Part 10 Premonisyon

5.4K 117 3
                                    

             Masarap kausap si Troy.Hindi siya boring .May time na natutuwa ako sa kanya kapag nag jojoke siya kapag seryoso na ang kuwentuhan namin.

              Nag iisang anak pala si Troy.Namatay na rin ang mother nito sa sakit na leukemia.At ang father nito na lang ang nag iisang kasama niya sa buhay.Ang father niya na halos  ibinubuhos ang oras sa pag mamanage ng kumpanya nila.

               Naisip ko parehas lang pala kami ng sitwasyon.Patay na ang mommy ko...ang daddy ko na nagpapakabusy sa office niya..ako na lang din mag isa.

            Naisip ko din sinadya ba talaga ng tadhana na magtagpo kami.Muntik na akong mabunggo ng kotseng bulok niya sa school dati  and now kasama ko siya ngayon dito sa debut party ko na hindi naman siya invited.

              Isa isang nagpaalam na sa akin ang mga bisita..uuwi na raw sila.

               Si Elise at si Gabriel ay parehas lasing na sa kanilang ininom na alak.

             "Can we go now?"si Elise namumungay na ang mata.

            "Oo nga pinsan..umuwi na tayo."si Gabriel."anlakas na ng tama nitong kasama ko."ininguso si Elise.

            "Hindi ako lasing nuh..I'm not drunk !"sigaw nito.

            "Divina..I have to go home na..ihahatid ko pa itong pinsan ko sa house nila."paalam ni Troy.

           "Sure..may next time pa naman eh." sabi ko.

           "Can I get your cp number?"

             Binigay ko ang number  ko sa kanya.

             "Girl..uuwi na kami..kasi gagawa pa kami ng baby ni Gabriel." si Elise pasuray suray maglakad papuntang gate  palabas."Happy birthday !"sabi pa nito.

             "What the fuck Elise !" si Gabriel.."keep your mouth shut !" utos nito.

              "Pasensiya ka na sa dalawa ."si Troy humihingi ng depensa.

            "Its okay..kilala ko na ang dalawang yan."sabi ko.

           "I have to go.."paalam nito."bye now..I will call you tomorrow."

           Inalalayan ni Gabriel si Elise na pumasok sa backseat ng kotse.

            Si Gabriel ang nasa front seat.

            Si Troy ang nasa driverseat.

             Inistart niya na ang kotse pero bago niya pinaandar kumaway pa ito  sa akin.

           Kumaway din ako.

          Pinatakbo niya na ang kotse palayo.

         Tinanaw ko ang kotse hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

          Pumasok na ako sa loob at abala ang mga katulong sa pagliligpit ng  mga kalat sa handaan.

       Nagtuloy na ako sa loob ng bahay.

          Napagod ako ng sobra sa birthday party ko kaya naisipan kong mag shower muna bago matulog.

      Pumasok ako ng banyo..binuksan ko ang gripo sa lababo.

       Napatili ako.

        Nagulat ako sa nakita ko.

        Imbes na tubig sa gripo ang nakita ko..DUGO ang tumutulo dito.

     Napalabas ako ng banyo.

      Nagtataka ako.Bakit ganun ang lumalabas sa gripo?

     Baka namamalik mata lang ako.

     Pumasok ako ulit sa banyo..tiningnan ko ang gripo..hindi na dugo ang lumalabas dito.

      Sinubukan kong patayin ang gripo at buhayin ulit pero tubig na talaga ang tumutulo dito.

     Ano ang ibig sabihin nito ?

     Nang may marinig akong malakas na tunog sa labas..sa may sala.

    Lumabas ako ng kwarto at nandoon ang mga katulong sa sala..pati na rin si auntie Sophia at si Daddy.

     "Anong nangyari dyan?"tanong ko.

    "Mam nahulog po mula sa dingding ang isang picture frame. " sagot ng katulong.

     Bumaba ako ng hagdan at tinignan kung kaninong frame ang nahulog..basag ang salamin nito.

      Napaisip ako.

      Kumunot ang noo ko.

      Dahil picture ng aking lola ang nahulog.

      Si Lola Dolores.

        

        

        

       

Ang Pamana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon