Inihanda ko na ang sarili ko sa paghaharap namin kay Helen.Ngayon na ang araw ng aming pagpunta sa bahay nila.
Nagsalita si Ate Carol habang naglalakad kami papunta sa bahay nila Helen."Alam niyo ba na ginawa ko na rin ito pero nabigo akong ibalik ito sa kanya."sabi nito.
Napalingon kaming dalawa ni Troy sa kanya.
Nagpatuloy ito."Ibabalik ko na sa kanya ang singsing pagkatapos niyang patayin lahat ng mga mahal ko sa buhay pero hindi ko nagawa dahil gusto ni Helen na patayin ako."
Nakikinig kami sa kanya habang patuloy kaming naglalakad.
"Gusto talaga ni Helen na patayin ako pero nabigo ito.Nakalabas ako sa bahay nila nang tangka niya akong saksakin ng patalim.Nagtatakbo ako noon dahil sa hinahabol niya ako.Dahil sa kakatakbo ko ay aksidenteng nabunggo ako ng truck at tumilapon ako sa kalsada.Nabitawan ko ang singsing na hawak ko nang mga oras na yun.Pagkatapos nakita ko na may dumampot ng singsing.Ito ay ang lola mo Divina..ang Lola Dolores mo ..kaya sa kanya nasalin ang sumpa."patuloy nito.
Nakikinig lang kami ni Troy sa kanya .
"Mula nang mawala sa akin ang singsing ay hindi na nagpapakita o nagpaparamdam sa akin si Helen."pagtatapos nito.Nagsalita ulit ito."At sana naman ngayon ay maibalik natin ng maayos ang isinumpang singsing ni Helen sa kanya."
Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa bahay ni Helen.Gawa sa kahoy ang bahay nila .Lahat ay yari sa kahoy.Ang bintana.Ang pinto.Ang dingding.Ang atip ng bahay ay gawa sa yero.Yun lang ang nabago sa paningin ko.
"Nandito na tayo.Handa na ba kayo ?"tanong sa amin ni Ate Carol.
Tumango si Troy.
Alanganin ang pagtango ko kasi nakakaramdam talaga ako ng nerbiyos at takot.
Pumasok na si Ate Carol sa may tarangkahan.Sumunod kami sa kanya.Pumunta kami sa may pinto mismo ng bahay.
Binuksan ni Ate Carol ang pinto at bumungad sa amin ang nakakasulasok na amoy.Muntik na akong masuka.Nagtakip ng bibig si Ate Carol.Ganun din si Troy.Nagtakip na rin ako ng bibig.
Pumasok kami sa loob .Simple gamit para sa simpleng bahay.May bankong mahaba.May center table gawa sa kahoy.Nasa gitna ng mesa ang isang plastic na bulaklak na nakalagay sa flowervase.
Pero napupuno na rin ito ng alikabok at sapot ng gagamba sa loob ng bahay.
Nagtuloy kami sa loob mismo ng bahay.Hinawi hawi namin ang mga sapot ng gagamba sa pagpasok namin sa loob.Nagtuloy kami sa hagdanan at umakyat.May dalawang kuwarto akong nakikita pagdating sa taas.
Una kaming nagtuloy sa unang kuwarto.Kuwarto daw ito ng Nanay ni Helen sabi ni Ate Carol.
Binuksan ni Ate Carol ang pinto at bumulaga sa amin ang isang kalansay na nakalapag sa sahig.Napatili ako.Nagulat si Troy.
"Nandito pa rin ang bangkay ni Aling Juana.Kalansay na lang ito."sabi sa amin ni Ate Carol.
Nagtanong ako."Anong nangyari ?Bakit siya namatay ?"
"Nagbigti siya pagkatapos niyang patayin si Helen."sagot ni Ate Carol at pagkatapos ay itinuro ang lubid na nakalaylay sa kisame.
Napatakip ako ng kamay.
"Halika doon tayo sa isang kuwarto.Alam ko iyon ang kuwarto ni Helen."umalis kami doon at pinuntahan namin ang isa pang kuwarto.
Binuksan ni Ate Carol ang pinto ng kuwarto at tumambad sa amin ang maraming nakapaligid na itim na kandila.
Pumasok kami sa loob.Nasipa ko ang isang libro sa sahig pagpasok namin sa kuwarto.
Nagulat ako.
Napalingon sa akin sina Ate Carol at Troy.
Dinampot ni Ate Carol ang libro.
Isa ito itong black book.
"Ano yan ?"tanong ko.
Ganun din si Troy."Ano yan ?"
Tumango si Ate Carol at nagsalita."Hindi ko alam."
Sinimulan buklatin ni Ate Carol ang libro.Tinignan at binasa namin ang nilalaman nito.
Nagulat kaming tatlo.
Naglalaman ito ng voodoo spells.
Naglalaman din ito ng witchcraft spells.
Puro salitang Latin.
Nabitawan ni Ate Carol ang libro.Nalaglag ito sa sahig.
Nang biglang humangin ng malakas.
Bigla ring bumukas ang bintana sa kuwarto.
Maya maya ay biglang sumindi lahat ng kandila.
Nagulat kaming tatlo.
Napayakap ako kay Ate Carol.
Nang may nagsalita.
"Ako ba ang hinahanap ninyo ?"sabi nito.
Napalingon kami sa nagsalita.
Ito ay walang iba kundi si Helen !
BINABASA MO ANG
Ang Pamana (Completed)
HorrorIsang singsing ang ibinigay ng lola ni Divina bago ito nalagutan ng hininga..isang singsing na akala niya ay isang kayamanan ay LAGIM at HILAKBOT ang dala......!