Part 29 Ang Pagtatapat kay Daddy

4K 88 0
                                    

         Nakarating kami ng bahay.Bumusina si Daddy at agad lumabas ang dalawang katulong para pagbuksan  kami ng malaking gate.Ginarahe ni Daddy ang kotse.Agad ay bumaba ako ng kotse at sumunod si Daddy.

       "Magandang hapon po mam  sir."bati ng dalawang katulong.

        "Okay lang ba kayo dito sa bahay ?"tanong ni Daddy sa katulong namin.Papasok na kami sa main door.Kasunod ang  dalawang katulong.

        "Malungkot..pero okay lang naman kami dito sir."si Manang Tonya ang pinakamatanda naming katulong.

         "Opo sir..okay lang kami.Ikinalulungkot namin ang pagkawala ni Mam Sophia."si Aling Maring.

         Tumango naman si Manang Tonya.

         Nagtuloy kami sa sala.Nakita kong umupo si Daddy sa sofa.Bakas ang kalungkutan sa mukha nito.

        Pinagmasdan ko ang paligid ng bahay.Sa may hagdanan.Nagflashback sa alaala ko ang nangyaring pagkamatay ni Auntie.Ang sakalin siya ng babaeng nakaputi.Ang paggulong niya pababa sa hagdanan.Ang pag agos ng dugo sa sahig.Ang pagpapakita ng babaeng nakaputi sa akin habang nakahandusay sa sahig si Auntie.Ang pag ngiti nitong nakakatakot.

         "Iha..are you okay ?"si Daddy.Naputol ang mga iniiisip ko ng magsalita ito.

         Nagulat pa ako."I'm okay dad."pagsisinungaling ko.

         "Parang ang lalim ng iniisip mo ?"tanong ni Daddy sa akin.

        Ipagtapat ko na kaya sa kanya ang totoong nangyari sa pagkamatay ni Auntie at kay Elise ?

         Maniniwala kaya ito ?

          Lord please sana po maniwala si Daddy sa akin.Baka pagsimulan na naman ng ayaw namin ito pag tungkol sa babaeng nakaputi ang pag uusapan namin..usal ko.

        "Mam sir..tuloy na kami sa kusina ni Maring kasi may mga gagawin pa po kami."paalam ni Manang Tonya.Naputol ang iniisip kong idadahilan ko kay Daddy.

         Tumango si Daddy at nagtuloy na nga sa kusina ang dalawang katulong.

         Umupo ako sa sofa at tumabi ako kay Daddy.

         Nagbuntong hininga muna ako.

          Sisimulan ko na.Magtatapat na ako.

          "Dad."simula ko."Kung sasabihin ko ba sayo yung mga nalalaman ko maniniwala ka ?"tanong ko.

          Napabalikwas ng upo si Daddy."Bakit ano ba yan iha?"

           Lord please help me ! usal ko.

          "May alam po ako kung sino pumatay kina Elise at kay Auntie."pag amin ko.

          Kumunot ang noo ng Daddy ko."Anong sabi mo?"

          "Dad..I want to tell you the truth ."pinalakas ko na ang loob ko."may alam po ako sa pagkamatay ni Elise at ni Auntie Sophia."

         "May alam ka sa pagkamatay ng Auntie mo at ni Elise.P..paanong nangyari yun ?"tanong nito parang hindi makapaniwala.

         "Nakita ko mismo Dad ang pagpatay sa kanila !"sabi ko.

          "Tell me..sinong pumatay sa kanila ?"tanong nito.

         "Ang babaeng nakaputi Dad !"matigas na sabi ko.

          Napatayo si Daddy.

          "Damn Divina ! Tigilan mo na nga ako sa kakasabi mo  sa babaeng nakaputi  na yan !"napalakas ang boses nito.

            Napatayo na rin ako.

            "Pero dad nandoon ako ng mangyari ang lahat.Ang pagpatay kay Elise at pagkahulog sa hagdan ni Auntie Sophia !"

           "Kalokohan !"sambit ni Daddy.

           "Believe me dad..natatakot po ako na baka kayo na po ang susunod na papatayin ng babaeng nakaputi !"napapaiyak na ako.Pinipilit ko pa rin maniwala si Daddy sa akin.

             Napatawa ito ng malakas."Magpahinga ka na Divina.Go to your room and rest !"madiin na utos nito.

             "Believe me dad..ayoko pong mawala kayo sa akin..mahal ko kayo !"umiiyak na ako.

              "Kung mahal mo ako..go to your room and take a rest."utos nito.Niyakap ako ni Daddy at hinagod hagod ang likod ko."Huwag ka ng umiyak."

             Umiiyak ako sa dibdib ni Daddy.

             "Daddy's love you and Daddy's will be safe .Okay ?"sabi nito hinalikan niya ang noo ko.

             Tumango ako.

              "Now go to your room and rest."ulit nito.

             Bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Daddy.Umalis na ito at nagtuloy na sa kanyang kuwarto.Naiwan akong nag iisa.

             Bigo ako.

             Hindi ko napaniwala si Daddy.

             Hindi ako susuko.

             Gagawa pa ako ng paraan para mapaniwala ko  si Daddy !

        

        

        

Ang Pamana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon