Part 28 Ang Libing

3.8K 86 0
                                    

           Nailibing ng maayos si Auntie.Halos mamaga ang mata ko sa kakaiyak.Nasa tabi ko si  Daddy habang nasa likuran ko si Troy nakaalalay sa akin.Marami ang nakipaglibing.

           "Stop crying na Divina."utos sa akin ni Troy.

           Tinitigan ko lang siya habang  sumisinga ako sa dala kong tissue  paper.

            "Mapipigilan mo ba akong umiyak eh auntie ko yan !"mataray kong sabi.

            "Sabi ko nga !"sambit ni Troy.Nakita ko nanahimik ito.

            "I'm going home na.I'm tired and I need to sleep."sabi ko.

           Tumango ito.Tahimik pa rin.

           Nakita ko si Daddy patuloy ito sa pakikipagkamay sa mga condolences ng mga nakipaglibing.Nagtuloy ako sa kotse namin nakapark.Nakasunod sa akin si Troy.

            Nagsalita na ako."Hindi ka pa ba uuwi ?"tanong ko sa kanya.

            "Mamaya na siguro."sagot nito.

            "Salamat sa pag alalay sa akin ha."sabi ko ng mahinahon na boses."Salamat na rin dahil nandyan ka sa tabi ko."

         Nagkibit balikat ito."Wala ito..were friends di ba?"

          Ngumiti ako sa kanya.

          Ngumiti rin ito sa akin.

         Nakita ko na papunta na si Daddy sa kotse.

         "You have to leave now...Daddy is coming."sabi ko .

         "Okay tatawagan kita ha."sabi nito.

         "Bakit ?"tanong ko.

         "Para macheck kitang okay ka na."sagot nito.

         Hinawakan ko ang dalawang kamay nito.

         "I'm fine..no need to worry."sabi ko."Now go to leave..nandito na si Daddy."

          Nakaalis na si Troy ng dumating si Daddy sa kotse.

           "Sino yun ?"tanong ni Dad.

           "Sino po?"pagkukunwari ko.

            Pumasok na kami sa loob  ng kotse.Pinaandar na ni Daddy ang kotse.

           "That guy na kausap mo."sagot nito.

             Nag isip ako."Classmate ko po sa school ."pagsisinungaling ko

            "Akala ko manliligaw mo."sabi nito.

             Nagulat ako."Dad..libing ni Auntie tapos dito siya manliligaw sa sementeryo..eh di  wow !"reaksiyon ko.

             Napatawa sa inasal ko si Daddy.

             Biglang tumahimik si Daddy habang nagdridrive ng kotse..Natahimik din ako.

              Katahimikan.

              Nang pumasok sa isipan ko ang babaeng nakaputi.Sino kaya ang susunod nitong patayin ?

             Si Daddy ?

             Si Troy ?

             O ako ?

             Hindi na bale ako  ang susunod niyang patayin..tatanggapin ko na kamatayan ko sa kanya.

             Huwag lang si Daddy o si Troy.

              Pero kailangan malaman na ito ni Daddy tungkol sa pagpatay ng babaeng nakaputi kina Elise at Auntie...kailangan ko nang magtapat kay Daddy bago mahuli ang lahat !

Ang Pamana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon