"Handa ka na ba ?" tanong sa akin ni Adrian habang naglalakad kami palabas ng eskuwelahan.
"Handa saan ?" napalingon ako sa kanya.
"Sa pagtatapat natin..sa kaibigan mo."matapang na sagot niya.
"Hindi ko pa yata kaya."
"Mahal mo ba ako talaga ?"
"Mahal."
"Ulitin mo."
"Mahal na mahal ."
"Lakasan mo."utos nito.
"Mahal na mahal !" Sigaw ko.
"Kung talagang mahal mo ako..handa kang harapin ang kaibigan mo."
Napaisip ako.
Katahimikan.
Kung magtatapat ako sa kaibigan ko tiyak na sukdulan ang galit nito sa akin.Nangako pa naman ako sa kanya na hindi ako magkakagusto kay Adrian.
Paano gagawin ko ?
Pero mahal ko si Adrian.
Kaibigang matalik ko si Helen.
Sinong pipiliin ko?
Si Helen o si Adrian ?
"Nakapagdesisyon ka na ba ?" tanong ni Adrian sa akin.
Bahala na.
Mahal ko si Adrian.
"Oo..magtatapat na tayo kay Helen." matapang na sagot ko.
Patawad sayo matalik kong kaibigan.
Nangangatog ang tuhod ko sa harap pa lang ng bahay nila Helen.Hawak ni Adrian ang kamay ko.
"Helen !" sigaw ni Adrian sa tapat ng pinto nila.
Hindi lumabas si Helen.
Kumatok na si Adrian.
Isa..Dalawa..Tatlong katok.
"Sino yan?" Nanay ni Helen sabay bukas ng pinto.
"Kami po.."sagot ni Adrian."nandyan po ba si Helen ?"
"Kayo pala yan...Carol...Adrian."sabay pasok sa loob ng bahay."Tara pumarine kayo sa loob."
"Nandyan po si Helen?" tanong ko na halos parang napapaos.
"Nasa kuwarto niya at sandali lang at tatawagin ko."sabi ng matanda
Nagkatinginan kami ni Adrian.
"Sige po."
BINABASA MO ANG
Ang Pamana (Completed)
TerrorIsang singsing ang ibinigay ng lola ni Divina bago ito nalagutan ng hininga..isang singsing na akala niya ay isang kayamanan ay LAGIM at HILAKBOT ang dala......!