Part 11 Si Lola Dolores

5.2K 117 2
                                    

              "Anong nangyari ?"si Daddy habang nakatingin sa basag na malaking picture frame ni lola.

              "Nahulog po mula sa dingding itong picture frame ."sabi ni Manang Tonya.

              "Picture yan ni Mother Dolores..paano yan nahulog sa dingding?"takang tanong ni auntie Sophia.

              "Hindi ko po alam mam."sagot ng katulong.

               Tiningnan ni Daddy ang pinagkabitan ng frame..nawala na ang concrete nail na nakapako sa dingding.

              "I think hindi nakabaon mabuti yung concrete nail sa dingding." paliwanag nito.

               Nakita ko sa sahig ang concrete nail.

              "Nakita ko na ang pako Dad."..sabi ko tinuro ko ang sahig.

             Dinampot ni Daddy ang pako sa sahig.

             "Baka marupok na ang pako na pinagkakabitan ng picture frame ng Lola mo."

             "Look..kinakalawang na yung pako."si auntie Sophia.

            "Oo nga."si Daddy pinagmamasdan ang pako.

           "How about the picture frame ni Lola ?"tanong ko.

           Isa isa nang dinadampot ng mga katulong ang mga bubog sa sahig at inaangat na nila ang malaking picture frame ni lola.

            "Paparepair na lang natin ulit yan sa photoframe shop."sagot ni Daddy.

            Tumango ako.

            "I go to sleep na..I need a rest."si auntie Sophia pagkatapos magpaalam nito ay tumalikod na at pumunta na sa kanyang kuwarto.

             "Sir..saan po namin ilalagay itong frame ?"si Aling Maring..ang isa pa naming katulong.

           "Itabi muna ninyo sa garahe..baka bukas pagagawa ko na yan."

          Tumalikod na si Daddy."Matulog ka na Divina..mag hahatinggabi na."utos nito.

        "Yes dad..goodnight po." sabi ko.

       Tumalikod na ako paakyat ng hagdanan.

       Iniwan ko ang dalawang katulong na pinagtulungan buhatin ang picture frame patungong garahe.

             Nagising ako na nag riring ang cellphone ko.

             Tiningnan ko kung sino ang tumatawag.

             Si Troy.

             Umaga na pala..sinilip ko ang oras sa wall clock..10 :30 na.

              Pinindot ko ang button ng cp ko.

             "Hello." ang sabi ko.

             "Good morning..,"bati nito."mukang naistorbo ata kita sa pagtulog ?"

             "No..Hindi."bumangon ako sa kama."para ka ngang alarm clock ang galing mong sumakto sa oras ng gising ko."ngumiti ako.

            Tumawa ito sa sinabi ko.

             "Bakit ka pala tumawag ?"tanong ko.

             "I told you di ba na tatawagan kita kagabi."

             Napatango ako."Ah."sabi ko.

            "Bangon ka na dyan and do breakfast na."utos nito.

            "Oo..naman."

           Narinig ko may malalakas na katok sa pintuan ng kuwarto ko.

            "Divina !" sigaw nito.

             "Divina !"kay auntie Sophia ang boses.

             "Ah..Troy maybe I will call you na lang later."paalam ko sa kanya.

            "What happen?"sabi nito.

            "Hindi ko alam eh..try mo ulit tumawag mamaya ha or ako na lang ang tatawag..okey ?"sabi ko.

            "Okey."

            Naputol na ang linya.

            Binuksan ko ang pinto ng kwarto..si auntie Sophia nga.

            "I have a bad news from you.."balita nito.

            "May masamang nangyari ba auntie ?"

            "Your grandmother was dying.."sabi nito.

            "Si Lola Dolores..bakit daw !?"

           "Nanghihina na ito..at sabi ni Manang Henia somethings happened to her..parang may kausap ito lagi at nangingisay."

           "Weird."sambit ko.

 

           "You and your Dad will be going in Kalye Malihis tomorrow..mag excuse ka muna sa school.

            "Okay."sabi ko.

             Si Lola Dolores ay mother ng mommy ko.I like her kasi napakabait niya sa akin.Binibigyan niya ako ng kahit ano ...pagkain, prutas, laruan noong bata pa ako.Noong namatay ang mommy..iyak siya ng iyak..yinayakap niya ako lagi ..kamukha ko daw kasi si mommy..kaya siguro paborito niya akong apo.

              Si Nanay Henia na lang ang nakakasama niya doon sa Kalye Malihis..nakakabatang kapatid ni Lola..matandang dalaga ito kaya siguro ibinubuhos na lang ang oras sa pag aalaga at pagtitinda ng kanilang taniman ng gulay doon.

              60 years old na si Lola Dolores noon pero ang pinagtataka ko dito ay kaya niyang magbuhat ng isang balde puno ng tubig.Marahil sa kinakain niya lagi ay puro gulay at prutas...ganun din si Nanay Henia.

               67 na ngayon si Lola Dolores ..ang pinagtataka ko ay bakit ito biglang nagkasakit at nanghina..at she was dying ?

              Gusto kong malaman kung bakit.

              Bukas bibiyahe kami ni Daddy sa Kalye Malihis.

            

   

          

           

            

        

          

Ang Pamana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon