para sa breakfast namin.Pero 9 :00 na hindi pa rin ako tinatawag ng katulong namin.Kaya naisipan ko na ako na lang ang bababa.Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko at lumabas ako.Bakit parang walang tao ? Ang tahimik sa loob ng bahay .Ang dalawang katulong ay dapat abala na sa pagpreprepare ng breakfast namin ay wala pa.Si Daddy na dapat ay nagbabasa na ito ng newspaper sa umaga ay wala din ito.Nasaan sila ?

Nang napalingon ako sa isang babaeng nakaputi na naglalakad patungo sa kuwarto ni Daddy.Kinusot kusot ko ang mata ko baka namamalikmata lang ako.Ang babaeng nakaputi nga talaga ang nakikita ko.Nakita kong pumasok ito sa loob ng kuwarto ng Daddy.

Oh my god ! Baka patayin niya na rin si Daddy.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa pinto ng kuwarto ng Daddy sa bilis ng pagbaba ko ng hagdanan.In seconds ko lang yata nagawa.Agad ay binuksan ko ang pinto ng kuwarto ng Daddy.

Nabigla ako sa nakita ko.Nanlaki ang mata ko.

Katabi ni Daddy sa pagtulog ang babaeng nakaputi !

Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa.

Nagising si Daddy at bumalikwas ito sa kama.

"Good morning anak."bati sa akin ni Daddy.

"Sino yan katabi mo sa kama Dad ?"tanong ko.

"Ang mommy mo."sagot nito."Hon..bangon ka na at nandito na anak mo."utos nito sa babaeng nakaputi.

Bumalikwas ito ng bangon.

Napasigaw ako sa nakita.

Ang babaeng nakaputi.Inaagnas ang mukha nito at nakangisi sa akin.

"Good morning Divina...handa ka na ba sa magiging kamatayan mo ?"sabi nito at humalakhak ito ng malakas.

Ang nakapagtataka pati si Daddy nakihalakhak sa kanya.

Hindi totoo ito ?!

Panaginip lang ito.

Isang bangungot !

Napabalikwas ako ng bangon.Panaginip nga !

Sinilip ko ang oras sa wall clock.Alas siyete na pala ng umaga.

Ngayon ang simula ng paghatid sa akin ni Daddy sa school.

Ang Pamana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon