Nasa loob na kami ng kotse ng Daddy.Pero ang isip ko ay nasa panaginip ko.Ano kaya ang ibig sabihin nun?
Natatakot na naman ako.
Napansin ako ni Daddy."What's bothering you iha ?"tanong nito habang hawak ang manibela.Nasa biyahe na kami papuntang school.
Napakislot ako.Umiling ako."Nothing Dad."sagot ko.Kahit naman sabihin ko sa kanya tungkol sa panaginip ko hindi pa rin ako nito paniniwalaan.
Tumango si Daddy.Nagkibit balikat ito.
Kukunin ko sana sa backseat ng kotse ang shoulder bag ko nang natigilan ako.
Nagulat ako sa nakita ko.
Nasa likod ng kotse ang babaeng nakaputi.
Nakangisi ito sa akin.
Napatili ako.
Napatigil sa pagdrive si Daddy.Huminto ito.
"Anong nangyari ?!"tanong nito.
"I saw her Dad."sabi ko.Nagface palm ako.
"Sinong nakita mo ?!"tanong nito.
"Ang babaeng nakaputi ! Nasa backseat siya Dad nakaupo !"sigaw ko.
Lumingon si Daddy sa backseat."I saw nothing Divina !"sabi nito."You look paranoid."
"Pero nakita ko siya sa backseat Dad."lumingon ako pero wala na doon ang babaeng nakaputi.
Umiling iling si Daddy.Pinagpatuloy ang pagdrive ng kotse.
"Believe me Dad.I saw her !"sigaw ko
Patuloy pa rin sa pagdrive ng kotse si Daddy.
Nang may tumawid sa harap namin.
Nakita ko kung sino ang tumawid !
Ang babaeng nakaputi !
Dahilan kaya na nawalan ng control sa manibela si Daddy.Nabangga kami sa isang bumper ng kotse at nagpaikot ikot kami sa highway.Pilit na kinokontrol ni Daddy ang manibela.Isa pang kotse ang bumunggo sa amin.
"Holyshit !"sigaw ni Daddy.
"Oh my god Daddy !"sigaw ko.
Nagpaikot ikot kami hanggang sa isang malakas na impact na pagbangga ng isang truck sa amin kaya humagis kami at nagpagulong gulong ang kotse ni Daddy.Tumigil ito ng nakataob ang kotse.Nakita kong duguan na si Daddy at wala nang kibo.Patay na ito !
Narinig ko ang sigaw ng mga tao ! Nagkakagulo ang mga ito.
"May karambola !"
"Tulungan ninyo kung buhay pa ang sakay ! Bilis !"
" Tumawag kayo ng ambulansiya !"
"Tumawag kayo ng police !"
Hindi ako makakilos.Naipit ang paa ko.Napansin ko na may tumutulong dugo sa noo ko.Oh my god duguan ako.
Sumigaw ako."Tulungan ninyo kami !"
Nagkagulo pa rin ang mga tao sa paligid.
Naririnig ko na ang sirena ng ambulansya.
Nararamdaman ko ang unti unting paglabo ng paningin ko.
Hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay !
BINABASA MO ANG
Ang Pamana (Completed)
HorrorIsang singsing ang ibinigay ng lola ni Divina bago ito nalagutan ng hininga..isang singsing na akala niya ay isang kayamanan ay LAGIM at HILAKBOT ang dala......!